[Ate I'm tired..]
Napa-bangon ako mula sa pagkakahiga nung narinig ko ang ibinungad na sabi ni Solana pagkasagot ko palang sa tawag niya. Rinig ko kung pano manginig at mangapos sa paghinga si Solana habang tinatry niyang kausapin ako, para akong pinagbagsakan nang langit at lupa nung marinig kong umiiyak si Solana at parang nagsusumamo nalang ito sa Panginoon na itigil na yung sakit na nararamdaman niya.
[Ate nakakapagod pala yung role na anak sa unang asawa, nakakapagod na tanggapin yung mga m-masasakit nilang salita...] She was struggling to speak.
[Ayaw ko na ate... H-habang tumatagal ako sa mundong 'to mas magiging u-unfair sila sakin, anak din naman niya ako ah?] She spoke again, I was just listening to her.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga kasunod ng pag-iyak niya, she was trying to lower her sobs but I can still hear it even if she tries to lower it. Naririnig ko yung mga buntong hininga niya na may kasunod na bulong about her being tired and questioning God sa kung ano bang ginawa niyang mali to give her a miserable life.
I can't do anything but just to listen to her, it's not the right time to speak up lalo na she's having a hard time speaking and breathing, kapag pinilit ko pa ay baka mas lalo lang makasama para sakanya.
[Si daddy yun eh, siya dapat yung kakampi ko sa lahat pero bat ginaganito niya ako? Niya at nung bago niyang pamilya? K-kung nandito lang sana si mommy at hindi niya ako iniwan nung baby ako h-hindi siguro magkakaganito buhay ko...] Ipinagpatuloy niya ang pagsasalita kahit pa hirap na hirap na siya.
Huminga siya bago ipinagpatuloy ang pagsasalita sa kabilang linya.
[Ate sa tingin m-mo kung hindi lang kasalanan ang pagpapakamatay... N-nandito pa kaya ako sa mundong to?]
Bawat salita na binibitawan niya parang sinasaksak ako, gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko kapag ioopen ko na iyon. Wala akong magawa kundi ang makinig sa mga sinasabi ni Solana, makinig kung paano siya masaktan ng sobrang sobra.
[Ate nakakapagod na... Hindi ko na kayang mabuhay ng ganto ate..] She said out of pain.
[Lord tama na please, tama na... P-pagod na pagod na'ko...] Rinig kong bulong niya.
Alam kong nilayo niya yung cellphone niya mula sa tenga niya upang ibulong ang mga salita na yon and it fucking hurts for no reason.
Tahan na bunso namin nila Mafheia... Nandito sila ate para sa'yo oh tahan na..
Iyon ang gusto kong sabihin pero walang ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko, I feel like I was mute all of the sudden.
All I can do is listen to her begging God to finish all the pain she is feeling, mas mahina kesa sa kanina ang bulong ni Solana making me worried about her thoughts, like what if- oh god please I hope not!
Don't do it please..
"Nasaan ka ngayon, Lana?" I composed myself and decided to ask her where she is right now.
Solana didn't answer my question and remained silent, her being silent is making me feel nervous for no reason, I feel like if I don't move something bad will happen to her any moment.
"Solana where are you?" Inulit ko yung tanong ko pero wala pa rin akong narinig na sagot mula sakanya.
[Solana? Baby open the door please si Hav-] agad na pinatay ni Solana ang tawag.
Bago patayin ni Solana yung tawag narinig ko pa ang boses ng isang babae na sumisigaw mula sa labas ng kwarto o condo ni Solana, pamilyar yung boses nung babae pero hindi ko alam kung kaninong boses yun ang alam ko lang narinig ko na ang boses na yun dati.
YOU ARE READING
Veiled In Matrimonial Shadows
FanfictionMafheia Lourmé an actress and the epitome of comfort and solace, got her life changed when she agreed on her half pinay half thai best friend, Art, an international model and the epitome of empathy, kindness, solicitude and grace, to buy a house for...