CHAPTER 3

1K 18 1
                                    

MIKHAEL'S POVE

Andito kami ngayon sa school naka tambay sa rooftop, wala kaming klase ng 2 hours kasi may important meeting daw yung mga advisers ehh kaya kaming nga estudyante ay ginagawa na lang namin ang mga gusto naming gawin.

Apat ulit kami, syempre bestfriends kami ehh tyaka never kaming nag hihiwalay lagi kaming mag kakasama kung san pumunta, para na kaming nag kakapatid ehh. Thankful nga ako kasi anjan sila lagi pag kailangan ko sila.

Wala kaming magawa kundi ang mag kwentuhan ng kung ano ano ng mapunta ang usapan sa dalawang babae na uuwi mamaya sa bahay.

"Guys sa bahay kayo kumain mamaya ahh, para makilala nyo din kung sino nga ba yung uuwi sa bahay at 'dun pa talaga titira'" Sabi ko na parang naaasar.

"Chill lang pree bat parang nagagalit ka naman na jan ahh hahaha, sige dun kami tas pag kakain ehh uuwi na kami" Naka ngiting sabi ni Cole.

"Geh, alam nyo curious ako sa mukha nung dalawa na yun, maina kaya yun o magkapatid?" Sabi ko habang naka tingin sa kanila.

"Baka mag ina pero pwede din kapatid, ewan ko din ikaw kasi Khael ehh yan tuloy pati ako na c-curious na" Bahagya naman akong nagawa dahil sa sinabi ni Jhose, gago talaga ehh.

Biglang tumingin saakin si Cole ng seryoso kaya tinignan ko din sya ng ganun.

"Khael, kanina nung papunta ako sa parking lot kasi bibili ako ng kailangan ko may nakita akong dalawang lalaki, sabi nung isa ehh 'tol kunin mo na ito oh tatlong pack lang naman yan kasya na sa bag mo bilisan mo kunin mo na' kinuha naman nung lalaki tas nilagay nga sa bag nya inabutan ulit sya ng isa pa pero konti lang yun tas sininghot nya, naka tago ako sa may pader kaya di nila ako nakikita ehh, pag tapos nilang gawin yun ayy nagmamadali silang bumalik dito sa loob ng school. Nakilala ko sila kasi sa kabilang building lang naman sila ehh. Puta tatlong pack ng drugs yun ahh tas nagkasya pa sa bag nila hayp na yan" Mahabang linyahan ni Cole na parang nagagalit na. Tangina school toh ahh, hanggang dito ba naman mag dadala sila ng ganun? Hah di na sila natakot sakin ahh, kilalang kilala ako dito sa school na ito bilang mafia alam nilang wala akong pinapalampas tapos gaganun-ganun sila hahaha tignan natin kung sino matibay tigas ng ulo nyo ahh.

"Amputa di na natakot ay hahaha tignan natin kung anong kahihinatnan nila satin, Khael dating gawi ba?" Tanong ni Gab na may nakakalokong ngiti. Kilala ko na toh gusto na netong manapak.

"Oo nga dating gawi ba?" Tanong din ni Jhose kaya nag smirk na lang at alam na agad nila kung anong ibig sabihin ko.

"Dating gawi guys, kaming dalawa muna ni Khael ang nag aabang sa dalawa na yun sa parking lot tas pag gumawa na sila ng hakbang tyaka kayo lumabas at pag tulungan natin, sigurado aking di lang sila dalawa madami dami din siguro yung mga yun" Eka ni Cole habang naka tingin sa ibaba, pinag mamasdan ang nga estudyante.

"Oo tama si Cole ganun nga ulit"

"Tara na muna meryenda na anong oras na oh para mamaya may lakas tayong lahat tulungan yung nga yun, di na naawa sa nga magulang na nag papaaral sa kanila" Sabi ni Jhose kaya sumangayon naman kami kasi nakaka ramdam na din ako ng gutom ehh.

Andito kami sa canteen naka upo kaming tatlo nila Gab at Cole, dahil si Jhose na daw ang bibili ng pagkain namin.

"Khael" tawag sakin ni Cole.

"Yun yung dalawa ohh may kasama pang isang lalaki" Turo nya kaya napa lingon kami ni Gab

Tinignan ko naman yung mga lalaki at saktong tumingin din sila saakin kaya nginisian ko itong nga toh, nagulat sila dahil sa pag ngisi ko, nakita ko mga takot sa mata nila kaya lumingon na lang sila sa kung saan.

She Is My Step Sister [MikhaAiah]Where stories live. Discover now