6. Traps

640 14 3
                                    

CHIARA

LIFE is composed of traps. Some are obvious and some are not. That we, humans, are like a mouse running around inside a huge trap. Bouncing from one cage to another.

Trapped in an unloving family, toxic work place, jobs or relationships. Kung minsan pati mismo ang sarili natin ang tumatayong tanikala sa pagitan ng nakaraan natin at ng kung ano ang magiging tayo.

We live and breath through that traps. I taste, see, hear and live my own traps. Kung minsan naisip kong mas okay pa sigurong magwakas na lang ang buhay ko.

You might think that I'm just a pathetic lady who's weak and know nothing but just whine. No. I beg to differ. Dahil sa lahat ng dinanas ko at sa dadanasin pa, regalo ang kamatayan.

I'm not at all afraid of it. Cause you know what's worse than death? Death without actually dying. Iyong kailangan mong magpanggap na okay, humihinga. Ngumingiti pero ang totoo, durog na durog ka na. Being a living, mute corpse is the worst kind of life. I don't know saan ako kumukuha ng lakas.

I hate being me.

Humigpit ang pagkakakapit ko sa railings ng bintana ng kuwartong inilaan sa akin ni Otto. Ipinilig ko ang ulo. I'm suffocating of the traps that are surrounding me kaya kung ano-ano na naman ang iniisip ko. But what choice do I have? Freedom for women in our world is rare.

I inhale and then exhale para kalmahin ang digmaan sa loob ko.

"Miss Chiara, bilin ni Sir Otto na kailangan niyong sumalo sa kanila sa agahan ngayon. Masakit pa ho ba ang ulo niyo?"

Umiling ako't marahang pumihit paharap kay Marta. I missed dinner last night at nagdahilan ako sa kanyang masakit ang ulo. Truth is, hindi ko kayang humarap kay Otto matapos ang insedente sa opisina nito.

Sinong normal na babae ang kayang sikmurain ang ganoon? Seeing the man who claimed to be your fiance do kinky dark stuff with another woman. Last night was an eye-opener for me. Otto's into some BDSM kink.

Iniimbita niya ako sa sarili niyang porno at gusto kong saktan si Otto for the amount of disrespect na ipinakita niya.

Ngunit sinong niloko ko? Sa arrangement na ito, literal na wala akong boses. I'm trapped at kung gusto kong mag-survive sa isang makapangyarihang tao gaya ni Otto, kailangan kong sumayaw sa tugtog na nililikha niya.

I feel Marta's eyes on me. Nang magsalubong angn mga mata namin, I could see her silent apporval for my clothes.Lihim akong napa ingos doon. As if may iba pa akong pagpipilian kung hindi ang black summer dress na iniwan nito kagabi. Hindi ko pa rin mahagilap ang mga damit ko nang tumuntong ako rito kahapon.

"Tara na hija."

I want to protest. Sariwa pa sa utak ko ang nangyari kagabi. Ang mala demonyong ngisi ni Otto nang kumaripas ako ng takbo palabas sa study niya. But then again, do I have a choice? Nang kumalam ang sikmura ko wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa ginang.

"Kung may mga kailangan ka, ilista mo lahat iyon at si Ines na ang bibili noon. Lumuluwas sila sa city kapag Sabado para mamili ng mga kailangan rito. May mga inuutusan rin naman si Sir Otto para sa deliveries. Iyong basement ay hindi natin pwede puntahan at iyong kuwarto sa attic."

I would never in my entire life dare to step into that dungeon again.

Panay ang kausap ni Marta sa akin about some rules ng amo niya. Kung anong pinto ang pwede kong pasukin, oras na dapat ay nasa komedor na ako at kung ano-ano pa na wala naman akong paki sa totoo lang.

"Sir, narito na ho siya."

Napako ang mga paa ko nang i-announce ni Marta ang presensiya ko kay Otto. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa magarang komedor. Just like the rest of the house, the dining is tastefully design. Its airy and properly ventilated. Kung hindi ako kinakabahan, maa-appreciate ko marahil na nakaharap sa dagat ang mahaba at magarang lamesa.

8TTO (La Familia Kingpin Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon