Karl: How was your day?
"How was your day?" Ano bang pinagsasabi nitong Karl na'to? Kilala ba ako nito? Siguro. Pero imposible naman siguro mangyari 'yun, diba? Kilala niya ako pero 'di ko siya kilala? Wrong send? Tama. Baka nagkamali lang ng pagsend ito. Teka...baka hindi rin. Kase kung wrong send, sa una palang dapat walang pag-add na nangyari. Tama? Tama! Ang pinagtataka ko lang ay...
Bakit siya nangangamusta?
Close ba kami? And what's with the question? Alam ba niya na may nangyari sa bahay namin? Narinig niya ba? Psh, imposible. Hindi naman namin siya kapitbahay kaya hindi niya maririnig ang nangyari kanina. Baka kilala niya ako at gustong makipagkaibigan? Eh, paano niya ako nakilala hindi naman ako sikat.
Argh!
Napakamot nalang ako sa batok. Napatitig nalang ako sa message niya. Kanina pa ako nagiisip ng pwedeng ireply sa message niya. Hindi ko kase alam kung ano ang sasabihin. Sasabihin ko ba na hindi okay ang araw ko dahil may nangyari sa bahay namin? Hindi pwede. Baka sabihin niya ang fc ko. Pwede siguro ang ireply ko ay Sino po ito? Hindi! Mas lalong hindi pwede. Baka sabihin niya na bobo ako eh nasa harap ko na nga pangalan niya.
Arghh! Ano ba ang pwedeng ireply sa'yo, Karl?
Teka... bakit ba ako nagiisip ng pwedeng ireply kung pwede namang i-seen nalang. Diba?
You replied to Karl
👍Ni-like ko nalang ang huling message niya. Napagdesisyunan ko na hindi i-seen kase baka sabihin seener ako. Pagkatapos masend ng like, nilapag ko ang cellphone sa table at nagsimulang ligpitin ang pinagkainan ko. Ako nalang magdadala nito sa kusina kase ayokong mapagod si Mama.
Ayoko sana kase andun si Papa dahil baka hindi pa humupa ang galit niya sa akin pero hindi naman pwedeng itrato ko ang sarili na parang kawawa. Hindi pwedeng iwasan ko siya kase imposible yun. Nasa iisang bubong kami kaya minu-minuto, magsasalubong kami. At kung magagalit na naman siya sa'kin, hindi na yun problema kase sanay na naman ako.
Dala ang pinagkainan ko, lumabas ako ng kwarto at bumaba na. Pagkarating ko sa sala, nakita ko si Papa na nanonoud ng balita. Alam ko na alam niyang nasa likuran na niya ako kahit 'di siya lumilingon sa gawi ko. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad papunta sa kusina.
"Sa kwarto ka kumain? Bakit, balda ka ba? Tss." napatigil ako sa paglalakad. Alam kong nakatingin siya sa akin kahit nasa likod ko siya.
Galit ka na naman, Pa.
"Parang prinsesa, ah. Ang lalaki mo naman masyado para maging prinsesa." sarkastikong sambit ni Papa na may panggisi.
Dahil dun, hindi ko napigilang humigpit ang hawak sa dala ko. Grabe. Kahit pa ilang ulit kong sabihin na kaya ko, na hindi ako magpapatinag sa mga sasabihin ni Papa, na hindi ko papansinin ang kanyang sasabihin, hindi ko parin mapigilang masaktan. Sanay na ako, oo pero ang sakit... ang sakit dahil sa sarili mo pang ama maririnig ang mga salitang iyon.
Na para bang nandidiri siya sa'yo.
"Pwede naman sa kusina ka kumain. Ang arte mo. 'Di ka naman babae"
Kunot noo akong bumaling sa kanyang direksyon matapos marinig ang huling sinabi niya.
Ha? Tama ba ang narining ko? Ang arte ko daw kahit 'di ako babae? Bakit? Sino ba ang nagsabi na para sa babae lamang ang pagiinarte? Sino ba ang nagsabi na hindi pwedeng maging malambot kahit minsan ang mga lalaki? Porket lalaki ba dapat brusko, ganun?
Ito ang mahirap sa atin ngayon, eh. Marami pa rin sa atin ang hindi maalam pagdating sa kung ano ang kagustuhan ng isang tao. Kaya marami sa atin ang hindi pa nailalabas ang tunay na kulay dahil nililimitahan ng pagiisip ng nakakarami sa aking ano ang bagay o gusto ng isang tao. Kung gusto nila ay ganito lamang para sa lalaki, dapat ganito lang. Dapat ganiyan lang.

BINABASA MO ANG
How Was Your Day?
RomanceEveryday is a living hell for Goerge Alcona. Sigawan. Iyakan. Sigawan. Paulit-ulit. Walang pinagbago. Gusto niya lang naman makaranas ng kahit isang araw lang na kasiyahan, isang araw na pahinga. Sa biglang pagpasok ng isang lalaki sa storya ni G...