ONE

3 0 0
                                    

Shiloh's pov

Kasalukuyan kong inaantay ang ate ko sa pagaayos kahit na malalate na ako sa first day of class. Grade 9 na ako ngayon and kababalik ko lang sa pagpasok sa school ngayong school year.

Naka homeschool kasi ako simula nang mag junior high ako kaya hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin dahil hindi na ako sanay na maki salamuha sa mga taong ka edad ko.

"Tara shio baka malate kana" sabi ng ate ko habang nagmamadaling ayusin ang gamit niya, kinuha ko naman ang bag ko saka isinuot iyon at saka lumabas na ng bahay papuntang sasakyan ni ate at sumakay.

Maaga pumapasok si daddy kaya si ate nalang madalas ang nakakasama ko sa bahay ngayon. "Shio baka hindi kita masundo mamaya ha, mag commute ka nalang muna" sabi ni ate habang nagmamaneho papuntang school.

Tumango nalang ako bilang sagot dahil alam kong nilingon niya ako at kinakabahan ako dahil medyo tanaw ko na ang mga estudyanteng naglalakad papuntang school.

"Ate dyan mo nalang po ako ibaba" pagka dating namin sa school. Ipinahinto ko ang sasakyan sa may gilid medyo malayo sa gate at saka bumaba na ng sasakyan "Enjoy ka sa first day mo ha, make new friends na rin" paalam ni ate bago ipinaandar paalis ang sasakyan.

Huminga muna ako ng malalim at saka naglakad na ng makita ng mga mata ko ang nagiisang kaibigan ko. Si Samuela, nakita ko siyang palingon lingon na parang may hinahanap kaya hindi na ako nagsayang ng oras kaya nilapitan ko kaagad siya.

Nang makalapit sakanya sinalubong niya ako kaagad ng magaganda niyang mga ngiti at ang mabong pabango niya na nagpakalma sakin. "Hii sho grabe hindi mo naman sinabi na antangkad mo na pala, halika na nga ang tagal mo baka andon na si Mrs. Fontalba mapagalitan pa tayo" wika niya at hindi pa ako nakakapagsalita ng hilain niya na ang kamay ko at pumasok na sa gate.

Pagkapasok namin sinalubong kami kaagad ng guard na may ngiti 'wow ganito ba mga guards dito' sa isip ko. Habang hawak pa rin ni Sam ang kamay ko papuntang school ay inililibot ko naman ang aking mga mata sa paligid.

Medyo malawak ang field ng school, para lang siyang japan school dahil sa building at sa uniform namin ngayon. Tapos sa mga upuan dito sa labas ay punong-puno dahil sa ibang mga estudyanteng nagkkwentuhan 'ang galing naman first day palang magkaka kilala na sila'

Nang makarating kami sa harap ng classroom namin ay binitawan na ni Samuela ang kamay ko at humarap sakin "Okay sho eto na papasok na tayo, kinakabahan din ako kagaya mo pero let's act normal para hindi nila malaman" sabi niya habang ang kamay ay kumukuyom tumango lang ako at bigla siyang tumalikod sakin at hubang upang pumasok sa classroom namin.

Pagbukas niya ng pinto rinig na kaagad ang medyo ingay ng iba naming classmate, kinabahan ako dahil baka kapag pumasok na kami ng tuluyan ay titigil sila. Pero nang makapasok kami ay parang hindi lang nila kami napansin na pumasok at nagtuloy pa rin sa pag kkwentuhan.

unti-unti. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon