Chapter 6

51 37 0
                                    

Aizi's Pov

Late night dates!

Natapos ang araw naming magkakaklase na walang ibang ginawa kundi ang pag-usapan ang nangyaring ingkwentro kanina.

Sobrang angas at astig ng ginawa ni Mhea kanina, ang tapang nya, at si Niña hindi ko akalaing matured sya sa mga seryusong bagay, kasi naman sya ang pinakabata sa'min at uso pa din sa kanya yung crush crush kuno.

Sobrang proud ako sa kanila, kasi handa silang ipaglaban ang isa't isa. Pinanood ko nga lang sila eh kasi alam kong pag hindi nila kaya hihingi sila ng tulong pero itong si Niña medyo bad girl din pala.

Kawawang Samantha!

Lumabas na sila Lei ng classroom at dala na nila ang kanilang mga gamit, ganun na din ang ginawa ko dahil wala naman akong dahilan para magstay pa sa classroom either may kailangan pa'kong tapusin.

Si Mhea ang laging naglolock ng room namin dahil nasa kanya din naman ang susi.

Diretso akong naglalakad papunta sa parking lot ng school dahil doon ako laging hinihintay ni Nom my boyfriend.

Ilang metro pa ang layo ko sa kotse nya'ng nakaparada ay kitang kita ko na agad sya, nakasandal sya sa kanyang kotse habang nakapamulsa.

I miss him so much, I miss my man! He's so handsome and perfect for me! The way he wear a uniform, the way he fix his tie makes me more fall in love on him. I love this man so much! I love my boyfriend so much! I love my Nom every single day.

Nakarating ako sa harapan nya at agad naman nya akong niyakap at hinalikan sa noo.

“ I miss you so much babe.” sabi nya sa'kin sabay yakap ulit ng mahigpit.

“ I miss you too, everyday babe!” sabi ko sa kanya at hinigpitan din ang pagkakayakap sa kanya.

Sino ba namang hindi mamimiss eh halos hindi na kami magkasama dahil laging busy sa school output lalo na sa research. Hindi pa nakatulong at magkabukod pa kami ng section.

“ let's go?” he asked me and I just nodded at him.

Pinagbuksan nya ako ng pinto sa may passenger seat at tsaka naman sya dali-daling pumasok sa loob ng kotse at agad na nagdrive.

Ganito lang kami lagi, magkasabay papasok at uuwi pero ngayong graduating na kami, hindi na kami halos magkasabay dahil sa mga outputs, pero always naman kaming magkachat sa school at video call naman pag nasa bahay lang at habang nag-aaral kami.

Pero ngayon? May usapan kaming dalawa, magli-late night date kami, syempre dapat may time na para sa aming dalwa naman hindi yung puro sa output lang.

“ babe, saan nga pala tayo magdi-date mamaya?” tanong ko sa kanya na agad naman nya'ng sinagot.

“ Wherever you want babe!” nakangiting sagot nya sa'kin.

Sa park? Plaza? Ahh ewan!

Hindi na'ko umimik dahil ayukong nakafocus sya sa'kin habang nagda-drive.

Nakarating kaming dalawa sa bahay, agad naman kaming pinagbuksan ng gate ng maids namin at agad naman kaming pumasok.

“ Good eve señorita, sir.” bati nila sa'min at nginitian naman namin sila.

“ Where's mom and dad po manang?” magalang na saad ko sa mayordoma namin.

Tinuro naman ni manang ang hagdan at agad ko namang tiningnan iyon.

The tapestry of love (ONGOING)Where stories live. Discover now