Chapter 9 - Black Roses

381 13 12
                                    

Enjoy reading~


Layne

Isang buwan na ang lumipas nang muli namin makita si Yohan at sa mismong bahay pa namin ito nakita. I'm just glad daddies are not home that time dahil paniguradong maaalala nila si Yohan at baka ano pa ang mangyari. Kahit nasaktan kami dahil sakanya ayoko naman masaktan ito nina daddies, knowing how strong those three baka mapuruhan nila si Yohan na talagang ayokong mangyari.

Remembering his face and how years made him look mature dahil siguro college na ito at halata sa pangangatawan nito na naglalagi ito sa gym like my brother Luther, hindi ko tuloy maiwasang hindi humanga sakanya, ulit.

Sinalo ko ang mukha ng dalawang palad ko nang maalala ang mariin nitong tingin saamin ni Aria at kahit malayo ito saamin noon ay tila iba ang pinaparating ng titig nito na hindi ko mawari kung ano. I just feel weird with how he look at us that time, like.....like...ay basta! Hindi ko maexplain kung ano. Basta iba talaga ang naramdaman ko ng muli siyang makita. I know deep inside na siya pa rin, I just keeping it to myself para wala na lang maging problema kanila daddies.

'But now that you saw him again?' Singit ng isang bahagi ng isip ko.
'What will you do Layne?' Dagdag nito.

That...I don't know yet. May dapat ba akong gawin? Should I do what the old Layne did before? Or just let things pass and forget about it? I really don't know.

Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Aria after ng araw na iyon pero madalas itong wala sa bahay at dis oras na kung umuwi. Buti na lang hinahatid siya ni Sandro pauwi kaya hindi siya napapagalitan kanila daddies. Knowing those three, they are so protective of us na kahit may boyfriend na si Aria ay bantay-sarado pa rin siya sa tatlo though they are okay with Sandro.

Green flag nga ika nila Elena na pinsan ni Sandro, well he's really a good guy wala akong masabi pero we never know what will happen in the future 'di ba? Kaya for now go with the flow muna tayo.

At dahil lumilipad ang isip ko ay napakislot ako nang may magbaba ng mga libro sa gilid ko, with my eyes wide open still surprised with the sudden movement near me, nilingon ko ang tumabi saakin at nakita ang isa sa mga kablock namin ni Aria.

"Sorry for startling you Layne." Maaliwalas na mukha nito ang bumungad saakin na bahagyang kinaawang ng bibig ko.

"N-no i'ts okay." Mahinang sambit ko habang nakatitig pa rin sakanya na mas lumaki ang ngiti saakin lalo na sa naging reaction ko. Hindi ko tuloy maiwasang mamula sabay iwas ng tingin sakanya.

I heard him chuckled beside me making me look at him again,
"Xavier Saito at your service." Bumaba ang mga mata ko sa kamay nitong nilahad sa harapan ko bago umangat sa mukha nito ulit.

"I know you." Mahinang sambit ko, he held his nape before chuckling again.

"Just want to introduce myself properly to you Layne, never had a chance to do it." Anito sabay ngiti nang malawak saakin.

Ngumiti ako at ako naman ang naglahad ng kamay sa harapan niya na mabilis nitong tinanggap at binigyan pa nang marahan na pisil na bahagyang kinataas ng kilay ko.
Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin iyon at muling bumalik sa pagbabasa.

I'm in our university's library doing some advance reading for one of our subject, I'm with Aria earlier but she and Elena went out to eat something. Dahil hindi naman ako nagugutom kaya hindi na ako sumama sakanila.

Tumingin ako saglit sa malaking wall clock ng library at nakitang may kalahating oras pa bago ang susunod naming klase. Bababa na sana ang tingin ko sa notes ko nang mapansin sa gilid ng mga mata ko ang mariin na tingin ni Xavier saakin na kinapula ng mukha ko. Bahagya akong tumingin sakanya at nagtama ang mga mata namin, ngumiti ito na kinawala ng mga mata nito dahil sa pagiging singkit nito.

Their Womanizer ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon