Chapter 14

57 35 3
                                    

Kaishin's Pov

Tears of friendship

Ang tagal nila! Ano na kayang nangyari sa kanila? Hindi 'to pwedeng mangyari, hindi 'to pwedeng mangyari kay Khira!

Ngayon ko lang nalaman na may traumatic experience si Akhira, dapat alam ko yun dapat inaalam ko yun kasi kaibigan nya ako, pero wala man lang akong napansin at ginawa, wala akong kwentang kaibigan.

Mag-aalas sinco na ng madaling araw wala pa'rin sila, sana hindi natuloy ang balak nong dumukot kay Akhira, sana naabutan nila si Akhira, sana hindi pa huli ang lahat.

I can't imagine Akhira suffering, I can't imagine myself without my best friend.

Halos kaming lahat dito ay hindi na mapakali, baka kasi kung ano ng nangyari sa kanila.

........

Nakahinga lang kami ng maluwag ng marinig namin ang malakas na busina ng kotse sa labas ng gate.

Dali-daling nagtatakbo palabas si tita at tito, maging ang mga kasamahan ko ay nagtatakbo na din palabas, samantalang ako ay na-estatwa na dito sa kinatatayuan ko.

Nanlalambot at nanlulumo ako, ayukong makitang may kulang kay Akhira, I mean ayukong makitang malungkot sya, ayukong makitang nahihirapan at nagdurusa sya.

Aligagang-aligaga sila papasok dito sa loob ng mansion, unang bumungad sa'kin si Ace na puro dugo ang damit, buhat buhat nya si Akhira na walang kibo at nakatulala lang.

Ibinaba ni Ace si Akhira sa malaking couch at iniupo ito doon.

Tatabi na sana si tita Myrna kay Akhira ng biglang lumuhod si Ace sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

"t-tita I'm....I'm sorry, i-i failed! I fucking failed, I'm so sorry! Hindi ko sya nagawang bantayan! Napabayaan ko sya, tita patawarin mo'ko!" pagmamakaawa ni Ace na hindi namin maintindihan, umiiyak na din sya na bago lang sa amin kasi hindi naman talaga umiiyak si Ace ngayon pa lang.

Ngayon lang namin sya nakitang umiyak.

"shhhh enough na hijo! Salamat ha? Nagawa mo yung part mo as her friend, walang may kasalanan nito! Tayong lahat hindi natin ginustong mangyari 'to!" mahinahon at Puno ng pag-iingat na sabi ni tita.

Tiningnan ko si Akhira at nakatitig sya sa akin, hindi ko alam kung ano ba dapat ang aking gawin.

Bakas sa mga mata nya ang takot, at may alpas na luha sa kanyang pisngi. Kahit hindi alam ang gagawin ay nagtatakbo ako palapit sa kanya, at sa pagtapat ko sa kanya ay tsaka ako lumuhod sa harapan nya at niyakap sya ng mahigpit.

Walang kahit na anong salita ang lumabas sa kanya, ramdam ko lang eh ang paghikbi nya.

Binitiwan ko ang salitang......

"s-sorry" sabi ko at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sa kanya.

May tumulo sa aking balikat marahil ay luha nya.

"l-layuan nyo nalang a-ako!" madiing sabi nya pero ramdam ko pa'rin ang paghikbi nya.

Bakit?

"no bakit ka namin lalayuan?" mahinahong sabi ko sa kanya.

Kahit kailan di namin gagawin sayo yan!

"a-ayukong magkaroon kayo ng kaibigan na katulad ko! Ayukong magkaroon kayo ng kaibigan na walang dignidad at talunan!" saad nya at tsaka lumakas ang pag iyak.

"no, hinding-hindi namin gagawin sayo yan, we're friends 'til we die, no one can separate the all of us, sama-sama nga tayo di'ba guys?" sabi ni Niña na sinang-ayunan naming lahat.

The tapestry of love (ONGOING)Where stories live. Discover now