NAGMAMADALING maglakad si Marron sa pasilyo ng St. Luke's Medical Center. Dapat ay kaninang umaga pa siya naroon upang dalawin si Heero. Subalit marami pa palang proseso ang kailangang gawin para lang makagawa ng sworn statement. Pagkatapos ay lalo pa siyang natagalan nang dumating ang mga magulang niya nang araw ding iyon. Ayaw pa ngang pumayag ng mga ito na lumabas siya ng bahay dahil nga sa mga nangyaring napanood ng mga ito sa balita. Pinagbigyan niya ang mga ito. Ayaw na kasi niyang may mga tao pang nag-aalala sa kanya nang husto. One more thing, after the incident, her parents vowed never to leave her side again.
Nang siguruhin lang niyang walang ano mang mangyayari sa kanya dahil nariyan naman ang mga taga-NBI na nagbigay sa kanya ng proteksiyon, beinte-kuwatro oras. At isa pa, sinabi na rin niya sa mga ito ang tungkol sa kanila ni Heero. Kaya sa huli ay sinamahan pa siya ng mga ito at ni Yaya Caring sa ospital.
Nagtaka lang siya dahil maraming taong nasa labas ng kuwartong sinabi ni Col. Aguilar na inookupa ng binata. And she knew most of them, not because they were from Brgy. Mapayapa but because they were all from her circle.
"Marron Glace? What are you doing here?"
"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, Nadine." Nadine was just like her, a social butterfly. Anak ito ng isang kongresista..." Oh, my gosh! Nadine Sandoval! Anak ka ni Congressman Sandoval!"
"Nabalitaan mo na rin pala ang nangyari sa papa ko," malungkot na wika nito. "Sa wakas ay mabibigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay niya. Nagbalik na rin ang pinsan kong matagal nang nawalay sa amin at siya pa ang nakatulong nang malaki sa paglutas ng kaso ni Papa."
"Pinsan?"
"Heero. Siya ngayon ang binabantayan namin—"
"Excuse me lang, Nadine. Kakausapin ko lang siya."
"You know my cousin? Pero mahihirapan kang gawin iyon. Nagpapahinga siya at ayaw niyang magpaistorbo pansamantala. Binabantayan siya ng mga tauhan ng NBI at hindi sila magpapapasok ng kahit na sinong bisita."
"Hindi basta bisita lang ang anak ko," singit ng kanyang ama. "Siya ang girlfriend ng Heero na iyon. Sige na, anak. Pumasok ka na."
Nakita niyang nauna nang kumatok ang dalawang NBI agent na kasama niya pagkatapos itong senyasan ng kanyang ama. Bumukas ang pinto at saglit na nag-usap ang mga agents. Pagkatapos ay tinanguan siya ng mga iyon.
"Thanks, 'Pa," bulong niya sa ama saka pumasok na sa loob ng silid. She was really glad she had her parents back. Iba pa rin pala talaga na nariyan ang pamilya niya na susuporta sa kanya.
Hindi na niya alintana ang pagtataka sa mukha ng mga kamag-anak marahil ng binata. Pagpasok sa loob ay naabutan niyang naglalaro ng baraha si Heero kasama ng mga bantay nito habang nakabukas sa news channel ang telebisyon. He was wearing a hospital gown and had a sling on his left shoulder. All in all, he looked fine. And gorgeous, as ever.
"Akala ko ba, nagpapahinga ka?"
"Marron!" Binalingan nito ang mga kalaro. "Labas muna kayo. Gaya ng dati, wala pa rin kayong papapasukin na kahit sino. Ayoko ng may istorbo sa amin ng mahal ko."
"Areglado, Major. Good luck sa inyo."
Nang mapag-isa sila ay naupo agad siya sa silya paharap dito. Ito naman ay sumandal sa headboard ng kama habang nakangiting nakatitig sa kanya.
"Hi," bati nito. "You look different today. You're wearing Ralph Lauren again?"
"Bvlgari."
"Oh."
"Let's not talk about my dress, Heero. Meron pang mas importanteng dapat mong ipaliwanag sa akin."
"Okay. Saan mo ako gustong magsimula?"
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero: Heero - Sonia Francesca
RomantizmNanganganib ang buhay ni Marron. Saksi siya sa pagkamatay ng isang kongresista. Dahil doon ay kinailangan niyang magtago mula sa posibleng pagsalakay ng mga salarin na nakakilala sa kanya. On the rescue naman ang kanyang Yaya Caring. Ipinrisinta nit...