Clark POV
Nandito ako ngayon sa Milktea shop ni ate Sakura, nakaupo din ako ngayon sa isang upuan dito sa may counter iniisip ko parin kung ano ang isasagot ko kay Lexter.
" Clark, Clark! " Naramdaman ko namang may sumapak saakin naalimpungatan naman ako.
" Aray ko putangina! " Napatakip naman ako ng bibig ko dahil sa pagmura ko.
" B-bakit? " Tumingin naman ako sakaniya
" Anong bakit? Eh kanina ko pa tinatawag pangalan mo hindi ka nasagot nandito pa naman si Lexter hinahanap ka. " Usal niya
" S-si Lexter, asan? " Tanong ko
" Na-iyon oh! " Sambit niya at tinuro si Lexter na nakaupo sa may upuan ng customers na pangdalwahan. Napansin ko ding nakatingin siya saakin at nakangiti.
May dala-dala din siyang isang flower bouquet at mga chocolates.
I blushed when he winked at me parang may nararamdaman nanaman akong gumagalaw sa may sikmura ko. Wala na din siyang suot na salamin hindi kagaya ng dati laging suot-suot, ang pogi niya pag hindi siya naka-salamin.
Pogi din siya pag naka-salamin pero mas-pumopogi siya lalo pag hindi niya suot ang salamin niya.
" Go na sis kaya mo yan! Sagutin mo na pati. " Sambit niya ng may halong pang-aasar at tinulungan pa ako makatayo sa inuupuan ko at makapunta sa pwesto ni Lexter.
' Puta! Mukha tuloy akong may kapansanan dahil sa ginagawa Ng babaeng to. '
" H-hi " Gago nakakahiya
" Hello " Nagulat naman ako ng ibinigay niya saakin ang flower bouquet at chocolates.
" S-salamat " Nahihiyang usal ko at ngumiti
Narinig ko naman ang tilian ng ibang customers karamihan din dito ay mga babae.
Napayuko nalang ako dahil sa hiya.
" So...uhmm...uhh..."
" Oo na...sinasagot na kita " Wika ko mukha naman siyang nagulat pero natawa ako at hinalikan ko naman siya sa pisngi.
" Yes! I love you baby! " Hinalikan niya naman ako sa labi
Lumakas naman lalo ang tili at sigawan ng mga ibang customers at mga kasamahan ko pati na din si ate Sakura dahil sa kilig.
" Omg sana all! "
" Ahhh omg! Sanaol! Ang a-asim ninyo char! "
" Best couple!! "
" #BLlover!!! "
Rinig kong sigawan ng mga customers kinilig naman ako lalo ng marinig ko yung kanta ng BINI na " Na Na Na Na " basta kinikilig ako sa song na yun paborito ko pa nga eh.
Zacchaeus POV
I slam my desk very loud with my clench fist.
' fuck! '
" Fuck! " Napamura naman ako sa sinabi ng sekretarya kong si Griffin kanina
I'm fcking jealous right now, i'm jealous because of that Lexter again!Kaya nga pala siya nagiging clingy sa Clark ko dahil sila na.
" I guess we need to make a plan. " Madiin at walang emosyon na sambit ni Katsu
" Make sure the plan is not bad Katsu. " Malalim at malamig kong saad
YOU ARE READING
"Mr Stranger" ||BL||
Random||BL|| Wala na akong maisip na title kaya Mr Stranger nalang nai-title ko 💖 © All Rights Reserved