Shiloh's pov
Maaga ako nagising kaya hindi ko na inantay si ate na ihatid ako sa school at baka malate pa ako. Pumasok kasi ako sa kwarto niya kanina natutulog pa rin siya, hays si ate talaga. Papunta na ako ng classroom kasama ang kaklase kong si Nico, nakita kasi niya akong pababa sa jeep kaya sabi niya sabay nalang daw kami pumasok.
Nang makarating kami sa loob ng classroom ay iilan palang ang naroon. Mukhang ang aga ko pumasok pero okay na rin kesa naman late akong pumasok.
Pagka lagay ko ng bag ko sa upuan ay napansin kong andito na rin pala si Ace, mukha siyang natutulog dahil nakasandal ang kanyang ulo sa upuan na may nakatakip na libro sa mukha niya. ‘parang pagod siya ah’ lalapitan ko sana siya nang biglang bumahing si Nico kaya mukhang nagising si Ace at inayos ang pagkakaupo.
Hindi ko pala namalayan na nakatayo pa rin pala ako at nakatingin sakanya kaya nagka titigan kaming dalawa kaya bigla akong umiwas at saka umupo nalang sa upuan ko ‘puro na kahihiyan pinakita mo sakanya shio ano ba’ paghampas ko ng mahina sa noo ko.
“Shio magtatampo ako sayo” nakasimangot na pumasok si Sam at inilapag ang bag sa tabi ng upuan.
“Ha bakit?” walang ideyang tanong ko
“Hindi ka yata nag basa ng cellphone mo, nag chat ako sayo sabi ko antayin mo ako sa harap ng gate, buti na lang nakasabayan ko si Rian kaya sumabay na lang ako sakanya” paliwanag ni Sam habang naka simangot pa rin “Ang akala ko kasi nauna kana pumasok kaya hindi na ako nag abala pang tignan phone ko”
“Dahil dyan ililibre mo ako mamaya” wala na akong naisip pa kaya sumang ayon nalang ako para hindi na siya magtampo pa sakin. Minsan lang naman mag ganto sakin si Sam kaya hindi ko rin siya minsan mapag bigyan sa mga gusto niyang ipabili sakin.
Ngumiti naman siya at saka nag ayang mag selfie kaming dalawa para naman daw may mai post siya sa social media niya. “Hoy sama mo naman kami” biglang sabi ni John sa likod namin kaya napairap si Sam at inayos ang pagkuha ng picture
“Kian halika sama ka” pagaya nila kay Ace kaya napalingon ako sa likod para tignan kong sasama ba siya or hindi. Sa huli nag picture kami na hindi kasama si Ace dahil ayaw niya daw sumama, pinipilit siya pero ayaw daw niya kaya sa huli ay hinyaan na lang nila. “Shio smile ka naman” napansin yata ni Sam na malungkot ako kaya walang akong nagaawa kaya ngumit nalang ako.
“Ayan may picture na tayo, kainis lang may sumamang epal” sarkastik na sabi ni Sam na nagpatawa saming tatlo nila John.
BINABASA MO ANG
unti-unti.
Fanfictionstarted: 8/25/2024 story where shiloh finally got kian on his life but he knows that there's still missing. and that is real love.