Kung nung kahapon ng umaga ang saya-saya ko, ngayon parang lahat ng kalungkutan at sakit ng ibang tao nahigop ko na.
Kelan ba 'to mawawala? Ngayon ko lang 'to naramdaman eh. Ayaw ko ng ganito. Kayo ba? Na-feel niyo na din ba 'to? Yung pakiramdam na parang madudurog na yung puso mo sa 'di mo alam na kadahilanan tapos yung ulo mo naman e konting kembot na lang e sasabog na sa sakit?
Nandito ako ngayon sa lugar nung girl na yun. May dala akong boquet of flowers para sa kanya. Nagbabakasali lang na sana batiin niya na ako agad. Ideya niya rin kasi 'to dati, para daw magbati kami agad ni Mama. Sana tumalab 'to sa kanya at sana dumating na siya.
--
Matagal akong naghintay para lang makita siya. Pero hanggang ngayon, 'di pa rin siya dumadaan dito.
Sinasadya nya ba 'to? Sana naman hindi. Gusto ko na sanang magkabati kami at masabi na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.
Alas-10 na ng gabi but there's no sign of her. Iniwan ko na lang yung boquet of flowers para naman makita niya 'to kung sakali mang mapadaan siya dito mamaya. Umuwi na agad ako ng bahay para kumain.
--
"Nakakagutom," sabi ko habang kumukuha ng pagkain.
"Hindi ka ba kumain ng tanghalian anak?" Tanong ni Mama sakin.
"Ah eh, kumain naman, pero nagutom pa din ako eh. Sarap kasi nitong beef steak niyo Ma." Pambobola ko pa kay Mama para naman hindi siya magtaka. Pero masarap naman talagang magluto si Mama, pramis cross my heart hope you die!
"Ganun ba? Marunong ka ng mambola ngayon ha," sabi niya sa'kin habang nakangiti, halatang natutuwa sa sinabi ko. Napangiti na lang din ako.
Tahimik ang lahat habang kumakain. Yung tipong mga tunog ng kutsara't tinidor lang yung maririnig mo.
Bigla ko tuloy naalala yung babaeng yun? Bakit ba kapag tahimik naaalala ko siya? Kamusta na kaya siya? Dumaan kaya siya dun sa lugar niya? Sana nakita niya yung flowers na iniwan ko para sa kanya.
"Anak ayos ka lang ba? Bakit parang nabagsakan ng langit at lupa yang mukha mo?" Nagulat naman ako nung biglang magsalita si Mama.
"Kuya Ken are you okay?" Tanong naman ni Kesha.
"Y-yes Kesha, I'm fine. Don't worry about kuya okay?" Sabi ko sabay ngiti. Nginitian niya rin ako, labas pa dalawa niyang ngipin sa harap.
Nung matapos na kaming kumain, dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Inilumpasay ko ang katawan ko sa kama and then I close my eyes.
When will I be able to see you again?
--
BINABASA MO ANG
FIVE DAYS OF KNOWING HER (COMPLETE)
Cerita PendekFive days of knowing her. Oo, five days lang. Hindi taon, hindi buwan, at lalong hindi isang linggong pag-ibig. Ito ang story nina Kath at Kenneth na nagsimula sa isang insidente na hindi inaasahan. Ang limang araw ba ay sapat para makilala nila ng...