Two

33 1 0
                                    

Naka-rating na kami sa bahay ng pinsan ni Bryan, at doon na kami pinatuloy. Malawak ang bahay nila at mapapansin mong mayaman ang pinsan ni Bryan, "Dito na muna kayo pansamantala dahil delikado na sa bridge at hindi na rin makakapag-drive itong si Bryan." Malamig na sabi nung humila sa akin kanina.

Lumapit ako kay Tin tin at bumulong ng, "Bakit ang sungit non?" Tanong ko. "Always broken 'yan, Weng. Kaya laging badtrip sa tuwing nakakakita siya ng babae." Sabi niya sa akin tumango naman ako at nag cellphone na lang muna.

.....

......

"Ang ganda niya, Tin. What's her name?" Tanong ko kay Tin tin na ngayo'y ay nandito sa kwarto ko para kumuha ng mga unan. "Reya Weng pangalan noon, bakit type mo?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako, "NBSB pa 'yon, Jay. Swerte ka kung ikaw ang magiging unang jowabels ng kaibigan ko. Sinabi kong NBSB dahil hindi naman talaga nag tagal 'yung  isa. Hindi naman naging sila pero tinawag niya lang na ex. M.U lang sila sis kaya go mo na" sabi niya.

Ngumisi ako ng nakakaloko at sumandal sa swivel chair ko. Ang ganda niya talaga!

....

....

"Tin! Ano facebook nung masungit?" Tanong ko kay Tin tin. "Eto oh wait," sabi niya at kinuha ang phone ko.

Jayson Ramos

Pogi ng profile ha, i-add ko sana kesyo 'wag na. Sa susunod ka nalang kuya meron pa kasi akong crush na hinihintay eh.

"Hinila ka niya kanina 'no? HAHAHA grabe mukha mo kanina nakabusangot" natatawang aniya, inirapan ko lang siya at nahiga na. "Hindi ako maka-tulog bakla" saad ko pero wala siyang sagot. Naka-tulog na agad? Grabe.

Umupo ako at nag cellphone muna, ang bilis ng oras ha, alas diyes na pala ng gabi. Tumingin ako kay Bryan na ngayon ay mahimbing ng natutulog. Cute niya. "Bakit gising ka pa?" Nagulat ako sa nag salita, si jayson lang pala. "Ah eh hindi kasi ako maka-tulog eh, eh ikaw ba't gising ka pa?" Tanong ko pabalik.

"Wala lang, hindi rin kasi ako maka-tulog" sabi niya. Tumango nalang ako at muling nag cellphone. "Want to come outside?" Tanong niya. "Pwede?" Tanong ko pabalik, tumango naman siya at agad akong tumayo at sumama sa kaniya.

"I heard, NBSB ka daw?" Basag niya sa katahimikan. "A-ah oo, paano mo nalaman?" Tanong ko na naman pabalik, "Sabi ni Tin tin kanina" sabi niya. "Ahh eh 'wag mo nalang siya pansinin haha. Madaldal kasi 'yun" sabi ko at nahihiyang umiwas sa kaniya.

Nagulat ako sa lamig ng kamay niya, "Ang lamig ng kamay mo" sabi ko, i saw him chuckled.  "Want this?" Tanong niya at inilahad ang juice. Kinuha ko naman iyon at nag thank you sa kaniya.

Mabait naman pala ito eh.

"Can we be friends on facebook?" Tanong niya. "Sure" sabi ko, "Jayson Ramos, that's my name" saad niya. Tumango naman ako at sinearch ang pangalan niya. Kunware lang 'yun kasi alam ko naman na profile niya. "Done" saad ko ng pindutin ang add friend.

Jayson Ramos accept your friend request.

"Sexy mo dito ah" sabi niya at ipinakita sa akin ang picture ko na naka swimsuit ako. Namula ang pisngi ko at agad akong umiwas sa paningin niya, "Stalker ka talaga eh 'no?" Sabi ko at tumawa siya ng mahina.

"Pogi mo dito oh" sabi ko at pinakita ang picture niya nung highschool pa ata siya dito. Umiling iling lang siya at nag patuloy kami sa pang aasaran.

"Nga pala, bakit wala kang gf eh ang pogi mo" sabi ko habang umiinom ng juice. "Ayoko eh, wala akong interes sa mga babae. Sabi nga nila sa una lang masaya" sabi niya at uminom din ng juice. "Except me ha? 'Wag mo akong idamay ha? Ako din sa una lang din masaya kaya wala akong nakakatuluyan ng matagal, sabi ba naman ang sama sama ng ugali ko at ang maldita ko daw? Huh kapal naman nila" sabi ko at tumawa siya.

StalkerWhere stories live. Discover now