Hillary's POV
Napaka talaga ng Red na yun. Grabe nahahighblood ako sa mga ginagawa niya sakin. Nakatatlong nakaw na ng halik sakin yun sa isang araw lang. Tapos kalat pa yung picture namin na nagkiss kami. Grabe !! Saka yung kissss !!!
######^___^#######
Oo na kinikilig ako. Ikaw ba naman ikiss ng crush mo. Tapos Gf niya pa daw ako. Hihihi !!! Kkkkkk :)))) Di ko maexplain yung feeling pero ang saya ko. Ngiting ngiti ako. ^_______^
Nandito na pala ako sa kwarto ko at hinatid ako ni Red sa kanto ng bahay namin. Gusto pa nga niya ako ihatid hanggang dito sa bahay pero ayoko. Mapapagalitan ako no. Tapos may mga tsismosa pa kaming kapitbahay.
*Beep Toot
Tunog ng CP ko pag may nagtex.
From: Pula.
Bahay ka na sweetheart ?Sweetheart daw !!!! Hihihi ! Pero ayoko nga na malaman niya na kinikilig ako. Saka crush lang yan Hillary. Wag ka ngang malandi. Okay erase the malandi attitude.
To: Pula.
Isweetheart mo mukha mo. Oo bahay na ko. Pula.
NagFB na muna ako dito sa phone ko Free Data e. Tapos unang bumungad sakin ay yung picture namin ni Pula!!! Grabe nakakahiya ! Tapos yung mga pinsan ko. Nagcomment pati na dn klasmeyts at tita ko.
Comments
Hillary ?
Bf mo to ?
Ang gwapo !!!
Ginayuma niya lang yan. Tss
Pakilala mo sakin yan Anak.Hala !!! Si Mama. Lagot ako. Ang epal naman kasi ng mga bwisit na klasmeyts na to. Tapos isa pa tong si Red. Grabe nako ! Bute na lang wala pa si Mama.
" Hillaryyy !!!!!! " - Mama
" Ma ?! Bakit po ? Bababa na po ! "
Lagot na talaga ako. Humanda talaga sakin si Pula bukas. Nakakainis talaga yun.
" Sino yun ha ? Sino yung kahalikan mo sa skul ? Okay lang naman na magBF ka pero pakilala mo muna sakin. Tapos nagkiss agad kayo ? Di kita pinalaking ganyan. Baka naman mamaya may nangyare na senyo Hillary ! naku naman batang ka !! "
" Ma !! Di ko naman yun BF e. Kasi ano. Basta ! "
" Anong basta ? Ipakilala mo yun sakin. Papuntahin mo dito ngayon na. "
" Ngayon na Ma? Agad agad ? Ano ba yun Ma ! "
" Ngayon.Na. "
Kapag nagsalita ng ganyan si Mama dapat sundin na yan. Kasi ibig sabihin malapit na siyang magalit.
Itetex ko na nga lang yung hayop na yun. Bwisit kasi e. Napagalitan tuloy ako ni Mama.
To: Pula
Hoy ! Bwisit kang lalake ka. Pumunta ka daw dito sa bahay ngayon na. Kakausapin ka daw ni Mama. Nakita niya yung picture. Kainis ka kasi e.From: Pula
Oh talaga ? Sige papunta na ko.
Hindi man lang kinabahan yung lalaking yun. Ang lakas at taas ng self confidence. Grabe di ko mareach ! Nagshower muna ako at bihis na dn.
Maya maya may narinig akong bumukas yung gate ng bahay namin. Baka si Pula na yun. Makababa na nga. Teka tingin muna sa salamin. Okay na ba ? Mukha ko ? Ay d naman pala nakikita mukha ko kaya okay lang yan.
" Pa ! Aga mo ata ? "
Akala ko si Pula na. Malayo ba bahay nun ?
" Oo tinawagan ako ng Mama mo. Saka may nakasabay ako sa labas. Red daw name niya. Pinapapunta daw siya ng Mama mo. "
BINABASA MO ANG
Loving Her
General FictionLove is a feeling that you can freely do to the person you like. You can't explain the feeling but you know the emotions. Pero paano kung yung taong mamahalin mo ay may sakit ? Sakit na siya lang ang mayroon sa buong school ? Pinandidirihan ng lahat...