Kabanata VI

8 4 0
                                    


Habang nag iimpake ako ay naririnig ko na parang may tao or mga tao sa labas ng bahay, hindi ko na pinansin yun at pinagpatuloy ang pag aayos ng gamit.

Hinahanap ko yung phone ko, saan ko ba nailagay iyon?

Nakita ko yun sa may upuan katabi ng pinto, kukunin ko na sana pero may ibang kamay ang kumuha nito.

Napa atras ako dahil sa takot ng makita ko si Tina. I think, I was traumatized about my dream earlier.

"T-tina? Bat ka nakapasok?" Tanong ko.

"Hindi po naka lock ang pinto" sabi niya at lumapit sa akin, hindi na ako umatras, bata lang yan Lara. Wag ka matakot.

Hindi ko pinahalata na natatakot ako sa kaniya kaya pinilit kong ngumiti.

Binigay niya yung phone ko at kinuha ko naman kaagad. Bumalik na ako sa kwarto para kunin ang bag pero napahinto ako ng magsalita siya.

"Kuya Alvin" sabi niya. Nagulat ako ng marinig ko yun. Agad akong lumapit sa kaniya at lumuhod para magkapantay kami ng height.

"Kilala mo siya?" Agad na tanong ko. Almost 1 year nang nawawala si Alvin. Hindi ko alam kung nakipagtanan ba siya or .. or buhay pa ba siya.

"Wala na siya" walang emosyong sabi niya, hindi malungkot, hindi masaya at hindi rin galit. Blangko ang ekspresyon niya.

"Saan siya pumunta? A-alam mo ba? Sinabi niya ba sayo?" Deri-deritso kong tanong pero hindi na siya nakasagot ng pumasok na din si Margarette.

Hindi ba alam ng mga tao dito sa Claveria ang pagkatok bago pumasok?

"Sorry to interrupt, Lara kailangan ang iyong presensya sa labas hija." Nakangiting sabi niya, hindi na ako nagtanong kung bakit, gusto ko makita kung bakit ako kailangan sa labas.

Hinawakan ko si Tina at sabay kaming lumabas, maraming tao sa labas.

" A-ano pong meron? " Tanong ko kay Margarette

" Pinatawag sila ni Arnaldo, may mahalagang announcement daw. " Sabi niya at pumunta naman sa harap ko si Kapitan, ano bang nangyayari? Naguguluhan na ako.

Please! Somebody explain?

" Mga mamamayan ng Baryo Claveria magandang umaga. Pinatawag ko kayong lahat para ibigay ang napakahalagang balita." Tumingin siya sa akin and he offer his hand to mine. Inabot ko yun kahit nalilito ako, ngayon naka tayo na ako sa tabi niya sa unahan ng maraming taong hindi ko kakilala.

"Si Lara, siya ang magiging kapalitan ni Maxine, kaya tulongan natin siyang maging maayos hanggang sa darating na parada!"

Huh? Sandali lang, sa pagkakaalaam ko, hindi pa ako pumayag na maging Reyna Elena nila.

Bakit ba sa akin nila ipinipilit ang pagiging isang Reyna na yan.

"Pero kap-" bulong ko pero pinatigil niya ako sa pagsasalita. Hindi na rin muna ako umangal at sumakay na muna sa gusto niya.

Yung ganitong annouoncement lang? Kailangan pa nilang pumunta dito?

Nag uusap kaming tatlo ngayon nina Kapitan at Margarette.

"Ang totoo po kasi nyan Kap, paalis na po sana ako dito, balak ko na po sanang bumalik sa Manila." Pagpapaliwanag ko sa kanila at kinamut yung mark sa may batok ko kasi medyo makati siya.

"Ganun ba? Pano na yan? nasabi na namin kanina sa boung nayon,  inaasahan ka nila."  Sagot ni Margarette. Lumapit siya sa akin at hinawakan yung kamay ko, hinawi niya yung buhok ko sa may tenga at bumaba yung kamay niya sa batok ko.

"Sige Lara, maghahanap nalang kami ng papalit sa'yo" nakangiting sabi ni Kapitan.

"Arnaldo!" Pagsaway ni Margarette sa kaniya.

"Alam mo kasi minsan lang kami magkaroon ng dayo dito at binibigyan namin sila lagi ng chance na mag enjoy para bumalik pa sila ulit." sabi ni Margarette.

" Pagpasensyahan mo na tong kakulitan ni councilor, mapilit talaga yan!" Sabi ni Kap.

" Pero wala po akong gown na dala."

" Don't worry hija, may damit ako. Actually sa anak ko yun, kaya lang wala pa siya ngayon dito eh." Sagot ni Margarette.

Well, I guess there's no turning back. Wala na akong magagawa since ayaw din naman ata nila akong payagan.

" Please, pwede kahit kinabukasan ng parade ka na umuwi ng Manila." Dagdag ni Margarette at nakatitig lang siya sa aking mga mata.

" Okay " tipid kong sagot.

Dahil pumayag na akong maging Reyna Elena ay umalis na ang mga tao pati sina Kapitan at Councilor. Naiwan naman si Tina, wala ata siyang balak umuwi sa kanila.

"Tina, baka hinahanap ka na ng mga magulang mo" Sabi ko sa kaniya. I'm still afraid of her.

Tumingin siya sa akin ng masama. Ano na naman? Ano ba? Gulong gulo na ako dito.

"GINALIT MO SILA! GINALIT MO SIYA!" Sigaw ni Tina.

Ayan na naman siya. Nakakatakot na naman yung mukha niya.

" Tina, ano bang pinagsasabi mo?"

" Ginalit mo sila! Magdasal ka na Lara!" Sabi niya, kinalibutan ako sa sinabi niya kasi after niyang sabihin yun ay ngumiti siya bago umalis.

"Larahhhh~" Dinig ko may bumulong. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses pero na agaw ng bundok asto ang atensyon ko.

Pumunta ako dun ng mag isa, hindi ko alam pero parang gustong gusto ko talaga pumunta doon.

Nang makarating na ako dun ay nilibot ko ulit ang punong kahoy, dahil umaga ngayon ay mas nakikita ko ang mga pagkain at gamit na andito, andami pala.

Sa pag iikot ko ay may nakita akong isang familiar na bagay, nilapitan ko ito to make sure na yun nga ang nasa isip ko.

"Alvin?" Sabi ko nang nalaman kong kay Alvin nga ang kwentas na iyon, it was my gift to him nung birthday niya.

Sigurado akong sa kaniya ito, dahil pinasadya ko talagang ipa carve ang letter L&A .

Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung luha ko. Kinuha ko yung necklace at pinunasan ko yun at naglakad na pabalik sa bahay, pagbaba ko ng bundok ay hindi ko napansin yung bato na nakaharang kaya natalisod ako at gumulong pababa.

Masakit yung katawan ko sa pag gulong pero wala akong bruises? Maliban sa isang sugat sa paa.

Pinilit kong tumayo at nagulat ako ng may kamay na biglang humawak sa akin.

"David?" Sabi ko at inalalayan niya ako patayo.

I wonder, kung sino nawawala kanina sa announcement, siya pala.

"Hi, pinuntahan kita sa inyo pero wala ka, akala ko umalis ka na." Sabi niya at sumakay sa motor niya.

" Kaya mo bang umangkas? " Tanong niya,

Ohh, really? Instead of asking if I'm okay. Yan talaga tinanong niya. Haysss.

Umangkas na ako sa motor at nagpatakbo naman siya.

" Sa baranggay hall tayo, para magamot yang sugat mo " sabi niya.

Hindi na ako umangal dahil medyo mahapdi din yung sugat sa paa ko.

















***********************
Thank you.......

Echoes From The HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon