Pinatay nila si Alvin at marami pang iba silang nabiktima! What the hell is happening here? What are they doing to us?
Hindi ko maintindihan kung para saan ang mga pagpatay na nagaganap. Fucking shit! They are a fucking cult. Ano ba tong pinasok ko? How am I gonna survive here? Is this gonna be the end of my fucking life?
Nang magising ako habang ina alsa nila ang inuupuan ko, namin, nasa harapan ko naman nakaupo si Margarette na parang isang psychotic na naka ngisi lang.
Siya siguro ang leader ng cult na'to. Tumingin ako sa likuran at nagulat ako ng makita ang maraming tao na nakasunod sa amin, lahat sila may dalang kandila.
Gusto kong umalis sa pagkaka upo pero hindi ko magawa. Nakatali ang mga kamay ko at maging ang aking mga paa. May takip naman ang bibig ko. Is it even necessary? Malinaw naman na halos lahat sila ng kababayan niya ay kasali sa cult na to!
How about David? Agad kong hinanap si David, I'm sure he's somewhere near me, pero hindi ko siya makita.
Well, ano pa bang inaasahan ko? Tita ni David si Margarette, ofcourse kasali siya sa kulto na to, pero sana nga hindi, sa kanya lang ako pwedeng humingi ng tulong.
Napansin kong may parang isang malaking kahoy sa gitna namin ni Margarette. Wait, no! Isa itong ataol.
Tinanggal na ni Margarette ang takip sa bibig ko at saka nagsalita ng nakangisi.
"Saglit na lang Lara, malapit na!" Sabi niya.
" Anong gagawin mo sa'kin? Pakawalan mo'ko." Galit na sabi ko sa kaniya habang nagpupumiglas sa pagkakagapos.
"I'm sorry but I can't do that dear"
"Where the hell are we going? Saan mo'ko dadalhin?" Tanong ko sa kaniya.
"Dito." Sabi niya at inalpag na ang sinasakyan naming parang balsa.
Dito, sa bundok asto. Sa tuktok ng bundok asto, kung saan nila pinatay si Alvin at ang iba pa, at dito rin nila ako papatayin.
" No" natatakot kong sabi,
Nakita ko na may ibang mga tao or multo sa hindi kalayuan, hindi sila makalapit or natatakot silang lumapit sa amin, maging si Alvin ay nandun.
" No please," ulit ko at hinawakan sa kamay si Margarette, ayaw ko pang mamatay. I have a lot of plans.
"Lara, naniniwala ka ba sa wishing well?" Tanong niya at hinawakan ako sa magkabilaang pisngi to look her at eyes directly.
Hindi ako makasagot o makapag isip ng matino. Natatakot ako at kinakabahan. Hindi ko mapigilan ang luha na lumabas sa aking mga mata.
"DALHIN NA YAN!" Sigaw niya dun sa dalawang lalaki, lumapit naman sila sa akin at binuhat papunta sa malaking puno.
Lara mag isip ka ng paraan, kailangan mong makatakas. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Alvin, makakatakas ako. Habang tinatali nila ako sa puno ay hinanap ko si Alvin, nakita ko naman siyang nakahawak sa kamay niya, to be precise sa singsing.
So, all along pala matagal na nila akong gustong paalisin sa lugar na to para makaligtas, yung mga ghost na nanakot ay para paalisin ako. They tried to help me, but I didn't understood them.
Yung singsing namin ni Alvin isn't just a ring, it has a tiny knife with it.
Habang abala ang lahat sa paghahanda ng ritual ay minadali ko na ang pag putol sa lubid, medyo matagal at masakit na yung kamay ko.
Nag simula na sila sa ritual, nilapag na nila ang mga kandila to form a star, at nasa gitna ako. Dinala rin nila yung ataol sa harap ko at binuksan. May nakita akong isang babae na siguro ay kasing age ko lang din.
Lumapit sa akin si Margarette.
"She's my daughter, Maxine. And I need her back. Alam mo ba kapag nag wish tayo sa wishing well ay naghuhulog ng pera, salapi para matupad ang hiling natin"
"Dito, mayroon kaming diyos ng kahilingan. Tutuparin niya ang hiling mo kung may iaalay kang kapalit pero ang gusto niya ay ang kaluluwa." Sabi niya.
Ibig sabihin, iaalay nila ako sa diyos nila kapalit ng buhay ni Maxine?
Hindi ito maaari.
"Hayop ka!" Hiyaw ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at sinampal ako ng sobrang lakas, nalasahan ko ang dugo sa aking labi.
"Ginagawa ko lang kung ano ang makakabuti sa anak ko. She didn't deserve to die!" Gigil na sabi niya.
"But she's dead! You just can't bring back the dead into living!" Sabi ko sa kaniya.
"Well, this is possible here.... with the help of your blood, your fresh body" nakangising sabi niya at tumalikod na, sinimulan niyang mag chant ng mga hindi ko naiintindihan.
Gusto ko lang naman magsulat! I just wanted to explore things. Bakit ganito? Bakit ang hirap abutin ng mga pangarap?
Natanggal ko na ang tali at nakita kong sumisigaw ang mga multo sa hindi kalayuan, naramdaman ko ang paglakas ng hangin.
Sa lakas ng hangin ay napatay lahat ng kandila, sa sobrang dilim ay wala na akong makita. I took the opportunity na matanggal ang lahat ng tali sa katawan ko.
"ANONG NANGYARI?" Galit na sigaw ni Margarette.
Dahan dahan naman akong umalis sa may puno at tumakbo papalayo.
Sa hindi kalayuan ay may humawak sa kamay ko.
"Andi-" sisigaw na sana siya pero ginamit ko yung lubid na naiwan sa kamay ko, I choke him, hanggang sa hindi na siya maka hinga.
Tumayo ako at nagsimula ng tumakbo. Narinig ko ang mga sigawan nila na nakawala ako at nagkalat na sila para hanapin ako.
Nakasalubong ko si Margarette, may dala siyang isang kutsilyo.
"Kasama mo ba si David? Huh? Pinagkaisahan niyo kong lahat?" Sigaw ko sa kaniya, dahil na rin siguro sa inis.
"No! He's innocent. Wala siyang alam dito, but thanks to him. Nag stay ka kahit papano dito sa Claveria." Nakangiting sabi niya.
"You know what, I have something to confess about your sweet Alvin" sabi niya at itinutok sa akin ang kutsilyo.
"Hayop ka! You are a murderer!" Sigaw ko sa kaniya.
"Oh really?"
"Natatandaan ko pa nung inalay din namin siya. Nakatakas din siya, nung umpisa, hindi nagtagal nahuli rin namin siya. Kaya ikaw, huwag mo nang sayangin ang lakas mo at ang oras namin" dagdag niya at dahan dahan ko namang kinuha yung isang sanga ng kahoy.
"Talagang hindi, dahil papatayin kitang hayop ka!" Sabi ko sa kaniya at hinampas siya sa kahoy pero nakailag siya at agad naman niyang nahiwa ang kamay ko kaya nabitawan ko ang kahoy.
Napaatras lang ako habang papalapit siya sa akin, itinabi niya ang kutsilyo.
"Hindi kita pwedeng patayin, sa ngayon" sabi niya at sinakal ako. Pinilit ko siyang tigilan pero kumikirot yung kamay ko at marami ang lumalabas na dugo kapag nilalakasan ko ang force sa kamay ko.
Nanghihina na ako at nahihirapan na ring huminga. Maya maya lang ay lumuwag na ang pagkakasakal sa akin ni Margarette at unti unti na siyang natutumba.
Sa pagkatumba ni Margarette ay nakita ko si Tina sa likod habang hawak ang isang malaking bato may dugo ito dahil sa paghampas niya sa ulo ni Margarette.
"Tina!" Hiyaw ko at agad na tumayo, hinawakan ko yung kamay niya at hinila na siya para maka alis kami.
"Aalis na tayo, isasama na kita Tina, tandaan mo yan!" Sabi ko sa kaniya, hindi ko napansin ang isang malaking bato na naging dahilan ng pagkatumba ko, nagpagulong gulong ako pababa ng bundok at nawalan ako ng malay.
Pag gising ko nasa isang malambot na higaan na ako at iba na ang damit na suot ko, tiningnan ko naman ang boung paligid pero nasa isang magandang kwarto na ako.
**********************
Thank you so much.....
BINABASA MO ANG
Echoes From The Hill
HorrorA writer has been interested in the town of Claveria dahil sa mga naririnig niyang theory patungkol sa mga kahilingan sa bundok Asto na tinatawag. Sa kaniyang pananatili ay may masasaksihan siyang tatakot sa kaniya. Hindi siya maka alis dahil mayro...