02

11 1 0
                                    

"Sa Lunes na pala klase niyo, noh?"

Tumango ako sa kanya. Nandito ako ngayon sa lamesa. Nasa tabi ko siya habang kumakain kami ng almusal. Sinabi ni Mama na wala raw si Papa kase maagang umalis para sa trabaho kaya inanyayahan niya na sa lamesa ako kumain.

Grade 12 na ako ngayong pasukan. Isa akong HUMSS student. Medyo kinakabahan na nga ako kase baka mabagsak ako at hindi makagraduate. Eh, hindi naman ako matalino kaya natatakot ako na baka may isang subject ako na hindi ko maipasa lalo na sa Practical Research 2.

Naalala ko pa na ang baba ng grado ko noon sa Practical Research 1. Hindi nga ako sumagot sa mga tanong ng mga panel kase wala akong masagot. Hindi naman ako bobo at mas lalong hindi ako matalino. Kaya ko namang umintindi, sadyang 'di lang talaga kaya. Baka dala na rin siguro ng kaba kaya ganun.

Pero kahit medyo kinakabahan, mas naexcite ako kase last school year nalang, ga-graduate na ako.

"Teka, may school supplies ka pa ba? Baka wala na, noh? Dibale, may lakad naman ako ngayon kaya isasabay ko nalang ang pagbili ng mga gamit mo."

Umiling ako sa sinabi niya. "Ako nalang, Ma. Kaya ko naman." Sabi ko. Baka kase gabihin pa siya sa lakad niya. Ayoko namang mapagod si Mama pag-uwi.

"Ganun ba? Eh, 'di sige. Magiiwan nalang ako ng pera bago ako umalis."

Mabuti nalang um-ok siya. At ganun nga ang nangyari. Nagiwan siya sa akin ng 1000 pesos na medyo ikinagulat ko kase sobra pa sa kailangan ko. Pero okay na siguro ang sobra kaysa sa kulang. Dibale, isasauli ko nalang ang matitira dahil baka kailangan nila Mama dito sa bahay ang pera.

Kasalukuyang hinuhugasan ko ang pinagkainan namin kanina. Si Mama kase sana ang maghuhugas pero sabi ko na ako na kase baka importante ang lakad niya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta dahil hindi naman niya sinabi. Pero ang alam ko ay every TTH siya lumalabas ng bahay.

Weird nga, eh. Parang naka schedule.

Dahil konti lang ang hugasin, kaagad akong natapos. Kaya dumiretso na ako sa CR para maligo. Mga dalawampu't limang minuto ang lumipas ay natapos na rin ako. Gustuhin ko man na magtagal pa sa CR kase ang sarap sa pakiramdam ng tubig, huminto na ako dahil natandaan kong may lakad pa pala ako.

Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng kwarto, nag-iisip ng susuotin. Hindi naman event ang pupuntahan ko pero mas maganda kung presentable ka parin tingnan sa labas.

Hindi ako marunong magfashion o 'di kaya mag experiment ng mga damit para sa aesthetic appeal kase 'di naman ako mahilig nun. Pero trina-try ko parin naman na magbagay-bagay ng mga damit. Grey T-shirt na may maliit na print ng brand sa upper right side sa may chest part at grey cargo shorts ang napili kong susuotin.

Umalis na ako sa bahay pagkatapos ko malamamin. Habang tinatahak ko ang daan papuntang sakayan, inaasahan ko na na ang mga tao na nakakakilala sa akin ay pinagtitingan ako.

Mula ulo hanggang paa. Paulit ulit.

Rinig ko ang kanilang mga bulungan. Hindi rin nakatakas sa akin ang mga mata na may sinasabi. Mga tawanan ng mga taong nagkukumpulan, asaran ng mga kabataan, at mga kwento na patungkol sa mga taong ayaw nila, sa mga taong para sa kanila ay may mali... at isa na ako doon.

Hindi ko na lamang pinansin at itinuon ang atensiyon sa daan.

Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa sakayan. Sa wakas. Parang outer space ata dinaanan ko, eh. Hindi ako makahinga. Mabuti naman at may nakita kaagad akong tricycle ay agad akong pumara. Malapit lang naman ang Paper Maker Shop kaya ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na ako.

Pagkapasok ko...

Huh?

Sumalubong sa akin ang tahimik na Shop. Tanging ang mga staffs na naguusap at ang ceiling fans lamang ang gumagawa ng ingay.

How Was Your Day?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon