Kabanata V

5 4 0
                                    


Tiningnan ko yung oras dahil hindi ko napapansin na malapit na palang gumabi.

5:23 na pala, tumayo na ako sa kama at nag prepare ng makakain.

Habang kumakain ako naisipan kong i'check ang shop sa Manila, but when I checked my phone, yeah. Wala nga palang signal dito, nag wo-worry din ako and I just want to make sure that the shop's doing great.

Binalik ko na yung phone sa lapag at kumain na, maya maya naman may narinig akong kumatok.

"Sino yan,?" Tanong ko at sumubo ng isang subo bago tumayo. Hindi siya sumagot, instead kumatok siya ulit ng tatlong sunod.

Pinagbuksan ko na siya ng pinto, madilim sa labas pero wala talaga akong makita or maaninag na tao.

Pag sara ko ng pinto ay may pumasok na isang napakalamig na hangin to the point na nagsitayuan ang mga balahibo ko, creepy.

Naramdaman kong may humawak sa tenga ko.

"Umalis ka!" Bulong nito, napa atras naman ako at tumingin sa likuran ko, wala naman akong nakitang tao.

"Sino yan? Asan ka?" Sabi ko, hindi na nakakatuwa yung pag t'trip nila, una yung pagpasok ng mga bata sa bahay, ngayon naman ito?.

"Lara, Hey." Sabi ng isang lalaki, nagulat ako ng tawagin niya ako. Si David.

"D-David? A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya at tiningnan kung may ibang tao ba sa labas.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya, nag tataka siguro siya kung bakit parang balisa ako at palingon lingon sa labas, lumingon din siya sa labas to check what I've been looking for.

"I'm fine, nothing. Pasok ka." Sabi ko nalang at bumalik na sa mesa para bumalik sa pagkain.

"So? Let's go?" Tanong niya bigla, what the heck? Saan naman kami pupunta ng ganitong oras? May bar ba dito? Mall? Or restaurant? Wala. Then, where the hell are we going?

Tiningnan ko lang siya sa mga mata niya.

"Why?" Tanong niya na nakakunot ng noo.

"Gabi na David, and where the hell are we going? May pasyalan ba dito?" Tanong ko sa kaniya saka tinapos ang pagkain, nilagay ko sa kusina ang pinggan, sumunod naman siya.

" Sorry. I mean sa bundok asto. Let's go. Mas maganda kasi doon kapag gabi." Sabi niya.

Ahmm, ganun? Kaya lang dapat ba siyang pagkatiwalaan? Who the hell is this man?

Oh my ghaddd!

" Wait, you are a stalker. Pati ba naman dito? Sinundan mo ko? Ano, anong balak mong gawin sakin? Galit ka pa rin ba dun sa incident sa shop,? Then sorry." Nag  pa'panic na sabi ko.

" Wait no! Stop! Okay? Kumalma ka nga, The- captain- sabi kasi ni kap, mas maganda daw kung gabi kita dadalhin doon sa bundok. Yun yun. Wag ka ngang assumera!" Sabi niya at tumalikod na para maglakad papunta sa sala.

"Okay, saglit lang. I'll gonna change lang!" Sabi ko naman at dali daling nagbihis.

Nagbihis na ako at nagsalamin muna ofcourse. Napaigtad ako ng may nakita akong parang shadow ng tao or something black na hugis tao sa may likuran ko. Nilingon ko naman kaagad iyon at wala naman akong nakita.

Umalis na ako at niyaya si David na umalis.

Pumunta na kami sa motor niya. Sa gitna ng way namin papunta doon ay biglang nag sway yung motor, muntik pa kaming matumba pero buti nalang nabalance kaagad ni David yun. Bumaba na muna ako, ganun din siya.

"Fucking shit!" Sabi niya ng makitang flat ang gulong ng motor niya. Kaya naglakad nalang kami papunta dahil hindi na rin naman malayo ang bundok asto.

Tahimik ang lugar, you can hear the sound of nature, the crickets and the owl. Kahit na natatakot ako, pinag patuloy ko pa rin ang pag punta sa bundok asto.

"May hiniling ka na rin ba sa bundok na iyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala pa, hindi ako humihiling diyan. I only believe- " sabi niya sabay turo sa taas. Okay sooo religious.

" So hindi ka naniniwala sa miracle na nangyayari dito sa bundok asto?" Tanong ko ulit sa kaniya.

" Dati" Tipid niyang sagot at nauna nang naglakad.

"Sandali" sabi ko, huminto naman siya at nilingon ako, pero dahan dahang nag iba ang mukha ni David, para siyang binabalut ng mga ugat ng kahoy at may mga dugo na lumalabas sa katawan niya para bang pinipiga siya ng mga ugat.

" Tulong!" Bulong niya.

" Hey!" Naibalik ako sa katauhan ko ng tapikin niya yung balikat ko.

" D-david" sabi ko at dumistansya sa kaniya.

" Okay ka lang ba talaga? Nakatulala ka na naman eh!" Sagot niya. Nginitian ko nalang siya at naglakad na papunta sa bundok.

Nakarating na kami sa tuktok at nakita ko na may mga pagkain or mga anong gamit ang mga nandito, nakapalibot sa puno ng kahoy.

Nag iisang punong kahoy ang nasa toktok ng bundok.

"Karamihan ba sa baryo niyo ang naniniwala sa himala dito?" Tanong ko habang nakatingin sa mga pagkain at gamit na nandito.

"Halos lahat" sagot niya.

May nakita akong alitaltap at iniangat ko yung kamay ko para dapuan ng alitaltap, lumapit naman ito at dumapo sa isang daliri ko.

"Ang cute" sabi ko na sinang ayonan naman ni David. Maya maya pa ay dumami na ito at napakaganda niyang pag masdan.

Dahil palalim na ang gabi ay umuwi na kami. Pag ka uwi ko ay humarap na ako sa loptop para magsulat.

Inaantok na ako pero tinapos ko lang yung sinulat ko, nakita kong pumasok sa kwarto si Tina.

"Tina? A-anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" Tanong ko, hindi siya sumagot pero tumawa lang siya habang lumalapit sa akin.

"Tina-" natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang kutsilyo sa kamay niya.

Narinig ko na may pumasok sa bahay at nagulat ako sa nakita ko, si Alvin dala yung mga gamit niya pero may bago sa mukha niya may tatoo na siya sa leeg.

"Babe, Lara-" Sabi ni Alvin habang papasok.

"Babe dyan ka lang!" Sigaw ko pero huli na dahil nang makalapit siya sa amin ay agad siyang sinaksak ni Tina.

Sumigaw lang ako ng sumigaw, gusto kong lapitan si Alvin pero hindi ako makagalaw. Sinasaksak ng paulit ulit ni Tina si Alvin maraming dugo ang tumalsik sa kung saan.

Maya maya pa ay tumigil na siya at humarap sa akin.

"UMALIS KA DITO!" Sigaw ni Tina.

Sa sobrang takot ko ay napa atras na ako at sumigaw.

Nahulog ako sa upuan na inuupuan ko. Nasisilaw ako sa sinag ng araw. Isang panaginip. Nakatulog pala ako kagabi habang nag susulat. Nang tingnan ko ang laptop para isara ay nabasa ko ang tanging naka sulat lang doon. "LEAVE OR DIE".

Naramdaman kong makati yung batok ko. Kinamot ko yun pero naramdaman kong dumugo ito, agad akong kumuha ng tissue para punasan ito.

Tiningnan ko sa salamin kung gaano ka laki ang sugat pero nagulat ako sa nakita ko, isang mark hugis triangle. Katulad ng tatoo na nakita ko kay Alvin sa panaginip ko.

Tumayo na ako at niligpit ang gamit ko at nag impake.

Buo na ang desisyon ko, I'm sorry Alvin but I need to go. I need to leave.

















****************************
Thank you.....

Echoes From The HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon