HINDI pa rin matigil ang tilian ni Marron at ng kanyang dalawang kaibigan kahit nasa kotse na sila.
Kagagaling lang nila noon sa NBC Tent sa The Fort, Makati kung saan ginanap ang Cosmo Bachelor Bash ng Cosmopolitan Magazine.
"For sure, I wouldn't be able to sleep tonight," wika ni Cielo. "Maloloka na yata ako!"
"Hanggang ngayon ay parang nakikita ko pa rin ang mga katawan ng mga super hunks na iyon."
Napabuntong-hininga na lang si Thea habang tutop ang dibdib. "Kung puwede nga lang mag-take home ng kahit isa sa mga iyon, I'll take three. And my first choice would be Brad Cortez. He is so dreamy."
She couldn't agree more. Siya nga, hanggang ngayon ay nakikini-kinita pa rin niya sa isipan nang kunin siya ng isa sa mga rumampang modelo at dalhin sa stage upang personal na imasahe ang maskuladong dibdib nito. It had been an hour since the show ended but she could still feel that man's rippling muscles.
"Sayang at hindi natin nakuha ang mga numbers nila, 'no?"
"Don't worry, Cielo. Ano ang ginagawa ng impluwensiya ng papa ko?" Bukas na bukas din ay kakausapin niya ang kanyang ama upang makapasok sila sa mga modelling agency at mas makilala nang personal ang mga modelong iyon. "Within this week, each of you are going to have a boyfriend na."
"Kaya ka namin mahal na mahal, Marron!"
"Teka, you said magkaka-boyfriend na 'kami.'" Nilingon siya ni Thea na nasa passenger seat. "Eh, ikaw? Ayaw mo bang magka-boyfriend? Mag-iisang buwan na rin mula nang makipag-break ka sa huling boyfriend mo, ah. Mababakante ka this month."
Natawa na lang siya. Hindi naman kasi kaila sa mga ito na gawain na niyang magpalit ng boyfriend buwan-buwan.
"Tinatamad pa akong maghanap ngayon, eh."
"Akala mo ba, type mo yong model na kumuha sa iyo kanina sa stage?"
"He's okay," sang-ayon niya. "But I'm not interested. I want someone with a rugged attitude."
"Rugged?" nagtatakang tanong ni Cielo. "Sigurado ka? Akala ko ba, kahit sino basta type mo, eh, okay na?"
"Not anymore."
"Nagbago na ang taste mo sa lalaki?"
"That's something."
"Well, things change. Let's just say na nag-mature na ako."
"Kailan pa nangyari iyan?" tanong ni Thea. "Wala ka yatang sinasabi sa amin tungkol sa pagbabago mong ito, girlfriend."
"Oo nga. Ginugulat mo naman kami masyado, Marron."
"Ang totoo," patuloy niya. "Nagsawa na lang siguro ako sa mga nagiging boyfriend ko. They were all mayaman and guwapo and also belong to well-known families."
"Which is very nice," wika ni Thea. "Kung ako ang magkakaroon ng boyfriend na gaya ng mga naging boyfriend mo, aba, makokontento na ako sa buhay ko. Mayaman at guwapo nga, puwede na sa akin."
Ang kaso, hindi na nga iyon ang hinahanap niya. Gusto niya ng isang taong hahangaan niya dahil sa kakayahan nito sa buhay at hindi lang dahil sa kayamanang kaakibat ng pangalan nito. She wanted someone with character, someone who would treat her nice and won't brag about his family's fortune or his good looks.
"Ey, Marron," untag ni Cielo. "Alam mo ba kung saan ka makakakita ng lalaking rugged na sinasabi mo?"
"May alam ka?"
"Sa squatters' area." Sinabayan pa nito iyon ng tawa.
"Yeah, right."
Ilang sandali pa silang nagpatuloy sa pagkukuwentuhan nang may mapansin siya. Medyo madilim na kasi ang kalsadang binabagtas ng sasakyan nila.
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero: Heero - Sonia Francesca
RomanceNanganganib ang buhay ni Marron. Saksi siya sa pagkamatay ng isang kongresista. Dahil doon ay kinailangan niyang magtago mula sa posibleng pagsalakay ng mga salarin na nakakilala sa kanya. On the rescue naman ang kanyang Yaya Caring. Ipinrisinta nit...