"PERO, Ate Marron, ang bilin ni Lola Caring ay huwag kang lalayo rito sa bahay. Siguradong magagalit iyon kapag nalaman niya ang pag-alis mo."
Hindi pinansin ni Marron ang paglilitanya ni Jullie habang mabilis na naglalakad patungo sa bangko. Dito na siya nagpatulong kung paano pumunta sa pinakamalapit na sangay ng bangko roon. Buo na ang desisyon niya. Aalis na siya sa lugar na iyon na tumanggi sa kanyang presensiya. Malayo sa mga taong humusga sa kanya base lamang sa kayamanan niya. Malayo sa lalaking lantarang nagpamukha sa kanya na sa kabila ng kayamanang iyon, hindi pa rin pala siya exception na masaktan.
"Bumalik na tayo, Ate Marron. Sa labasan pa ng barangay namin ang bangko rito. Delikado para sa iyo."
Subalit nabubulagan na siya ng mga hinanakit. It broke her heart to know that people could be so cruel sometimes—even if one did not do anything to offend them, especially those one thought could be depended on for protection.
"If you don't want to go with me, it's fine," aniya, diretso ang direksiyon tinatahak. "Bumalik ka na lang sa bahay. Magtatanong na lang ako sa iba kung paano'ng papuntang bangko."
"Pero kasi... Bakit kaya hindi tayo magpasama sa isa sa mga tanod ni Chairman? Hintayin mo ako rito, Ate Marron, tatawag lang ako ng tanod na makakasama natin paglabas ng barangay."
She stopped and turned to the girl. "Ikaw ang bahala."
Subalit pagtalikod na pagtalikod nito ay nagpatuloy uli siya sa paglalakad. She wouldn't waste her time waiting for those who didn't want her to be there in the first place. Paglagpas niya ng palengke ay hindi na pala niya kailangang magtanong pa. Sa kabilang panig ng tila main highway ng lugar na iyon ay naroon ang bangko. Hindi siya sanay makipagpatintero sa mga sasakyan kaya halos inabot siya nang kinse minutos bago tuluyang nakatawid.
Napakunot pa ang kanyang noo paglabas niya ng bangko pagkatapos mag-withdraw ng pera. Agad kasing sumalubong sa kanya ang ingay ng mga sasakyan at tao, pati na rin ang usok at alikabok ng paligid. May kung anong munting kirot na naman siyang naramdaman sa kanyang puso nang maalala kung paano siyang ipagtabuyan kanina ni Heero.
Who would ever want to live in this filth, anyway? aniya sa isip. Definitely not me. Ngunit batid niyang kahit ilang beses pa niyang laitin ang lugar na iyon, mas matimbang na dahilan ng magiging pag-alis niya roon ang kaalamang walang may nais na manatili siya roon. Kumukuha na siya ng tiyempo upang makatawid na muli sa kabilang kalsada nang mapalingon siya sa gilid ng bangko. Namataan niya ang isang lalaki roon na lumihis ng landas nang makita siyang nakatingin dito. Halos mapasinghap siya nang biglang sumipa ang malakas na kaba sa kanyang dibdib.
She knew that guy! Iyon ang lalaking nakita niyang pumatay kay Cong. Sandoval! Oh, my God! bulalas niya sa isip. Nasundan na niya ako rito! Sa takot ay basta na lang siyang tumawid.
"Ate Marron!"
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niyang nasa tabi ni Jullie ang kanyang Yaya Caring na may kung anong isinisigaw, pati na rin ang mga tao roon. Naintindihan lang niya ang lahat nang makarinig siya ng malakas na busina. Nakatayo na lang pala siya sa gitna ng kalsada habang paparating ang isang malaking truck sa kanyang direksiyon. Sa kalituhan at sobrang takot, hindi na niya napansing hindi pala siya nakarating sa kabilang panig ng kalsada. Instead, she was just standing right in the middle of it, waiting for her death.
Oh, God! Ayoko pa pong mamatay. And God must have heard her silent cry. Because before the truck could hit her, she saw Heero running towards her. He wrapped her securely in his arms and pushed them both out of the truck's deadly way.
"What in the hell do you think you're doing, woman?"
Namumulang mukha na ni Heero ang namulatan niya. They were now lying on the side of the road. She was on top of him and his arms were still wrapped securely around her.
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero: Heero - Sonia Francesca
RomansNanganganib ang buhay ni Marron. Saksi siya sa pagkamatay ng isang kongresista. Dahil doon ay kinailangan niyang magtago mula sa posibleng pagsalakay ng mga salarin na nakakilala sa kanya. On the rescue naman ang kanyang Yaya Caring. Ipinrisinta nit...