SIX

0 0 0
                                    

Shiloh's pov

Kakatapos lang ng class at lunch na kaya inayos kona ang gamit sa mesa ko at inilagay sa loob ng bag. “Ano kaya ulam sa canteen ngayon” naginat pa si Sam na akala mo ay pagod na pagod sa klase.

“Shio sama ka kain sa canteen ngayon?” nasa pinto na pala sila at ako nalang ang inaantay para pumunta sa canteen at para maka bili na ng lunch.

“Sunod na lang ako sa inyo guys, may kailangan pa pala akong gawin” napangisi si Sam sa sagot ko kaya napakunot ako ‘ano naman iniisip neto’

“Hmm sige, mag tatabi na lang kami ulam at space para sayo” tumango nalang ako bilang sagot kaya umalis na sila para pumunta sa canteen.

Tumayo naman ako ng upuan ko at saka pumunit ng papel sa notebook ni Sam na naiwan niya sa armchair para kunwaring magtatapon pero para lang talaga makita kung nadoon si Ace sa upuan niya.

Tama ako, andito pa siya nakaupo sa upuan niya habang ang mga mata ay nakatutok lang sa cellphone niya, mukhang hindi ako napansin na nagtapon sa basurahan. ‘nahihiya ako paano ko ba siya lalapitan’

Mabait yata ang tadhana sa akin dahil lumingon sa akin si Ace na tinaasan ako ng kilay ‘hay oo na sige na lalapit na ako dyan, wag mo naman ako patayin gamit mga mata mo’

"Uh hindi mo ba kasabay mga kaibigan mong kumain?" bungad ko sa kanya wala man lang hi or ano man. 

"Inaya nila ako pero sabi ko dito nalang ako sa room kakain"

Napatingin siya sa mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin.

Pagkatapos nun ay papunta na ako sa canteen kasama si Ace, ewan ko ba bakit ko naisip na ayain siyang sumama sakin na kumain.

Ako at siya lang kasi ang naiwan sa room kaya naawa naman ako na iwan nalang siya na magisa sa room walang kasama kumain.

Hindi naman malayo ang canteen pero ngayon parang ang layo na dahil kasama ko siya. ‘hiyang hiya na nga ako ngayon dahil magkasama kami tapos parang ang layo pa ng canteen’

Nakahinga nalang ako ng maluwag ng makita na ang canteen at nakita kaagad ang mga kaibigan ko, nasa mahabang table sila kaya madali silang mahagilap ng mga mata ko.

Dali dali naman akong maglakad palapit sakanila kaya napansin naman ako ni Yumi kaya ngumiti ito ng malaki at itinaas pa ang isang kamay.

“Aguy sinama si Mr. Naruto” binato ni Rian si Sam ng binilog na tissue kaya tinignan niya ito ng masama kaya natawa nalang kami “Layag na layag ang jahri ngayon ah” pang aasar sa kanila ni Maggie

“Humanda talaga kayong lahat kapag kayo nagkaroon ng sari-sariling ship names” naiinis na sabi ni Sam, naka upo na ako, si Kian ay nasa tapat ko na ramdam ko ang titig sa akin kaya hindi ako mapakali.

"Shio paupuin mo naman ang baby boy mo, hay nako nangangawit na yan for sure" pagbibiro ni Sam na ikinatawa ng lahat.

Sinamaan ko siya ng tingin bago magangat ng tingin kay Ace.

"Ayaw mo ba umupo, halika na wag ka mahiya andito naman mga kaibigan mo oh" pagaya ko na kinantyawan nilang lahat.

'Nakakahiya na ang dami daming tao dito' hindi ko na kinaya kaya tinakpan ko nalang ang mukha ko sa kahihiyan na pinapakita nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

unti-unti. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon