Cleome Farwina Cinense
I pull myself together and get up from bed because today, Vlasmo has an MMA fight. He did not inform me nor invite me and I was not expecting either because he is avoiding me for two weeks now. I don’t know his reasons at all, basta ang alam ko lang galit siya. Pero wala akong maisip na ginawa ko para magalit siya sa akin. He is being unreasonable.
I need to talk to him later as soon as the competition is over. Hindi ko gusto ang ganito, if ayaw niya na sa akin then he is free. He just needs to tell me right away para alam ko kung papatayin ko na ang namumuong nararamdaman ko para sa kanya.
I woke up in reverie when my phone rang loud.
It’s Portreras.
Kumunot ang noo ko bago ko ito sinagot.
“What’s with the sudden phone call, Portreras?” bungad ko.
I heard him laugh on the other line. “You are so grumpy, Cinense my best friend.” Hearing his voice made me want to end the call. Nakakairita kasi ang boses niya, laging tunog nang-aasar.
“What do you want?” gagad kong tanong, inip na.
“Are you planning to watch the Colonel today?” I know that they are friends too, kaya inaasahan ko na may alam siya sa sitwasyon namin ng Colonel.
“So what?”
He chuckled. “Don’t go, just go with me. I’ll take you out. Hindi mo ba ako namiss, bff?”
“And why would I go with you? Ikaw ba si Vlasmo?” I sarcastically asked.
He laughed. “Woah, is that you, bff? Naloko na.” I heard him tsked.
“Iyon lang ba ang tinawag mo?” pagalit kong tanong. “Ibababa ko na ’to.” Paalam ko.
“Fine, but make sure to fix things with the Colonel. Ilang linggo na siyang wala sa tamang huwisyo. I know you are the only one who can fix him.” Then, he ended the call. Hindi na ako hinayaan pang makapagsalita.
Hindi na ako nag-sayang pa ng oras dahil nagbihis na ako kaagad. I comfortably wore a black fitted sleeveless top. I paired it with a black baggy pants and a white sneaker. Inilugay ko lang ang buhok ko na hanggang balikat at nagsuot ako ng putting sumbrero pagkatapos ay nagmaneho na papuntang arena. Norris isn’t with me for the first time because she flew to Seattle with her mother. She will stay there for good to pursue her career in medical field. Well, better opportunities had come along her way.
I immediately parked my car inside the parking area nang makarating.
As soon as I stepped on to the bustling MMA arena, my heart raced with anticipation. Sinalubong ako ng nakakabinging ingay na gawa ng mga fans. But amidst the chaos of the crowd, I still manage to scan the arena to look for a familiar face. Someone that I’ve been missing for two weeks, but he is nowhere to be found. Ilang minuto pa bago siya lumabas at umakyat sa mismong arena at doon ko muling naramdaman ang kakaibang pakiramdam sa tuwing nandiyan siya.
It's a surreal feeling that I can’t even name.
Masyadong malalim para pangalanan ko. I know things will fall into place at the right time.
Gusto ko sana siyang puntahan at i-good luck but he is not in good terms with me, kaya hayaan ko na muna. Kakausapin ko rin naman mamaya.
Pinanood ko nalang ang bawat galaw niya at malabong makita niya ako sa pwesto ko dahil medyo tago ako rito. Mabuti na rin iyon, baka ma-distract pa sa akin. Nagsimula ang laban at nakikinita ko na matatalo siya. Tama nga si Portreras, wala siya sa tamang huwisyo. Hindi niya nasasalag ang bawat lipad ng kamao ng kalaban. Dumudugo na ang nguso niya at namamaga na ang ilalim ng kaliwang mata.