03

13 1 0
                                    

TW: homophobia, violence

;











"Nandun... nakipag-away."

Wala na akong sinayang na panahon at nilagay na lang sa hagdan ang dala kong school supplies. Nauna si Aling Nena kaya kaagad akong sumunod para puntahan ang kinaroroonan ni Mama.

Ma...

Habang tumatakbo papunta sa kanya, hindi ko maiwasang kabahan dahil baka may masamang mangyayari sa kanya na maaaring hindi ko kayanin. At hindi ko rin maiwasang makaramdam ng konting pagtataka matapos marinig ang huling sinabi ni Aling Nena.

"Nandun... nakipag-away."

Nakipag-away? Kilala ko si Mama. Hindi siya ang klase ng tao na nangsisimula ng away. At kung siya man ang talagang nanguna sa away, 'yun ay alam niya na nasa tama siya. Na alam niya na karapat-dapat lamang na lumaban dahil may dahilan siya.

At sana hindi ako ang dahilan.

"Huwag ka nang bumalik dito, Marites!"

"Talaga, Gretta! Sino ka ba para bumalik ako dito?! Artista ka ba?!"

"Kapal talaga ng mukha mo--"

"Mas makapal pa ang mukha mo!"

Napahinto kami ng marinig ang malalakas na boses na ilang metro ang layo sa amin. Nakita ko si Mama na nasa harap ng tindahan ni Te Gretta, ang kaaway niya.

Pinapalibutan sila ng mga iilang tao na nakikiisyuso sa pangyayari. At sa dami nila, 'ni isa wala man lang umawat sa away.

"Sumusobra ka na, Marites!" galit na ani ni Te Gretta na kaagad dinuro ni Mama sa mukha.

"Ikaw ang sumusobra, Gretta! Nananahimik ang tao, binabastos mo!"

"Eh, totoo naman ah! Totoo naman na kaya nasisira na ang pamilya niyo dahil may anak kayo na bakla!"

Anak na bakla? Ako ba... ang tinutukoy niya?

At sa sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko nalang na sinampal ni Mama si Te Gretta sa pisngi na ikinabaling nito sa kabilang direksyon.

Galit na galit itong tumingin ulit sa direksyon ni Mama at mabilis na gumanti ng sampal. At dahil dun, kaagad sumugod si Mama kay Te Gretta at sinabunutan ito.

"Ma!"

Hindi na ako nag aksaya ng panahon at kaagad akong dumalo sa kinaroroonan nila Mama na ngayon ay nagpapalitan na ng mga salita at pananakit.

"Napakasama mong tao, Gretta!" rinig kong sabi ni Mama sa gitna ng kanilang pagsasabunutan.

"Ako pa ang masama?! Ha?! Eh, nagsasabi lang naman ako ng toto--Aray!"

"Ma! Tama na!"

Awat ko sa gitna nila. Pati si Aling Nena ay nakiawat na rin. May iilang mga tao rin na tumulong na sa pagawat. Pero kahit na ganun, hindi parin namin sila kayang ihiwalay.

"Totoo man o hindi, wala kang karapatan na tratuhin mo ang ana---Aray!"

Biglang hinila ni Te Gretta ng sobrang lakas na ikinaaray ni Mama.

"Te Gretta, tama na po!"

Pero hindi kaya ng simpleng saway ko para maghiwalay sila.

"Dapat lang ito sa Mama mo, noh!" aniya na pinandilatan ako at ibinalik ang tuon kay Mama. "At anong sabi mo, Marites?! Na binabastos ko ang anak mo? Ha! Bakit, babae ba siya?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How Was Your Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon