Chapter 11

62 36 4
                                    

Akhira's Pov

Spin it, spill it!

Leron leron sinta buko ng papaya ikaw nama'y
tanga umaasa sa kanya, pagdating sa dulo Ikaw ay nagpakatanga, kapos kapalaran sinaktan ka lang nya~~~

Kanta ko na bahagya ng nabobored pero yung totoo patama talaga yan sa nagbabasa.

Ako ay may shota, umuwi sa iba, di ko na nakita, may mahal na palang iba, sayang lang ang pagmamahal ko binigay ko sa gagu, kung sa sarili sana masaya pa ako~~~~

“pre dalhin na kaya natin sa hospital iyang si Akhira?” mahinang bigkas ni Louie pero abot ng pandinig ko.

“h-huh? bakit naman, wala namang sakit si Akhira ah?” mahina at nagtatakang tanong ni Henry.

Ano daw? hospital? gagu!

Tiningnan ko ng masama si Louie ay ang gagu nag umpisa ng tumakbo, wala akong ibang nagawa kundi ang habulin sya.

Wag kitang maaabutan kukutusan kitang gagu ka!!

W-WAHHH tulungan nyo ko baliw na si Akhira, wahhh papatayin nya ko, wahhh dalhin nyo na sa mental!!” takot na sigaw ng tarantadong Louie at tsaka nagtago sa likod ni Lei.

Wahhh Lei Sheong baliw na bestpren mo!! Wahh!!!” sigaw nanaman ni Louie na animo'y takot na takot.

Binatukan sya ni Lei dahilan para magkamot batok ang luko.

“talaga ba? eh parang mas baliw ka pa sa sinasabi mong baliw eh!” seryusong saad ni Ace na pinagtawanan ng mga luko.

Hindi na umimik si Louie marahil ay napahiya, alam naman naming pinuputol lang ni Louie ang katahimikan kasi sobrang tahimik talaga namin kanina.

Yung tipong ramdam yung tensyon at awkwardness sa pagitan naming lahat, I mean sila lang pala ang awkward, hindi naman ako na-awkward-an sa kanila, pero sila parang nagkakahiyaan pa sa isa't isa.

Anong meron sa inyo bakit ang tahimik?

Hindi kaya? Yung crush ni Niña ay si Luke? Yung hiya at tingin kasi nya sa lalaki kakaiba eh, tapos nabanggit nya sa'min na basketball player crush nya tas nagkataong basketball player din itong si Luke.

Tapos si Lei? Ewan? Yung babaeng pinsan ni Niña titig na titig kay Lei Sheong kulang nalang eh matunaw.

Pffft....

“spin it, spill it!” malakas na saad ni Henry at nakuha naman nya ang atensyon naming lahat.

May hawak sya'ng bottle ng mountain dew, aanuhin naman kaya nya iyon?

“anong spin it spill it?” tanong ni Aizi kay Henry.

“laro tayo para hindi mabaliw iyang si Louie” natatawang saad ni Henry.

“si Akhira ang baliw hindi ako” madiing sabi Louie'ng baliw

Hindi ko nalang sya pinatulan baka nga tuluyan akong mabaliw kapag ginawa ko iyon.

“spill the mechanics Henry" sabi ni Vez na katabi lang ng kuya ni Niña.

Eh? Edi kayo na!!

Kasalukuyan kaming nasa second floor ng rest house, up and down kasi.

Nandito ang mga kwarto malaki at malawak kasi itong rest house nila Niña.

The tapestry of love (ONGOING)Where stories live. Discover now