Chapter 2

76 44 0
                                    

Vez's Pov

First day of class 0.5

Maganda, cute, mabait, medyo mahiyain, ordinaryong babae pero ang hindi ko maintindihan eh kung bakit kanina pa'ko ngiti ng ngiti sa kanya, hindi ba nangangawit ang panga ko kakangiti?

Ang sarap nya kasing pakisamahan. Mabait sya at mukhang nagustuhan sya ng whole section namin. Yeah sya yung transferee namin. What's her name again? Ahh right, she's Niña.

I think I'm older than her. She looks rich because of her aura. She looks like from a biggest family.

Maybe I should ask her what's her initial or full name nalang kaya?

"ahmm Niña can I ask something?" i said to her.

Takte ngayon lang yang english na yan sa susunod hindi na. Yayamanin kasi itong katabi ko parang ang cheap naman ata kung purong tagalog ang pakikipag usap ko sa kanya.

"yeah sure, why not." oh tamo sa bigkas pa lang nya ng word na yan halos dumugo na ilong ko.

Hindi naman ako bobo pero hindi din matalino ano lang normal na tao lang.

"hmm..." sige hinga Vez "what's your parents job?" huh? ano daw?

Bakit naiba yung tanong ko? Dapat full name nya hindi kung anong trabaho ng magulang nya.

Hindi ko na kasi alam kung pano e-englishin yung tanong na yun eh kaya yan nalang tuloy lumabas sa dila ko.

"ahmm my father and mother have their own company, actually ngayon yung flight nilang tatlo papuntang America may business proposal kasi sila don." paliwanag nya habang nakangiti.

Sabi na nga ba eh bigatin to. Pero bakit ganun? Nakangiti naman sya habang binabanggit ang mga salitang iyon pero yung mga mata nya parang hindi masaya.

...light bulb💡...pfft!!! Eyes don't lie!

Tama hindi sya masaya. Dalwa lang yan eh, hindi sya masaya dahil kinakabahan sya dahil first day of class or hindi sya masaya dahil sa laging busy ang parents nya sa business. Ganun kasi lagi sa mga drama di'ba? At sa mga palabas. Pag mayaman laging busy sa business nawawalan ng time sa anak.

Kahit papaano naman pala may silbi din utak ko.

Pero teka ano yung sinabi nya? Tatlo daw?

"sinong tatlo?" ekseherada kong tanong sa kanya. Hindi naman sa chismosa pero parang ganun na nga.

hahahaha.

"my parents and my brother." sabi nya sa'kin at ngumiti ulit.

Sige ngiti lang dyan ka masaya eh go support lang ako.

"so may kapatid ka?" tanong ko sa kanya sa mahinang boses. Nahihiya na kasi ako puro nalang ako tanong.

"yeah, my brother is promoted to be a CEO of our company kaya kasama si kuya sa america." sagot nya, parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Bigatin sila, ako ito normal na tao lang hindi pa kilala ang tunay na magulang.

Yan sige tanong pa.

Talaga magtatanong pa'ko hanggat hindi sya nagsasawang sagutin lahat ng katanungan ko.

"ilang taon ba agwat sayo ng kuya mo?" tanong ko nanaman kay Niña, di na inisip kung masyado ng malalim yung mga binibitawan kong salita.

"one year." sagot nya na agad ko namang ikinabigla at halos maisigaw ko pa yung panibagong tanong ko sa kanya.

"one year? you're only 17? right?." takang tanong ko sa kanya, agad naman sya'ng tumango. "pano nangyari, hindi ko maintindihan, I mean tumigil ba sa pag aaral si kuya mo? Or what?" tanong ko nanaman sa kanya.

The tapestry of love (ONGOING)Where stories live. Discover now