11. Half-Truths & His Crime

1.1K 37 35
                                    

CHIARA

TWO hours, four glasses of water and a piece of bread later, hindi ko alam kung sino ang pinapaniwala namin. Ang mga bisita ba o ang sarili ko? Nang mapangisi ako dahil sa sinabi ni Shamie–he presented himself as one of the emcee for tonight–I got my answer.

Ako.

To be honest, I need this distraction. After what transpired during the church ceremony, the tension Otto and I had, a little silent laugh is much needed. And I'm glad na ipinilit ni Doña Laarni na gawing normal ang reception na ito sa kabila ng relasyong mayroon sa bawat pamilya namin.

I glanced at the center and I couldn't help but smile.

Well, kahit naman siguro si Sadness mapapasaya kapag si Shamie ang kaharap. Panay kasi bato nito ng pick up lines na sinasagot naman ni Temperance ng isang matunog na 'Ha?'

Ang labis na ikinakaihit ng tawa ng lahat ay ang pagiging clueless parati ng nobya ng bayaw ko. There's one time na kinailangan pang tulungan ni Onze si Shamie to explain why he called her 'Anne' gayong Temperance ang pangalan niya. She even accused Shamie of cheating kahit panay ang sigaw ni Shamie ng mga katagang 'Anne-nakalaan kasi sa akin 'yon, bhe! Anne-nak ng tokwa't baboy!'

Ngayon naman ay mukhang may pinagtatalunan ang dalawa. Nasa harapan ko ang mga ito't, nag be-bebe time- Shamie's words not mine, sa background ay tumutugtog ang kantang kapanahunan pa yata ng Mama nila Otto subalit kabisadong-kabisado ni Shamie. La Isla Bonita.

Panay ang giling nito sa harapan ng nobyang hindi maipinta ang mukha.

"Anong Saint ka d'yan? Ikaw? Last year at exactly the same day, August 08...5:15PM, sabi mo and I quote– Bff kami ni Lucifer kaya narito ako sa mundo ng mga mortal, pa mingle-mingle, end quote. Tapos ngayon sasabihin mong Saint ka? Niloloko mo ba 'ko?"

"Of course not! Mas tapat pa ko sa tanghaling tapat, Bhe. Wait. Talagang sinabi ko 'yon? Ang naalala ko lang kasi 'yung pagkaldag ko sa'yo sa loob ng CR ng resto. Remember, lahat ng santo natawag mo noon kahit may pagka Atheist ka."

"Paano ka nga kasi naging Saint? Nililigaw mo naman ang usapan. Huwag mo akong daanin sa pa-cute mo't dimples."

"Eto namang, Bhebhelabs ko. Ayan. Makinig ka si Madonna ang magpapatunay na tunay akong Santo."Itinaas ni Shamie ang kaliwang brasong may tangan ng mic habang ang kabila'y nakapulupot sa bewang ng naistatwang si Tempe.

"Everybody, sabay-sabay...Last night I dreamt of Siyam-Pedro...ohhh! Kitam, bhe. Siyam na ako. Kapag kinapos ka pa, ewan ko na lang talaga."

Nagsigawan ang lahat. I even spotted Axel and Colton throwing plastic cups at Shamies, calling him names like 'Corny' and 'Cheesy'.

Nasapo ko ang pisngi nang wala sa oras. Hindi mapuknat ang ngisi ko sa dalawa. Kung nasa loob kami ng isang telenovela, isi-ship ko ang dalawang 'to. Their chemistry is off the charts. Bigla, may naramdaman akong kurot sa dibdib. I'm envious of what they have.

I filled my lungs with hopeful air and sighed.

"That's why I hate this kind of party."

I peered to my right and saw Otto, sitting like a king–his right leg was thrown over his left one, scratching his chin like he has all the time in the world–watching our guests like they're just pests.

Kinailangan ko pang utusan ang puso kong biglang nag malfunction pagkakita sa asawa.

Breathe.

It's not my fault. Otto looked like a work of art. A photographer's dream if you may. Sleepy dark menacing eyes, sharp jaw, and sensual full lips complete the whole package. The shiny black mask seemed to add to his brutality, I need to remind myself that he's my husband and not some devil dark god that needs to be worshiped.

8TTO (La Familia Kingpin Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon