EPILOGUE

111 5 4
                                    

And the last, Epilogue. Kahit naman short story may karapatang mag Epilogue diba? :))

Please click the video at the side --------------> Para mas matindi ang feelings. HAHA! May ganon? 

-------------------------------------------------------------

[Kathryn's POV]

June 03, 2013. Tomorrow is our first day of school of being a college student. Well, napagkasunduan namin ni Kenneth na kahit hindi kami parehas ng papasukang school, dapat lagi kaming magkikita after ng klase. Pero kung may sapat namang dahilan na hindi makakapunta, iintindihin namin ang bawat isa. Dahil nga sa mahirap lang akong tao, sa public university lang ako mag-aaral. Pero hindi naman lahat ng public universities walang quality eh. Alam kong sa papasukan kong school, high quality dun at magaling magturo ang mga teachers. While si Kenneth, sa private. Pinipilit nga niyang mag publi na din eh, kaso lang ayaw ko talaga na maging dahilan ako ng pagbagsak niya. Mahirap na, baka masisi pa ako ng parents niya. 

Nagbebenta ako ng street foods tuwing bakasyon para makatulong naman ako sa mga grandparents ko sa pagpapa-aral nila sakin. Matagal na kasing patay si Mama at wala si Papa, kaya sa kanila na lang ako lumapit. Buti nga nandyan sila, at handang tulungan ako, nung walang-wala na talaga akong pag-asa. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanila, kaya love na love ko yang lolo't lola ko.


Today is my first date with Ken. Medyo kinakabahan nga ako kasi first time may nag-alok saking makipagdate. Akalain mo yun, sa tanang buhay ko, akala ko wala akong kwentang tao, bigla na lang dumating yan si Kenneth at ipinaramdam sakin na lahat ng tao sa mundo ay may halaga. At narealize kong tama nga siya. Kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, hahannapin ko yang si Papa kung san man siyang sulok ng mundo nagtatago. Kahit anong mangyari, gusto kong maramdaman na may halaga naman ako sa kanya. Kahit kaunting halaga lang na galing sa kanya, masaya na ko.

Pero sana maging masaya ang araw na 'to at sana pati din sa kanya.

HELP ME GOD. (CROSS FINGER)

[ENCHANTED]

First naming sinubukan yung Anchor's Away. Grabe tinitignan ko pa lang yung mga nauna samin, natatakot na ko. Nung matapos na yung pagswing nung Boat, mas lalong lumakas yung tibok ng puso ko.

Sabi pa ni Kenneth dun daw kami sa pinakadulo pumwesto para daw may thrill. Pero syempre nagpakita ako ng katapangan. Ayaw ko ngang maging mahina sa paningin niya.

Nagstart na yung pagswing nung Anchor's Away.

Nung una medyo nakakatakot pa lang. Pero nung sobrang lakas na, na halos madisconnect na yung bunganga ko sa sobrang lakas ng pagswing, hindi ko na talaga kinaya ang pagiging matapang.

" WAAAAAAAAAAAAAAAA ~ ! " nagulat naman ako nung sabay kaming sumigaw ni Kenneth. Ahy tae! Parehas lang pala kaming nagtatapang-tapangan dito eh.

" WAAAAA!!! Ayoko na!! " sabi sakin ni Kenneth

" AYOKO NA DIN!! WAAAAAAAAAA! " pagkasigaw ko nun, bigla namang hinawakan ni Kenneth yung kamay ko.

Parang mahuhulog yung puso ko, GRABEEEE~!!

" KATHRYN!!!!!! "

" BAKITTTTTTT??!! "

" MAHAL KITAA!! "

" MAHAL DIN KITAA!! " kilig naman ako >__< XD

" KELAN MO BA KO SASAGUTIN?! " nagulat naman ako nung tinanong ni Kenneth yun. Oo nga, kelan ko ba siya balak sagutin? Halos isang buwan at ilang days niya na akong nililigawan ha. Hindi ko pa kasi iniisip ang tungkol dito kaya hindi ako prepared nung tinanong niya yan sakin. Mas lalo tuloy bumilis yung tibok ng puso ko.

" SPEECHLESS OVER THE EDGE AND JUST BREATHLESS, I NEVER THOUGHT THAT I CATCH THIS, LOVE BUG AGAIN ♪ " natawa naman ako nung kinanta yun ni Kenneth. Love Bug yun by Jonas Brothers, my favorite singers. Alam niya na yun kasi nga halos araw-araw na kaming magkasama eh.

" OO!! " bigla namang siyang tumingin sakin.

" WHAT? "

" WALA NG ULITAN. KUNG HINDI MO NARINIG, BAHALA KA NA!!! " bigla naman siyang nangiti sa sinabi ko

" 03 IS OUR MONTHSARY AND JUNE 03 IS OUR ANNIVERSARY. WAG MONG KAKALIMUTAN YAN HA?! I LOVE YOU KATHRYN!! " nginitian ko naman siya

" OO NA, PROMISE! ENGLISH-ENGLISH KA PA JAN E?! I LOVE YOU TOO! " then we both smile.

Pinakatatandaan natin na hindi porket mahirap tayo at mayaman ang taong gusto natin ay hindi na pwede. Hindi tayo magnet para magrepel, dahil lang magkaiba ang estado natin sa buhay. Tao tayo. Ewan ko na lang sayo kung ano ka. Haha, biro lang. Ito lang ang mapapayo ko sayo, kung talagang mahal mo, ipaglaban mo. At kung ayaw talaga ng buong mundo na maging kayo, aba, pilitin mo. ~

                                                                 ~~ THE END ~~

----------------------------------------------------------------------------------

All stories have their own style of how they will end their story. It can be sad, in pain, in anger, in love or just simply in the happiest way it can be.

                                                                                        -- ms. writer

---------------------------------------------------------------------------------

Syempre unang-una, thank you ng walang katapusan!!! Salamat sa pagsubabay sa buhay ni Kenneth at Kathryn!! Alam ko kinilig kayo, ako rin hahaha! First story ko 'to at natapos ko kaya sobrang saya ko. Madami na ring nagbabasa kahit paano, kaya dagdag inspirasyon XD May God bless you all for making the writer so, so happy! <3 Yun lang, thank you!

Please support my other stories too! Thank you! :*

- TheDespicableGirl ♥

FIVE DAYS OF KNOWING HER (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon