Habang abala ako sa pagligpit ng gamit ko ay napansin kong parang may ilaw sa tuktok ng bundok asto. Binuksan ko ang bintana para mas makita ko ng malinaw.Hindi pala ilaw iyon, kundi isang apoy. Unti unting lumalaki ang sunog nito.
"A-anong nangyayari?" Tanong ko dun sa kapitbahay ko na lumabas din para tingnan ang sunog.
"Malapit na!" Sagot niya sa akin ng nakangiti. What the fuck! Anong nangyayari? Ganun lang sagot niya?
Ibabalik ko na sana pagsarado ang bintana ng marinig ko ang isang familiar na boses.
"Ate Laraaaaa" sigaw ng isang batang babae, si Tina.
Hinanap ko siya kung saan ko man siya makikita pero wala akong nakitang bata dito.
Habang lumalaki ang liwanag ng apoy sa bundok ay nakikita na ang isang bata na nakagapos puno.
"Tina?" Sabi ko nalang sa sarili ko. Isinarado ko ang bintana at agad na umalis para pumunta sa bundok, tinakbo ko ang madilim at masukal na daanan para makarating kaagad doon.
Hanggang sa malapit na akong makarating sa tuktok.
Hindi na ako nakatakbo dahil sa sobrang pagod, nilakad ko ang daan palapit kay Tina.
Tiningnan ko ang paligid pero wala akong nakitang ibang tao. Wala man akong makitang tao, alam ko kung sino ang may gawa nito.
"Margarette!" Ungol ko at lumapit kay Tina, napaka walang hiya niya talaga! Anong kasalanan ng bata? Bakit niya ginawa sa kaniya to?
Tinanggal ko ang nakatali sa kaniya at tinanggal ko din ang naka salangsang sa bibig niya.
"Ate, sorry." Umiiyak pa rin siya habang nagsasalita, pinatahan ko siya at niyakap para pagaanin ang loob niya.
Kumalas ako sa yakap at tumayo,
" Ate Lara!" Sigaw niya at maya maya lang ay naramdaman ko ang matigas na bagay sa ulo ko, biglang kumalat ang paningin ko at nawalan ng lakas ang buong katawan.
Sa dahan dahan kong pagbagsak sa lupa ay siya ring pag kawala ng aking paningin, ang huli kong nakita ay si Tina habang umiiyak at pinipigilan ng dalawang lalaki.
Pag dilat ko ay nasa madilim na lugar ako, wala akong makita sa sobrang dilim.
Kinapa kapa ko yung paligid para sana ma familiarize, pero wala akong mahawakan.
"He-hello? M-may tao ba diyan?" Nauutal kong pagtawag sa kung sino or ano ang nandito.
Natatakot ako, pero kailangan ko lang lakasan ang loob at naglakad ako ng dahan dahan.
Maya maya pa ay biglang may bumukas na ilaw at naka aim ito sa akin, tinakip ko yung kamay ko para ma alis yung silaw sa mata ko.
"Ahmm, a-asan ako?" Sigaw ko ulit pero walang nagsalita.
"Larahh~"
"AHHH!" Sigaw ko ng marinig iyon sa malapit sa tenga ko.
"Laraaa" sabi niya ulit at nag e'echo sa pandinig ko ang sinabi niyang iyon.
"Ano ba! Tigilan mo na'ko!" Sigaw ko at nagpalingon lingon kung saan ko siya pweding makita pero wala talaga akong makita.
"Talaga ba?" Sabi niya at naramdaman ko ang paghawak ng madudugong kamay niya sa balikat ko at ang boses niya ay naramdaman ko sa may batok ko.
Napasigaw ulit ako at tumakbo, kinapa ko yung balikat ko at buti nalang ay wala na siya.
"Lara"
"WAHHH!" Sigaw ko ng maramdaman ko ulit yung paghawak niya sa kamay ko.
But the voice and the hand are like of humans.
Bigla naman nag ilaw at nakita ko si Alvin.
"Alvin" sabi ko at hinawakan siya sa pisngi.
Ngumiti lang siya at hindi na sumagot.
Naglakad siya sa kung saan man at sinundan ko lang siya, I just really missed him so much.
Naluluha ako habang sinusundan siya sa pag lalakad, habang naglalakad ay maigi ko lang siyang pinagmasdan.
"I just want to say that I love you, no matter what." Sabi niya habang nakatingin sa akin at bigla nalang nag iba ang paligid mula sa sobrang dilim ay naging isang maliwanag na sinag ng buwan at nasa bundok asto kami.
Nakita ko si Alvin na tumatakbo sa kagubatan habang humihingi ng tulong, pero andito rin siya sa tabi ko ngayon. Pinapanood namin ang sarili niya.
"Pagmasdan mo lang babe." Sabi niya kaya binalik ko na ang tingin sa nakikita ko.
Sa pagtakbo niya ay bigla siyang nahulog sa malalim na bangin, tumama ang kaniyang ulo sa bato at nawalan ng malay.
Napasinghap ako sa nakita ko, what happened? What's happening?
"Just watch babe" sabi niya ulit kaya binalik ko ang tingin sa paligid.
Kanina ay nasa madilim na kagubatan kami, ngayon ay nasa puno na kami ng bundok asto.
Nakatali doon si Alvin, walang malay pero buhay pa at walang ka alam alam sa nangyayari sa paligid niya.
Nakita kong may mga tao na may mga hawak na kandila at isa isa nilang inilapag ang mga kandila sa lupa.
"Anong ginagawa nila?" Tanong ko pero hindi rin ako sinagot ni Alvin.
Maya maya lang ay may dumating na iba pang tao at isang kulay asul na kotse.
Binuksan ng mga tao yung sa backseat at kinuha ang isang bagay, I don't know, bangkay or tao or what! Hindi ko ma recognize ang kinuha nila mula sa backseat at dinala iyon sa harap ni Alvin.
Nagsimula na silang mag sipag sigaw, at maghiyawan. Sinasaktan din nila ang mga sarili nila.
Anong ginagawa nila? Yan lang ang palaging tanong ko sa isipan.
"Wala ka nang oras Lara! Kailangan mong mabuhay! Tumakas ka at umalis! Umalis ka Lara!" Sigaw niya at dahan dahan na siyang nagiging abo.
"HINDI!" Sigaw ko at hinawakan siya ng mahigpit.
Nakuha ko yung sout niyang singsing it's our couple ring. Umiiyak pa rin ako habang nakahawak sa kaniyang abo.
Maya maya pa ay may isang malaking boses ang maririnig, parang isang hiyaw ng hayop o halimaw.
Ng marinig ng lahat ang malakas na growl na yun ay tumigil sila at tumayo. May dalawang tao ang kumuha kay Alvin.
Tinanggal nila ito mula sa pagkakagapos sa puno at dinala sa hindi kalayuan.
Nakita ang isang babaeng may tinanggal siya sa lupa isang, hidden door ng malaking butas.
Nakilala ko ang babaeng nagbukas ng pinto at nagulat ako kung sino, si Margarette.
Nang mabuksan na ang pinto ay hinulog na nila si Alvin sa butas na iyon at nakita ko mismo ang isang parang galaway ng halimaw na lumagpas sa pinto, sinalubong nito ang hinulog na katawan ng tao.
Agad nila itong sinarado, at nagulat ako ng makitang nakatitig na silang lahat sa akin.
Nakikita ba nila ako? Ano to? Lalo akong kinabahan ng dahan dahan na silang lumapit sa akin.
"HINDIIII!" Sigaw ko at nagising ako sa isang upuan na inaalsa ng mga tao. Nakagapos ako sa isang upuan habang nakasuot ng isang bestidang puti, at nakasunod ang maraming tao para bang may isang prosesyon na nagaganap at ako ang kanilang deboto.
***************************
Thank you.
BINABASA MO ANG
Echoes From The Hill
HorrorA writer has been interested in the town of Claveria dahil sa mga naririnig niyang theory patungkol sa mga kahilingan sa bundok Asto na tinatawag. Sa kaniyang pananatili ay may masasaksihan siyang tatakot sa kaniya. Hindi siya maka alis dahil mayro...