Chapter 7

51 34 0
                                    

Louie's Pov

Talk shits!

Tinanghali na akong nagising dahil sa puyat kagabi, pano naman kasi itong si Lei nagpresenta na tutulungan nya ako pero ang luko ayaw pumayag na hindi ko seseryusuhin ang mga itinuturo nya.

I should focus on research first daw bago ang ibang bagay, at sinabi nya din sa akin kagabi na nakausap na daw nya si Lavinia about dito, at ang sabi daw sa kanya ni Lavinia ay mas maigi daw yun.

Kinausap din ako ni Lavinia kagabi sabi nya sa'kin na wag daw muna sya'ng intindihin magfocus daw muna kami sa research namin, sinabi nya din na mas gusto nya yung ganun, para daw may kahantungan kami in future.

Kahit na labag sa kalooban ay wala akong magawa kundi ang sundin sila, ang mahal ko na ang nagsabi noon kaya naman sinunod ko nalang ang mga pinapagawa at tinuturo ni Lei sa'kin kahit na napakahirap namang unawain.

Hindi naman kasi ako yung taong matiyagang mag-aral I mean sinisikap ko namang mag-aral ng mabuti pero hindi ako kasing sipag ni Lei sa pag-aaral.

Bumangon na ako sa kama ko dahil ayaw kong malate may usapan din kasi kaming section aquamarine na pupunta ulit sa library.

Sana di na maulit yung ingkwentrong nangyari!

Matapos sa paggagayak papuntang school dala ang mga gamit na halos lahat ay puro sa outputs lang.

“ Mom, dad alis na po ako.” sabi ko kay mom and dad. Hinalikan ko sa pisnge si mom at niyakap naman si dad.

“ Ingat ikaw hijo! Late ka na, baka kanina pa naghihintay sayo si Lavinia.” nakangiting saad ni mom sa'kin.

Nginitian ko din sya sabay nag-goodbye. Nong inilegal ko sa kanila si Lavinia wala silang kahit na anong masamang komento tungkol sa relasyon namin, suportado nila kami kung anong meron kami, sila din minsan ang nag-aayos sa'ming dalawa ni Lavinia sa tuwing may hindi kami pagkakaintindihan.

Napapangiti na lang ako sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyon.

Nakarating na ako sa bahay ni Lavinia at hindi nga nagkamali si mom naghihintay na si Lavinia kasama nya sa labas ng gate si Tita Laura at ang kapatid nya'ng si Lloyd.

Huminto ako sa harapan nila, hindi pa ako nakakababa ng kotse ay pumasok na kaagad sa loob si Lavinia. Binuksan nya ang bintana ng kotse tsaka bumungad ang mukha ni Tita Laura na nakangiti sa akin.

“ Good morning po Tita.” bati ko sa kanya.

“ Good morning din hijo, ahmm pwede bang ano makisabay kami sa inyo? Umalis kasi ang Tito mo sakay nya yung kotse, at yung Van naman ay drive ni Manong Jose ihahatid nya kasi si ate Lyra nyo sa airport.” mahabang litanya ni tita.

Lumabas kaagad ako sa kotse at dali-daling pinagbuksan ng pinto si tita. Si Lloyd naman ay kusa ng tumabi sa mommy nila.

“ Thank you hijo!” nakangiting saad sa'kin ni tita nginitian ko nalang din sya.

Sa company nila tutungo si Tita at nadadaanan namin iyon sa tuwing pumapasok kami.

Nilamon kami ng katahimikan sa byahe namin, may time na tinitingnan ko si Lavinia tapos pagnakikita nya'ng nakatingin ako sa kanya sinisenyasan nya akong sa kalsada tumingin.

Habang nagda-drive ako nakikita ko sya sa peripheral vision ko nag-aalinlangan sya'ng nakatitig sa akin which is hindi ko alam kung bakit. Nanatili lang kaming tahimik sa byahe hanggang sa nakarating kami sa company ni tita.

The tapestry of love (ONGOING)Where stories live. Discover now