Chapter 6

1 0 0
                                    

"Malala na ang sakit ng Tito Armando mo at ang sabi ng doktor ay baka isang taon na lang ang itatagal niya."
Ito ang naging Saad ng Mahal na Reyna nang nagtungo sina Ana at Aidan sa Ospital kung saan ay nagpapagaling ang Hari.

Kapansin pansin na tila'y tahimik ang lahat ng naroon at lahat yata ng tao sa buong bayan ay alam na nga ang naging kalagayan ng kanilang Mahal na Pinuno.

"Mama, gagaling pa po ba si Papa?" malungkot na tanong ni Prinsesa Ana sa kanyang Ina habang nakatitig ito sa kanyang ama at hawak ang Isang rosary na ibinigay sa kanya ng Mahal na Reyna.

"I don't know my Princess. Hanggang ngayon kasi ay inoobserbahan pa ng mga doktor ang kalagayan ng Papa mo." Tipid na sagot ni Reyna Emma.

Kagagaling lang nina Ana at Aidan sa School noong araw na ipatawag sila ng kanyang Ina para dalawin ang hari.

Bago pa nito ay nagkaroon na nga ng pormal na meeting ang Pamilya nina Aidan at Ana tungkol pa rin sa nalalapit nilang kasal at ang pagpasa ng trono ng Hari kay Princess Ana bilang bagong Reyna ng Ciudad de
Alicante.

Kaya ganon na lamang ang naging paghahanda ng mga namumuno sa kaharian at kasabay nga noon ay ang paghahanda rin sa pagdating ng supling nina Princess Ana at Prince Aidan.

"Kailangang ihanda niyo na si Ana. Oras na maipasa sa kanya ang trono ng Hari ay siya na ang uupong Reyna ng bayang ito."

Saad iyon ni Chancellor Minelli noong araw na magkita ang Pamilya Takahashi at Pamilya Altamirano para pormal na mamanhikan sa mahal na Prinsesa.

"Nauunawaan po namin Mahal na Chancellor." At Ngumiti si Reyna Emma na senyales na tinatanggap na niya si Aidan para maging Asawa ng kanyang anak.

Natawa na lang si Ana sa sinabi ng kanyang Ina.

"Eh bakit parang mas excited ka pa po yata sa akin Mama?"

Ngumiti si Reyna Emma

"Siyempre anak. Tinupad mo na rin ang kahilingan namin ng Papa mo na maikasal ka at mabigyan kami ng apo."

Napuno ng galak ang ngiti ni Ana nang nakausap niya ang kanyang Ina.

Bagama't hindi man makapagsalita ang kanyang ama ay ramdam ni Princess Ana ang Saya nito at walang anu ano ay bigla na lamang nitong hinagkan ang kamay ng Prinsesa habang umiiyak.

"Princess Ana, I'm so proud of you anak."

"Papa?"

Tumulo ang luha sa mga mata ni Princess Ana nang marinig nyang magsalita ang kanyang ama. Kitang kita doon na sobrang proud ang hari sa kanyang Unica Hija at masasabi ngang mahal na mahal nito ang kanyang anak.

Sumapit nga ang Hapon at kinakailangan nang bumalik nina Ana at Aidan sa Palasyo para doon na makapagpahinga.

Hawak hawak pa rin ni Ana ang rosary niya at pabulong na nagdasal para gumaling na ang kanyang ama.

"Ana, okay ka lang ba?" Biglang tanong ni Aidan sa Prinsesa dahil mukhang balisa ito at hindi mapakali sa Isang sulok.

"Oo."

Batid ng binata ang pag aalala ng Prinsesa sa kalagayan ng ama nito. Lumaki kasi bilang Isang Papa's Girl si Ana kung kaya naman ay sobra itong nag aalala sa Mahal na Hari. Kahit strikto iyon ay napalaki nila ang dalaga nang maayos at sa kabila rin ng pagkakaroon nito ng anak sa maagang edad ay hindi nila pinabayaan ang dalaga bagkus ay pinursige nila si Ana na makapag aral at ngayon nga'y nalalapit na itong makapagtapos ng kolehiyo at isa na ring Varsity Player ng Volleyball Team ng kanilang School.

Muling nagsalita si Aidan, "Willing akong mag donate ng Kidney para lang maisalba ang buhay ni Tito." At hinawakan nito ang kamay ni Ana.

"Teka, seryoso ka ba? P-paano kung may mangyari sa yo?"

Nabigla si Prinsesa Ana sa tinuran ni Aidan. Alam kasi niyang lubhang delikado ang gagawin ng kanyang nobyo dahil Buhay na nito ang nakasalalay roon. Pero ipinursige niya pa rin ang balak nitong I donate ang kanyang Kidney sa kanyang magiging biyenan.

"Eh nagda Dialysis naman si Papa. Bakit kailangan mo pang I donate ang kidney mo? Gusto mo bang may mangyaring masama sa yo or worse Ikaw pa ang maunang mamatay kay Papa?" Pagpapatuloy pa ni Ana at biglang umiyak.

"Tatay na ang turing ko sa Papa mo Ana. Isa pa, kaya ko naman na ang sarili ko. I'm not only doing this for you but also for Tito kaya sana pumayag ka na."

Nagkatinginan ang dalawa nang matapos na makapagsalita si Aidan. Hinalikan niya ang pisngi ni Prinsesa Ana at niyakap ito. Halos ilang minuto ring magkayakap ang dalawa bago umalis si Ana sa kanyang kwarto para ayusin ang kanyang mga gamit.

Samantala, ang mga katiwala naman sa Palasyo ay napuna ang labis na pagbabago hindi lamang ng ugali ni Prinsipe Aidan kundi ang pagiging sweet nila ni Ana sa isa't isa. Kahit hindi pa man ikinakasal ang dalawa ay kapansin pansin na ang pagiging sweet nila.

"Sanaol sweet sa isa't isa ano?"

Saad ng isa sa mga katulong.

"Naku ewan na lang talaga kung magkahiwalay pa ang dalawang yan. Napaka swerte talaga ni Princess Ana noh?" Singit pa ng isa pang katulong. At walang anu ano ay nadatnan sila ni Ana na naghuhuntahan at mukhang kakatapos lang sa kanilang mga gawain.

Nginitian lamang sila ni Prinsesa Ana na parang Wala itong dinaramdam na problema.

"Ano, tapos na ba kayo sa mga gawaing bahay?" Ang agad na tanong ni Ana sa mga katulong nang madatnan niya silang abala sa pagkukwentuhan.

"Opo Madam Ana." Saad ni Patring, isa sa mga katulong sa Palasyo na nakatoka sa paglilinis sa hardin.

Ngunit kahit anong pagtatago ng Prinsesa ay talagang bakas sa mga mata nito ang lubos na pag aalala sa kalagayan ng kanyang ama.

"Ayos lang po ba kayo madam? Mukhang malungkot po ata kayo."

Hindi na sinagot ni Ana ang tanong na iyon ng isa sa mga katulong ngunit Isang simpleng pagtango lang ang isinagot nito.

Kung kaya naman ay nagtungo ito sa kanyang kwarto at naupo sa kanyang study table at doon na nga nito ibinuhos ang kanyang pagtangis.

"Sana gumaling na si Papa. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala sa akin."




























Marrying The Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon