Chapter 2

0 0 0
                                    

Naging usap usapan sa buong Palasyo maging sa buong Ciudad de Alicante ang nangyaring karumal dumal na krimen noong gabi ng Engagement Party nila Ana at Jayden.

Naka Half mast din ang Watawat ng Kapitolyo at Palasyo ng Tierra Del Maria bilang pagluluksa sa biglaang pagpanaw ni Crown Prince Jayden maging ng Hari at Reyna ng naturang bayan.

Labis ring nagdadalamhati ang buong angkan lalo na si Prinsesa Ana sa biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Halos magka trauma siya sa nangyari at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang Wala na Ang lalaking dapat na papakasalan niya.

"Condolence nga pala Ana." Saad ni Aidan nang malaman niya ang nangyari sa nobyo ng kanyang ex.

"Salamat at nakauwi ka." Turan naman ni Prinsesa Ana habang pilit na nagpipigil ng kanyang luha at nakatingin sa kabaong ni Jayden.

"Sorry kung ngayon lang ako nakabalik. Bueno, ano nang plano mo ngayong wala si Jayden?" Tanong muli ni Aidan at niyakap si Ana.

"Hindi ko alam." Tipid namang Saad ng Prinsesa.

"Wala ka bang balak na sampahan ng kaso ang mga pumatay sa Prinsipe? Biruin mo, pati pamilya dinamay nila." Seryosong tanong ulit ni Aidan ngunit tumangging sumagot si Ana dahil gusto na muna niyang pagnilayan ang pagkawala ni Prince Jayden.

"Bakit ba kasi ang unfair ng mundo? Kinuha na nga niya sa akin ang baby ko, ngayon yung fiancè ko naman? Pakiramdam ko tuloy napaka malas kong tao." Naiiyak na Saad ni Ana at nagpahid ng panyo sa kanyang namamagang matang napuno na ng luha.

Ngumiti si Aidan

"I'm willing to get an attorney so that we can settle the case in the court."

"Sigurado ka?" Tanong naman ng Prinsesa.

"Of course I do. Ikaw pa ba? Eh di ka na iba sa akin. gusto kitang matulungan." Sagot ni Aidan at hinalikan niya bigla si Ana sa labi.

Napatigil si Ana at natahimik

"Teka bakit mo ako hinalikan?" Tanong nito.

"Mahal pa rin kita Ana. Pero bilang respeto kay Jayden, hindi na muna ako manliligaw sa yo ulit Hanggang sa maka move on ka na."

At nang matapos nga ang burol ni Jayden kasama ng kanyang mga magulang ay nakipagtulungan na sina Ana at Aidan para simulang ayusin ang kaso sa lalong madaling panahon.

Isang umaga ay nagpasya si Princess Ana na makipagkita sa Royal Chancellor ng kanilang Pamilya upang humingi ng tulong na maghanap ng abogadong tutulong sa kaso ng pagkamatay ng Pamilya ni Prince Jayden.

"Princess Ana, kailangan niyo po ba talaga ng abogado?" Ito ang naitanong ng kanilang Chancellor kasunod ng pagkamatay ng kanyang nobyo.

"Opo." Sagot ng dalaga.

"We're willing to coordinate with Atty. Maxmillian Lacsamana, ang abogado ng mga magulang ni Jayden." Saad ng Chancellor ng Royal Family ng Ciudad de Alicante.

"Deal." Ani ni Prinsesa Ana.

"I know those People who killed Jayden and his parents. Matagal na silang minamanmanan dito sa lugar natin at sa katunayan ay ilang beses na din silang naglalabas masok sa kulungan." Kwento pa ng Chancellor na si Sebastian Minelli.

"We need to put those culprits in prison as soon as possible. Kailangan namin ng agarang hustisya sa lalong madaling panahon. At kung kailangan ko ring magbayad ng malaking halaga para lang makulong ang mga demonyong yon ay handa akong magbigay." Diretsahang sinabi ni Ana at agad siyang nagtungo sa Opisina ng Hari para humingi ng tulong.

"Tutulungan ko sila Ana at Aidan." Sabi ni Haring Armando na tila may kausap sa kanyang telepono.

Narinig ni Prinsesa Ana ang bosses na iyon ng kanyang ama.

Kausap nito si Attorney Lacsamana at mukhang may niluluto silang meeting tungkol sa pagkamatay ni Jayden at ng kanyang mga magulang.

"Basta kung kailangan niyong magpatawag ng hearing, sabihan niyo na lang kami ng mga bata."

Nang makahanap na ng tiyempo ay pumasok na si Ana sa Opisina ng kanyang ama para sabihin ang napag usapan nila ni Chancellor Minelli.

"Papa?" Tawag ni Ana sa kanyang ama na kasalukuyang abala sa kanyang iPad at tumitingin ng mga kasong naipanalo ni Attorney.

"Yes sweetheart, anong maitutulong ko?" Agad na tanong ng hari.

"Magpapatawag po ba kayo ng hearing? Kasi po, nagkita po kami ni Chancellor Minelli at sabi niyang may contact ka raw po kay Attorney Lacsamana." Sambit ni Ana sa kanyang ama.

"Oo anak. Napakalaki na ng kahihiyang dinala ng sindikatong iyon dito sa bayan natin kaya oras na para tuluyan na silang mabulok sa kulungan." Agad na sinabi ng hari kay Ana habang hawak ang Isang Papel na tila naglalaman ng lahat ng Ari ariang ipapamana sana sa yumaong Prinsipe.

"Yan din po ang sinabi sa akin ni Chancellor. pero may ideya na po ba kayo kung saan nagtatago ang mga suspek na yon?" At nagtanong muli si Prinsesa Ana.

"Wala akong alam sa kung saan sila mahahagilap anak, pasensya ka na ha?" Pagpapaumanhin ng hari.

"Diyos ko.... Ano nang gagawin natin nito?"

Matapos ngang maihatid sa Kani kanilang huling hantungan ang Pamilya ni Prince Jayden, ang dalawang magkatabing bayan ng Ciudad de Alicante at Tierra del Maria ay nagmistulang ghost town. Labis na dinamdam ng mga mamamayan nito ang pagpanaw ng kanilang mga pinuno at nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa naturang lugar.

"Napakatahimik sa labas. Nakakapanibago." Sambit ni Reyna Emma matapos na makipaglibing sa kanyang kumare at inaanak.

"Kaya nga po Mama." Sagot ni Ana habang naiiyak na hinahawakan ang picture nila ni Jayden na kinunan noong gabi ng kanilang engagement.

"May sasabihin ako sa yo anak." At kinalabit ni Reyna Emma si Prinsesa Ana sa kanyang balikat.

"Mag uusap kami ni Aidan para maituloy ang naudlot niyong kasal. at gusto kong makahanap na agad ng kapalit sa trono ni Jayden habang inaayos natin ang kaso ng pagkamatay nila ng nanay at tatay niya." Sambit ni Reyna Emma sa kanyang anak.

"Nababaliw ka na ba Mama? hindi ba pwedeng sa susunod na taon na natin gawin yan? Hustisya ang kailangan natin ngayon." Naiiyak na sinabi ni Ana sa kanyang Ina.

"I'm so sorry anak. gusto lang naman kitang makabangon kaagad." Wika pa ni Reyna Emma at sabay na umalis sa silid ni Ana at hinayaan niya ang dalagang makapagluksa.

Nagkaroon din ng nakabibinging katahimikan sa loob ng Palasyo. Sobrang malapit kasi ang Pamilya Zimmerman sa Pamilya Takahashi at
sobrang laking kawalan ng Prinsipe dahil bukod sa napakabait nitong Bata ay lagi itong tumutulong sa mga mahihirap nilang mga kababayan gaya ng ama ni Prinsesa Ana.

"Pwes, kailangan ko munang tulungan si Papa para magkaroon ng hustisya ang pagpatay kay Jayden at pati kina Tito at Tita." At sa puntong iyon ay desidido na si Ana na lumantad sa totoong nangyari noong gabing binawian ng Buhay ang kanyang fiance.


















Marrying The Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon