Chapter 2 - Where's your shadow?

428 7 2
                                    


Enjoy reading!!

Layne

"Aria dahan-dahan lang baka madapa tayo." Saway ko sakanya, paano ba naman ay grabe ako nito hilain para lang makarating kaagad sa cafeteria kung saan andoon ngayon sina Luther, syempre kasama nito si Yohan.

Tinext lang naman ni Aria ang kapatid namin para malaman kung nasaan sila ngayon lunch break.

"Baka lalong mainis si Yohan pagnakita niya tayo." Sambit ko na marahas na kinalingon saakin ni Aria at inirapan ako bago muling humarap sa dinaraanan namin.

Nanahimik na lang ako at nagpahila sa kambal, ilang saglit lang ay nakarating kami sa cafeteria kung saan punong-puno ng mga studyante mapa-highschool, senior high at college.

"There they are!!" Excited na sambit ni Aria na parang hindi nasira ang araw nito kaninang umaga.

Napalunok ako nang mapadpad kay Yohan ang tingin ko. Pinasadaan ko ang ayos nito kung saan magulo ang necktie nito na halatang basta na lang hinila, kita rin ang nakakaakit nitong collarbone na isa sa kinababaliwan ng mga babae. Isa na kami ron ni Aria dahil aminin ko man sa hindi ay iba ang tama ko sakanya hindi katulad sa mga naging happy crush ko lang noon. And I know he's not just a happy crush for me.

Iba nga kasi siya sa mga iyon Layne, singit ng isang bahagi ng isip ko.

"Oh gosh, so hot naman baby Yohan." Napakurap ako nang marinig si Aria, doon ko lang din napagtanto na nakatulala na ako kay Yohan.

Oo nga, pagsang-ayon ko sa isip sa sinabi ni Aria nang makita ang paghagod ng mahahabang mga daliri ni Yohan sa magulo na nitong buhok na sa patingin naming mga may gusto sakanya ay napakahot makitang ginagawa nito.

"Ano na naman balak niyo mga ate ko?" Bumaling ako sa nagsalita sa gilid namin at nakita si Luther na busangot ang mukha habang may bitbit na food tray.

Mabilis na kumapit sa braso ni Luther si Aria na kamuntikan nang ikahulog ng pagkain ng kapatid namin.

"Ate!" Bulalas ni Luther na nagulat sa ginawa ni Aria.
At dahil kita kong walang balak na bitawan ni Aria si Luther ay kinuha ko na lang muna ang food tray nito para hindi matapon at masayang.

Napailing na lang ako nang hilain ni Aria si Luther palapit sa mesa kung saan nakaupo si Yohan, napalunok ako bago sumunod sa dalawa.

"Ate Aria please control yourself when it comes to Yohan, huwag kayong maghabol sa lalaking katulad niya dahil bandang huli kayo lang din ni ate Layne ang masasaktan." Seryosong at may inis na sabi ni Luther na nagpahinto kay Aria sa paghila rito at nagpahinto rin sa paglalakad ko. Sabay namin pinanuod ang kapatid namin na kuhanin ang buhat kong food tray nito at ang paglakad nito palapit sa mesa nila.

Bakit pakiramdam ko may laman ang sinabi ni Luther, hindi lang dahil sa babaeng kasama ngayon ni Yohan na sinabi ni Stacey kanina na first love nito kung hindi sa ibang bagay pa.

Bumuntong hininga na lang ako at hinila na paalis ang natulalang si Aria, not knowing someone is watching us walk away.








"Eat your food Aria anak at tanggalin mo yang simangot sa mukha mo dahil kilala ko na ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka." Napaangat ang tingin ko mula sa pinggan ko nang marinig si daddy Lucas. Tinignan ko rin sina daddy Levi at daddy Landry na katulad ni daddy Lucas ay kunot ang noo.

Napunta naman kay mommy ang tingin ko at kitang busy ito sa pagkain pero panaka-nakang tumitingin kay Aria at kanila daddies.

"Umayos ka Lauralie Aria, hindi namin kayo pinalaki para lang manghabol ng isang gagong lalaki. Kung ayaw niyong umayos dalawa ni Layne mapipilitan kaming ilipat kayong dalawa ng university nang matigil iyang kahibangan niyo sa lalaking iyon." Mariin na sabi ni daddy Landry na kinaawang ng bibig ko.

Their Womanizer ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon