TWO

3 0 0
                                    

Shiloh's pov

Itinago ko kaagad ang cellphone ko ng pumasok na si Ma'am Fontalba. "Pasensya na kayo mga nak ha, kakatapos lang kasi namin mag meeting" pagpapaliwanag ni ma'am ng maibaba ang gamit niya sa mesa niya.

Nagsimula na ang klase sa pagpapakilala ni ma'am ng kanyang sarili "Hijo pwede mo bang pumunta dito sa harap at ipakilala ang iyong sarili?" napatingin kaming lahat sa lalaking kausap ni ma'am.

Nakalimutan ko yatang huminga ng pumunta siya sa harapan para magpakilala ng sarili niya. 'gago kayo ang gwapo ng nasa harapan para siyang hulog ng langit' titig na titig ako sa kanya habang nagpapakilala ng kanyang sarili, pati boses napaka gwapo. "Hi everyone, I'm Ace Kian Cruz. I draw all the time whenever I'm bored or if I have my free time, that's all po." pumalakpak ang lahat ng bumalik siya sa upuan niya.

"Grabe yun lang sinabi niya pero halos lahat ng mga babae na andirito namangha sa kanya" bulong na sabi ni Sam saakin. May iba kasi sa pananalita niya, para bang mapro protektahan ka niya sa asal ng pananalita or ewan ano ba bakit bigla akong naging ganto.

Nang matapos magsalita si Sam ay nilingon naman ako ni ma'am kaya tumayo na ako at pumunta sa harap para magpa kilala. Tumahimik ang lahat ng huminto ako sa harap nila at mariing pumikit 'chill lang Shio, ipakilala mo lang ang sarili mo sa kanila wag mo silang papansinin basta tingin lang ng diretso' pagmulat ko ng mata biglang nagtama ang mata naming dalawa ng lalaking nagpa baliw ulit ng puso ko. Kinakabahan man tinatagan ko nalang ang sarili ko at nagsalita.

"Hello guys, ako nga pala si Shiloh Paras, Shio or Sho for short. This will be my first time in 4 years na papasok sa school since I was homeschooled." hindi ko na pinahaba pa ang mga sinabi ko kaya umupo na ako sa upuan ko at huminga na ng malalim at nakinig na sa iba ko pang mga classmates na hindi pa tapos 'hays nakakakaba tingin niya sakin'

unti-unti. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon