"HINDI ka ba magpapasalamat sa kanya?" Sinulyapan lang ni Marron si Yaya Caring habang inilalabas niya ang mga gamit mula sa kanyang luggage bag. Alam niyang si Heero ang tinutukoy nito.
"Why would I thank him?"
Inilatag niya sa ibabaw ng may-katigasang kama ang kanyang mga gamit. Ibinigay sa kanya ng pamilya ni Mang Berting ang kuwarto ng panganay na anak ng mga ito na may pamilya na. Hindi iyon kasing ganda o kasing glamorosa ng silid niya sa kanilang mansiyon ngunit hindi na siya nagreklamo. Tutal, baka sa mga susunod na araw ay bumalik na sa bansa ang kanyang mga magulang at maayos na rin ang lahat sa buhay niya.
"Alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan ni Chairman." Ito na ang nagligpit ng kanyang mga pinagpiliang damit habang kinukutingting na niya ang kanyang vanity kit. "Pero siya pa rin ang nagbalik nitong luggage mo. Nakita mo naman, kompleto pa ang lahat ng gamit mo at ni walang katiting na gasgas."
"It's his duty to find my things, Yaya. Dapat lang naman talaga na nakita niya ang mga gamit ko." She neatly pinned her long hair into a bun. "Kaya hindi ko na kailangang magpasalamat sa kanya."
"Marron, alam kong sanay kang nakukuha ang lahat ng gusto mo nang hindi mo na kailangang magsalita pa. Kaya hindi ka nasanay na magpasalamat para sa mga bagay na napapasakamay mo. Hindi kita masisisi, palibhasa'y gano'n din ang mga taong nakakasalamuha mo nang madalas. Pero, hija, alalahanin mong wala tayo ngayon sa mundong ginagalawan mo. At ang mga gaya ni Chairman, mas gusto nilang pinasasalamatan sila sa mga ginagawa nilang pabor para sa iyo kaysa awayin."
Gaya ng dati ay mahinahon pa rin ang tinig ng kanyang butihing tagapangalaga. Pero alam niyang sinesermunan na siya nito. And just like before, she knew her Yaya Caring was right. Ang mga pangaral nito ang siyang gumabay sa kanya kaya lumaki siyang matino. Kahit kulang siya sa kalinga ng mga magulang ay napupunan naman iyon ng mga pangaral nito. Ito rin ang nagpamulat sa kanya na wala siyang dapat na ikagalit sa mga magulang niya kung hindi man siya naaasikaso nang husto ng mga ito.
"Eh, kasi naman, Yaya, he was the one who started it."
"Hindi na mahalaga kung sino ang naunang nang-away. Hindi na kayo mga bata. Ang isipin mo na lang, may utang-na-loob ka sa kanya."
"Utang na naman," bulong niya habang maayos na isinasalansan sa tokador ang mga gamit niya sa kanyang beauty regiment. "I'm really starting to hate that word. Puwede bang pati utang-na-loob ko sa kanya ay bayaran ko na lang? So that I won't have anything to thank him for pa."
"Sa pagkakakilala ko sa barangay chairman nila rito, hindi niya magugustuhang lalo kung tatapatan mo ng pera ang ginawa niyang tulong sa iyo."
"'Yon naman pala, Yaya. Ang alam ko, kapag tumulong ang isang tao ay libre iyon. Walang hinihintay na kapalit. Ibig sabihin ay hindi na niya inaasahang magpapasalamat pa ako sa kanya." At tutal din naman, nakapag-"walang ano man" na ito sa kanya.
"Gusto mo bang isipin ng ibang taong wala kang pinag-aralan? At saka, ano ba ang mahirap sa pagpapasalamat?"
"There's nothing wrong with it, actually." She looked at herself in the mirror. Nakapagpalit na siya ng kanyang paboritong casual dress. It was a Ralph Lauren given to her by her mom when they last came from a business trip in Paris. "It's just that, pagkatapos ng mga sinabi ng buwisit na Heero na iyon, parang hindi ko na maatim na magpasalamat sa kanya. Mas maganda yata kung ilulugay ko na lang ang buhok ko, ano, Yaya?"
"Mas gusto ko nga na laging nakalugay ang buhok mo. Mas nae-emphasize ang maliit at napakaganda mong mukha." Nakita niyang nanunuksong ngumiti na naman ito sa kanya sa salamin sa tokador kung saan siya nakaharap. "Nagpapaganda ka yata ngayon nang husto. Dati-rati naman ay wala kang pakialam kung ano ang ayos ng buhok mo o kung naka-makeup ka. Hindi ba't ang katwiran mo pa nga lagi ay matagal ka nang maganda kaya hindi mo na kailangang magpaganda pa nang husto? Pero ngayon, hindi ka na makaalis diyan sa harap ng tokador."
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero: Heero - Sonia Francesca
RomanceNanganganib ang buhay ni Marron. Saksi siya sa pagkamatay ng isang kongresista. Dahil doon ay kinailangan niyang magtago mula sa posibleng pagsalakay ng mga salarin na nakakilala sa kanya. On the rescue naman ang kanyang Yaya Caring. Ipinrisinta nit...