Lavinia's Pov
Rest!
“at least amoy kupal lang yun hindi amoy tae” sabi ni, sino pa edi ang bf kong siraulo si Louie.
Kahit ganyan yan, mahal ko yan.
Sa ganyang paraan nya ako nakuha at napapasaya, alam nya kung paano ako papatawanin pag may iniisip akong malalim, alam nya kung paano ako pasayahin pag may problema ako.
I never fall out of love, because he loved me everyday, yeah he use words but he take action too. Hindi lang sya sa salita, ginagawa at pinatutunayan nya.
I may not the perfect gf for him but I will be the best and better for him.
Iingatan ko sya kasi ayaw kong mapunta lang sya sa babaeng pag sawa na, pag 'di na kaya, pag nakahanap ng mas better iiwan nalang sya.
Hanggat kaya ko, hanggat ako, hanggat hindi sya naghahanap ng iba, I will love him the way he deserve.
Kahit maghanap pa sya ng iba o makakilala I will still love him silently, kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon hindi pa'rin ako bibitaw kakapit at kakapit ako sa pagmamahal na meron ako sa kanya.
Louie, my love deserves my heart, he owned this inner part of me.
He's the missing piece that completes the puzzle of my heart.
“'wag na muna kayong umuwi, pahinga na muna kayo alam kong pagod kayong lahat, pag nagugutom kayo punta lang kayo sa kusina” sabi ni Tita Myrna sa amin.
Alam ko namang sinasabi nya lang iyon para dito muna kami at para na din kay Akhira.
Naiintindihan ko sya, kahit naman ako ayaw ko pa'rin umuwi, gusto ko pa silang makasama, gusto ko pang bantayan si Akhira.
“sige po tita basta ikaw, at basta madaming pagkain dyan” sabi ni Louie.
Ayan nanaman po s'ya.
“ayan ka nanaman 'di ka pa ba nadadala sabog na nga tae mo kanina pinapaandar mo pa katakawan mo” sabi ni Henry na tinawanan naming lahat.
Nakatamusong humarap sa'kin si Louie. Nakaupo kasi ako dito sa medyo may kalakihang couch na katapat lang nila Akhira at Ace.
“love oh pinapahiya ako ni Henry” tinawanan sya ng mga kasamahan namin, malapad akong ngumiti sa kanya at ibinuka ko ang aking dalawang braso.
Sumalubong sya sa akin at niyakap ko sya.
Hinalikan ko ang tuktok ng ulo nya.
“I want cuddle love” parang bata nya'ng saad at tsaka nagbuntong hininga.
“here's your cuddle my love” malambing na saad ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit.
“'yan tayo eh d'yan tayo talo” sabi ni Henry at iiling-iling pa sya.
Itinaas ni Louie ang kanyang ulo at humarap kay Henry sabay....
“bleeh, panis ka” pang-aasar ni Louie at walang magawa si Henry kundi ang manahimik nalang.
Sinusuklay ko ang kanyang buhok.
Habang sinusuklay ang buhok ng bf ko, hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Akhira at Ace.
Nakahilig ang ulo ni Akhira sa balikat ni Ace habang mahimbing na natutulog.
Para sa'kin perfect match sana ang dalawang iyan, sobrang sweet nila. Kung wala lang talaga silang bf at gf isi-ship ko silang dalawa.
YOU ARE READING
The tapestry of love (ONGOING)
Teen FictionA Weave of Friendships, Relationships, and Random Acts of Kindness