Chapter 3

0 0 0
                                    

"Alam kong may nalalaman ka sa nangyaring pamamaril kay Jayden." Ito agad ang nasambit ni Reyna Emma noong umagang papunta sila aa Korte kung saan ay naghihintay si Attorney Lacsamana at si Judge Montenegro para sa hearing ng kaso ni Jayden.

"Opo mama." Sambit naman ng dalaga.

Kapwa tahimik lamang ang mag ina habang kasama ang mahal na hari papunta sa korte.

"Kailangan mong lumantad Ana dahil yan ang magiging lead natin para mapatunayang guilty ang mga mastermind na yan." Sabi naman ng hari habang naglalakad patungo sa court house.

"Pero may konti po akong alam tungkol sa mga salarin. sana lang talaga ay tama ang lahat ng mga hinala ko." At biglang nakapa ni Prinsesa Ana ang kanyang sentido na tila ba ay nag iisip nang malalim.

"Naku sana talaga ay mabulok na sa kulungan ang mga hampaslupang kriminal na iyon." May pagkadismayang saad ni Haring Armando.

Pagpasok sa pintuan ng Court House ay saktong dumating si Attorney Lacsamana at nakipagkamay sa mga miyembro ng Royal Family ng Ciudad de Alicante.

"Good Morning po Your highness. Mabuti naman at nakarating na kayo." Bati ng abogado sabay na nakipagkamay sa mahal na Reyna at Hari.

"Good morning din po Attorney Lacsamana." Pagbati rin ni Prinsesa Ana nang dumating ang kanilang abogado noong Araw na iyon.

Sakto namang kakarating lang din ng Judge na si Mr. Montenegro at tila may mga kahina hinalang taong dumating sa korte kasunod niya.

Agad na napalingon si Aidan sa kanyang likuran at sa tingin nito'y ito na nga ang mga sangkot sa pagpatay sa kanyang kaibigan.

"Ana!" Biglang sigaw ng lalaki

"Those culprits. Sila ang pumatay sa fiance ko!" At ikinuyom ni Ana ang kanyang mga kamay sabay napabuntong hininga nang malalim habang sinisipat ang apat na lalaking naglalakad papasok sa loob ng korte.

Agad na nagulat ang hari sa biglang naging reaksyon ni Princess Ana nang Makita nito ang mga sinasabi niyang salarin.

"Sila ba ang sinasabi mo anak?" Tanong ni Haring Armando sa dalaga at tiningnang muli ang mga lalaking iyon na itinuro ng Prinsesa.

"Opo Papa." Matapang na sagot ni Ana sa kanyang ama.

Pagkapasok pa lamang sa loob ng korte ay napakatalim na ng tingin ni Princess Ana sa mga lalaking iyon.

Walang anu ano ay bigla na lang na inambahan ng Isang matabang lalaki ng sampal ang pisngi ni Ana pero nagawa niya itong ilagan at dumampi ang kamao ng Prinsesa sa mukha nito.

"Mga hayop kayo! Pinatay niyo ang fiancè ko! Wala kayong puso!" Paulit ulit na sigaw ni Ana at pinagsusuntok ang mga lalaking pumatay kay Prince Jayden.

"Teka huminahon muna kayo Princess Ana." At umawat na ang abogado nang akmang susuntukin ulit ng lalaki ang dalaga.

"Huminahon?" At nagmatigas si Ana habang patuloy na pinagsusuntok ang mga lalaki.

Nang bahagyang naging kalmado na ang Prinsesa ay pinaupo na nila ito sa harapan ng judge kung saan ay lilitisin na ang mga sangkot sa walang awang pagpatay kay Crown Prince Jayden at sa kanyang mga magulang.

"Ok the court is now in session. Maaari nang simulan ang paglilitis." At ito na ang naging hudyat ng judge para magsimula na ang pagdinig sa kaso.

Pumwesto na si Judge Montenegro sa kanyang upuan at sinimulan na nga ang pagtatanong kay Ana tungkol sa nangyari noong gabing iyon.

"Crown Princess Ana Takahashi, maaari mo bang ilahad sa hukumang ito ang totoong nangyari noong gabing napatay ang iyong fiancè?" Pambungad na tanong ng judge sa Prinsesa.

"May mga nagpapapaputok po ng baril sa labas ng bahay nila Jayden noong gabing yon. Tapos po, pwersahan po Silang pumasok sa kwarto namin at tinutukan po kami ng baril." Kwento ni Ana sa Judge at patuloy lang na nakatingin ang mga suspek sa Prinsesa.

Nagtanong muli ang judge, "Pamilyar ka ba sa tunay na katauhan ng mga suspect?"

"Sabi po sa akin ni Papa ay mga notorious na serial killers daw sila sa buong Ciudad de Alicante at Marami na po silang napatay na mayayaman sa bayan natin." Dugtong na sinabi ng Prinsesa.

"Eh paano naman na napatay rin ang mga magulang ni Prince Jayden?" Tanong ulit ng Judge.

Nagsalita muli si Ana, "Nung marinig po nila akong sumisigaw at humihingi ng tulong, pumasok po sila doon sa kwarto at sinubukan po nilang umawat. Pero po pati sila ay nadamay at tinakpan po ng tape ang bibig nila tsaka ginapos po bago sabay sabay na barilin."

Nag alala naman si Aidan dahil mukhang nakatunog na nga ang mga suspect sa mga sinabi ni Princess Ana at lahat ng iyon ay nagtugma dahil inilabas din ng Prinsesa ang pruweba na nanggaling sa CCTV Camera na nakapalibot sa bahay ng boyfriend niya noong gabing naganap ang krimen.

"Saan mo nakuha ang mga video na to Ana?" Tanong naman ni Aidan sa kanyang ex dahil kamukhang kamukha nga ng mga salarin ang mga nasa video na ipinadala ni Ana sa korte.

"Ebidensya yan." Sagot ni Ana.

"Teka lang Ana, ano to? Bina blackmail mo ba kami?" At biglang umalma ang isa sa mga salarin na diumano ay ang lider ng sindikatong pumatay sa nobyo ni Ana.

"Eh bakit hindi? wag na kayong mag maang maangan." Sumabat ang Hari at kasunod nito ay nagkagulo na sa loob ng korte.

"At sino ka naman aber?" Tanong ng lalaki.

"Manugang ko lang naman ang pinatay niyo. At bilang kapalit sa ginawa niyo, dapat lang na tuluyan na kayong mabulok sa kulungan."

Sigawan, tulakan at balyahan, ito ang naging kasunod na pangyayari sa loob ng korte.

Natigil lang ang komosyon nang tuluyan na ngang inanunsyo ng Judge ang kanyang hatol sa kaso.

"Ano na po ang desisyon niyo your honor?" At nagtanong si Reyna Emma nang tumayo ang judge sa kinauupuan nito.

Tumayo ang Isang lalaki ngunit bago pa man ito makapagsalita ay tumingin na Ang judge sa lahat.

"Due to the strong evidence that has been proved by our witness Crown Princess Ana Takahashi, this is to inform you that Mr. Clarence Dimagiba, Kyler Crisologo, Damon Montemayor and Harvey Bermudez, has been charged guilty with two counts of murder to Mr. Jayden Zimmerman, and his parents Amelia and Maximo Zimmerman and has been sentenced with Reclusion Perpetua or life imprisonment."

Nagulat na lang ang mga lalaki nang inihayag na ang hatol ng judge.

"Life imprisonment? Anong kalokohan to?" Giit ng mga salarin.

"Kailangan niyo yan para matuto kayo at di na pamarisan pa ng iba. Enjoy your life in hell MURDERERS."

Turan iyon ni Ana bago dalhin ang mga suspek sa presinto at bahagyang nakahinga na sila nang maluwag na sa wakas ay mapapanagot na Ang may Sala sa nangyaring krimen sa mga mahal nila sa buhay.






Marrying The Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon