TW: violence, discrimination
;
"Gusto mo bang patayin kita, ha?!"
Tangina...
Hindi ko na mapigilang maiyak sa mga nangyayari ngayon. Kahit anong pilit ko sa aking sarili na hindi umiyak ay hindi na mapigilan ang pagtakas ng mga luha sa aking mata. Kahit ilang pagkagat ko ng labi ang aking nagawa ay kulang pa rin. Tanging pagyakap ko sa aking sarili habang nakaupo sa sahig ang aking nagawa sa mga oras na ito. Ni hindi ko na magawang huminga ng maayos sa bigat na aking nararamdaman.
"Gregor, ano ka ba?! Magdahan-dahan ka naman sa pananalita mo! Anak mo yan!"
Rinig kong sigaw ni Mama kay Papa sa gitna nang gulo. Kita sa boses ni Mama ang pagmamaka-awa at batid kong umiiyak na siya ngayon. At tama nga ako. Sa pagangat ko ng tingin, nakita ko sa mga mata ni Mama ang mga luhang walang tigil sa pagdaloy sa kanyang pisngi. Bigla na naman ako nakaramdam ng mabigat na pakiramdam sa sitwasyon ni Mama.
"Anak?! Putangina, wala akong anak na bakla!" galit na sigaw ni Papa kay Mama na siyang ikinuyom ng kamao ko.
Bakla? Dahil lang sa bakla ako ay gusto mo na akong patayin? Dahil lang ba sa hindi ko masusunod ang gusto mo sa akin ay 'di mo na ako ituring na anak? Dahil lang ba sa wala kang maipagmamalaki na anak sa mga kaibigan mo ay parang 'di mo na ako kilala? Tangina...ano naman ngayon? Pa, ano ba ang mali sa pagiging bakla? Dahil wala sa Bibliya ang mga bakla? Dahil marumi kami tingnan? Putangina!
Kung ganun, patayin mo nalang ako para matapos na.
"Gregor!"
Gulat akong napalingon kay Mama matapos niyang sampalin sa pisngi si Papa ng malakas na ikinabaling ng kanyang ulo sa ibang direksyon. Dahil dun, nakita ko ang pagdilim ng mata na ni Papa na may halong gulat kay Mama. Umigting ang panga ni Papa na bumaling siya sa direksyon ni Mama.
"Walang kang kwentang ama at asawa, Gregor! Bakit? Ha?! Ganun na lang?! Ganun na lang ba kadali para sa iyo na patayin ang nag-iisa nating anak dahil sa bakla siya?!"
Ma...
May bahid ng galit at kalungkutan ang boses ni Mama na umalingawngaw sa boung bahay namin. Gustuhin ko mang tumayo sa pagkakaupo para yakapin siya pero parang naubos lahat ng lakas ko na kahit anong pilit ko ay 'di ko maigalaw ang aking katawan.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko, Marites!" Mas malakas na sigaw ang naging sagot ni Papa at may tinuro sa aking direksyon. "Pinahiya ako ng anak mong salot sa harap ng mga kaibigan ko! Dapat lang na bugbugin ko siya!"
Ngumisi si Mama. "Ang babaw mo naman, Gregor. Mas matimbang na sa iyo ang mga kaibigan mong puro tagay lang ang alam kaysa sa anak mo?!"
"Oo, dahil doon ako mas masaya---"
"Eh, di sige!" Pagputol ni Mama sa sasabihin sana ni Papa. "Pumili ka ngayon, Gregor! Tatangapin mo ang anak mo o lalayas kami sa pamamahay na 'to!"
At dahil 'dun, nagkaroon ako ng lakas na tumayo sa pagkakaupo. Alam ko sa sarili na hindi na maganda ang sitwasyon ngayon sa bahay pero ayokong makita sila Mama at Papa na maghiwalay nang dahil sa akin. Ayoko na ako pa ang maging rason para sirain ang pamilyang binuo nila. Kaya kaagad akong pumunta kay Mama at humawak sa kanyang braso para umawat.
"Ma, huwag..." bakas sa boses ko ang pagmamaka-awa.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa kanyang braso. "Hindi, anak. Hindi ako papayag na tatratuhin ka ng ganito ng Papa mo. Handa akong nakipaghiwalay sa Papa mo kung iyon lamang ang paraan para protektahan kita." aniya ngunit ang tingin ay andun pa din kay Papa.

BINABASA MO ANG
How Was Your Day?
Любовные романыEveryday is a living hell for Goerge Alcona. Sigawan. Iyakan. Sigawan. Paulit-ulit. Walang pinagbago. Gusto niya lang naman makaranas ng kahit isang araw lang na kasiyahan, isang araw na pahinga. Sa biglang pagpasok ng isang lalaki sa storya ni G...