Chapter 7

0 0 0
                                    

Ang Nakaraan:

Halos Isang buwan nang hindi maganda ang kalagayan ng Mahal na Hari at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagiging maayos ang sitwasyon sa buong Ciudad de Alicante. Pansamantala munang ipinagpaliban nina Ana at Aidan ang kanilang kasal upang mas mabantayan ang ama ng Prinsesa at kasalukuyang humahalili muna sa kanyang Pwesto si Reyna Emma upang makapagbigay ng mga balita tungkol sa kondisyon ng kanyang kabiyak sa mga nasasakupan nito.

"I think we should postpone the Wedding Tita. Ang dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang kondisyon ni Uncle at ang nalalapit na panganganak ni Ana. Kahit ako na lang po muna ang tumayong Head of State sa ngayon ay gagawin ko po mapagsilbihan lamang ang bayang ito." Ito ang naging mungkahi ni Prince Aidan sa kanyang biyenan noong magtungo sila sa Ospital kung saan ay nakaratay ang Mahal na Hari.

Sumagot ang Reyna

"Teka, paano si Ana? Hindi ba't kailangan mong alaagan rin ang aking anak dahil sa nagdadalang tao siya ngayon? Kaya mo ba talaga iho?"

Ngumiti ang binata at tumingin sa Ina ng Prinsesa, "Opo Tita."

"Pero hon, Paano ang pag aaral mo? Hindi ba't running for Cum Laude ka rin katulad ko?" Biglang tanong ni Ana sa kanyang nobyo nang sabihin nito ang kanyang pasyang maging Pinuno ng kanilang bayan.

"Kaya ko na itong mag isa Ana. Gusto ko lamang tulungan ang Pamilya mo Lalo at may kinakaharap na malalang karamdaman ang iyong ama."

At nang bahagyang nakapag isip na nga ang Prinsipe ay pinatawag nilang muli ang kanilang mga tauhan para ihanda ang Palasyo sa pag upo ni Aidan bilang Pansamantalang Pinuno ng Bayan.

Habang nagkasundo ang mag inang Reyna Emma at si Princess Ana na hindi na muna papasukin sa Eskwelahan ang kanyang anak sa loob ng Ilang buwan dahil lumalaki na rin ang tiyan nito at mukhang mahihirapan ang Prinsesang magtrabaho at mag aral habang nasa kasagsagan pa ito ng kanyang pagbubuntis.

"Madam, may bisita po kayo." Biglang Saad ni Teresa, isa sa mga Katiwala ng Palasyo at isa rin sa mga nagpalaki kay Princess Ana.

"Sige, papasukin mo sila." Sambit naman ni Reyna Emma.

Si Chancellor Minelli pala ang dumating noong araw na iyon. Iniabot nito ang isang kulay puting sobre mula sa kanyang bag at laking gulat na lang nina Princess Ana at Reyna Emma nang makita nila ang laman nito.

"Last Will And Testament? P-pero, di pa patay ang asawa ko. What's the meaning of this?" Gulat na tanong kaagad ni Reyna Emma nang nabasa ang nasabing sulat.

Humarap si Chancellor Minelli sa mag ina. Isang malungkot na balita ang ipinagtapat nito sa kanila na nagresulta ng Isang nakabibinging katahimikan sa buong Palasyo noong Araw na iyon.

Aniya, "Kahapon, noong dinalaw niyo ang Mahal Na Hari, ilang oras lang Mula nang kayo'y bumalik dito sa Palasyo ay hindi na kinaya pa ng katawan niya ang lahat."

"Wala na ang iyong ama Princess Ana."

Sandaling natahimik ang mag ina maging si Aidan nang marinig nila ang anunsyo ni Chancellor Minelli. At maya't maya nga'y napahagulgol na lamang bigla si Ana nang malaman ang balita tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama.

"Hindi to Pwede! hindi pwedeng mamatay si Papa. Sabihin niyo po sa aking nagbibiro lang kayo Chancellor! Buhay pa ang Papa ko!"

At dito na nga sumambulat ang emosyon ni Ana habang umiiyak at niyayakap ang kanyang fiance na si Aidan.

"Princess Ana tumahan ka na diyan." Pang aalo naman ni Aidan sa dalaga habang patuloy itong umiiyak hanggang sa bigla na lamang siyang napasalampak sa sahig ng kanyang silid.

"This couldn't happen. My father isn't dead! Hindi pa patay ang Papa ko."

"Ana, Tama na."

At sa hindi malamang dahilan ay biglang tumakbo si Ana at pinaharurot ang kanyang sasakyan para puntahan ang Ospital kung saan nga binawian ng buhay si Haring Armando.

"Aidan, sundan mo si Ana! Baka mapaano ang anak ko." Natatarantang Sabi ni Reyna Emma habang nanginginig ang kanyang mga paa sa sobrang nerbyos.

"Tita, Natatakot po ako." Ani Aidan at nagmatigas ito na sumunod sa kanyang fiancee ngunit sapilitan rin siyang niyakag ng Reyna dahil siya din mismo ay gustong masilayan ang bangkay ng kanyang kabiyak.

"Pwes, sumama ka sa akin at pupunta tayo sa Ospital." Humahangos na saad ng Reyna at pagkasabi nito'y tumulak na nga sila papunta sa Ospital.

Nadatnan nila si Ana na humahagulgol sa Isang sulok ng Hospital Bed habang pinagmamasdan ang wala nang buhay niyang ama.

"Mama, paano na to? Wala na po ba talaga ang Papa?" Umiiyak na tanong ng dalaga pagkapasok pa lamang nina Reyna Emma at ni Aidan sa silid ng kanyang ama.

"Oo Ana anak. Wala na siya, hindi na niya kinaya pa ang lahat." Umiiyak namang tugon ni Reyna Emma.

"Wala na talaga si Uncle. sayang lang at hindi na niya makikita ang magiging apo niya." At maging si Aidan ay hindi na rin naitago ang kanyang kalungkutan nang dahil sa pagpanaw ng kanya sanang magiging biyenan.

Sandaling natahimik sina Ana at Aidan habang yakap yakap ang isa't isa.

Maya Maya lamang ay tila may Isang paru parong biglang lumipad sa silid na iyon.

Alam ni Ana na ito ang Mahal na Hari at parang gustong ipahiwatig nitong nagpapaalam na siya sa Prinsesa sa huling pagkakataon.

"Si Papa."

"I love you so much Ana, my Forever Princess. Mamimiss kita nang sobra nak. Magpapakabait ka palagi ha?"

At dito na nga magsisimulang harapin ng Royal Family ang kanilang bagong buhay ngayong pumanaw na ang ama ng kanilang bayan.

Dito ngayon susubukin ng kanyang katapangan si Prinsesa Ana upang magampanan ang Posisyong naiwan ng kanyang ama.

"Para sa yo Papa. Magpapakatatag ako."









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marrying The Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon