Clark P.O.V
"Hoy Clark, pansin mo ba yung maitim na kotse na iyon? Kanina pa nakaparke sa may labas oh." Saad ni Bea habang nagawa siya ng milktea habang ako naman ay nasa counter inaasikaso yung mga customers
"Oo nga eh." Saad ko
"Paalisin mo na kaya mamayang pagkatapos mo diyan hindi naman siya nag-o-order ng kahit ano e."
Inabutan ko naman ng milktea na inorder isang customer ibinigay ko na din sakaniya yung sukli.
Pagkatapos kong asikasuhin ang mga customer dito sa milktea shop ni ate Sakura ay lumabas na ako para puntahan ang maitim na kotse.
Ikinatok ko naman ng tatlong beses ang bintana ng kotse kaso walang sumasagot.
Ilang sandali lamang ay bumukas na din ang bintana ng kotse.
Bumungad saakin ang isang lalaki na kulay itim ang buhok at maputi din, maskulado at malaki din ang pangangatawan nito.
"Sir, mawalang galang na po kung hindi po kayo mag-o-order o lalabas po ay maaari na po kayong umalis." Saad ko
Wala naman akong nabasang ekspresyon sa kaniyang mukha, nakita ko naman siyang ngumisi.
"But I'm just taking a look to you, my little Clark." Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko iyon
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Stalker ko ba siya?
"S-sir, kung—"
"I know."
Naputol naman ang sinasabi ko ng magsalita siya.
"See you later my little Clark." Saad niya na ikinamula ng aking pisnge
Narinig ko namang pinaandar niya ang kaniyang maitim na kotse at mag-maneho paalis.
Pagka-alis niya ay napabuntong hininga naman ako at pumasok na ulit sa loob ng milktea shop
YOU ARE READING
"Mr Stranger" ||BL||
Random||BL|| Wala na akong maisip na title kaya Mr Stranger nalang nai-title ko 💖 © All Rights Reserved