11

87 9 0
                                    

"Are you guys sure you will take care of Solana while I am at the province?"

I was almost done with my sunset painting when I heard Mafheia talking to someone, naka loud speaker yung call kaya naririnig ko ang usapan nila na about taking care of Solana.

[Tanga of course we will take a good care of Solana, she's our bunso kaya!] Rinig ko ang boses ng isang babae.

The voice was familiar...

Wait— that's Seraphine's voice!

"Tanga ka rin, huling bantay niyo kay Solana imbis na maging masaya umiyak kasi hindi niyo nabili yung gusto niyang flavor ng cupnoodles!"

Kahit pa medyo malayo si Mafheia sa akin rinig na rinig ko pa rin kung paano sila magbardagulan nila Seraphine which made me smile, they always have this bardagulan type where they can say anything or even cursing each other because of a funny reason without offending each other.

[Sold out nga sa 7/11 nung bumili kami non!] Rinig ko na tinatawanan na si Seraphine nina Blaire sa kabilang linya.

"Mama mo!"

"Bantayan niyo ng maayos yang si Solana habang nasa probinsya ako for a teleserye ha, kapag yan na discharge na tas nagsumbong sa akin na hindi niyo siya inalagaan..." Pagbabanta nito na siyang ikinatawa ko ng mahina.

Still that mapagbanta and mataray Mafheia I encountered when I was in grade 5.

Mas nakakatakot nga lang ngayon kapag nagagalit.

[Oo na! Bye, ingat ka ha? Kapag hindi ka nag-ingat tas nalaman namin na ikaw naman yung nadala sa hospital asahan mo... Asahan mong bibisitahin ka namin.] Rinig kong sigaw ni Sofia sa kabilang linya.

"Bye, love you!" Paalam ni Mafheia bago niya tuluyang patayin yung phone call.

Nung maramdaman kong titingin na siya sa gawi ko ay agad kong itinuon ang atensyon sa painting na ginagawa kahit pa tapos na iyon at hinihintay nalang matuyo ang paint para madisplay ko na sa dingding dito sa sala. Ramdam ko ang pagtitig nito ngunit hindi ko iyon pinansin at umaktong hindi ko nararamdaman ang malambot niyang pag-titig sa akin.

Tangina wag ka naman tumitig ng ganiyan, nakaka fall.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang natuyo ang painting ko, napagdesisyunan kong isabit na iyon kaagad sa dingding para bawa gawain na rin, may holder naman ang mga canva or painting ko kung nais kong isabit ang mga iyon, may hanging shelfs pa ngang nakasabit sa dingding para sa mga maliliit kong gawa pero onti lang ang laman nung isa dahil hindi pa naman ako nakakapag paint ulit sa pinaka maliit kong canva.

"Do you want to come with me tomorrow?"

Nabigla ako nung pagharap ko ay nasa harap ko na si Mafheia, mukha tuloy akong tangang nakaharap sa isang magandang babae. Napaka lapit din ni Mafheia sa akin na isa rin sa dahilan kung bakit ako nabigla, kada hihinga siya ramdam ko na iyon dahil ang mga mukha namin ay magkalapit na at kakaunti na lamang ay pupwede na magtama ang mga noo namin.

"H-huh?" Naguguluhang tanong ko.

Lumayo ito sa akin at pasimpleng tinitignan ang mga baby pictures namin na naka picture frames at naka lagay sa isang malaking table na may dalawang maliit na drawer.

"I noticed you were so quiet this past few days and you looked stress, exhausted, tired and lonely kaninang umaga that's why I am asking you if you want to come with me sa province so you could be in peace and also be free even just for a few days. I want you to be free from all your thoughts for a while, I want you to smell and feel the cozy, comforting, fresh and cold air of the province.. So if you would like to be with me for a few days in the province you should pack up your things already because we're leaving in an hour." She said before looking at me with a small smile painted on her lips.

Veiled In Matrimonial ShadowsWhere stories live. Discover now