Kabanata VII

8 4 0
                                    


Dinala ako ni David sa clinic, sabi ko sa kaniya na kaya ko naman gamutin yung sarili ko but still he insist.

Habang ginagamot ako ng nurse ay nakangiti lang siya sa akin hanggang matapos siya, nilagyan niya na rin ng bandage yung sugat.

"Thank you po" sabi ko sa kaniya at tumayo siya at hinawakan yung kamay ko. Okay? Is this an another weird action?

"No, thank you. Dahil pumayag kang maging kapalitan para sa parade. Malaking tulong iyon para sa mga ka-nayon." Sabi niya. Hindi na ako sumagot, ngumiti lang ako sa kaniya at lumabas na.

Nakita ko si David kausap si Kapitan. Tumingin siya sa kinatatayuan ko at ganun din si Kap, nag smile lang ako to give some respect. Maya maya pa ay lumapit si David sa akin.

"Ang close niyo no?" Tanong ko, kasi lagi ko silang nakikitang magkasama.

"Hindi rin." Tipid na sabi niya at tumungin kay Kap naglalakad papasok sa barangay hall.

"Tara, kailangan mo daw pumunta sa bahay ni Tita para magsukat ng maisusout mo." Dagdag niya.

"Tita?" Tanong ko dahil wala naman akong nakilalang kamag anak niya dito.

"Sorry, si Tita yung Councilor." Sabi niya sabay tawa pa.

So, blood related pala sila.

Nang makarating na kami sa bahay ng councilor, medyo may kalayuan din yung bahay niya at hindi naman sobrang laki pero magarbo din.

Masaya tingnan ang bahay dahil sa makulay na harden nito pero ang bigat ng katawan ko bawat hakbang papasok sa bahay.

"Are you okay?" Tanong ni Margarette na naka silip sa pinto. Tumango lang ako.

"Larahh~" dinig kong boses sa may likuran ko pero nang tiningnan ko yun ay wala naman akong nakita.

Pagkapasok ni David ay biglang nagsarado yung pinto, itutulak ko na sana yun para buksan pero may nakita akong parang human form sa pinto, napa atras ako dahil sa takot ng dahan dahan itong lumabas at sa bawat paglabas ng part ng katawan nito ay may mga dugo na lumalabas.

"WAAAAAAAA!" Sigaw ko ng dahan dahan na itong lumapit sa akin.

"Hey, it's fine. Shhh." Sabi ni David. Pagmulat ng mga mata ko ay yakap ako ni David at hinahagod yung likod.

"M-may... M-may ha-ha-halim-aw." Utal utal kong sabi.

"Okay na. Shhh. Walang anuman dito. " Pagpatigil sa akin ni David at inaya niya na ako sa loob.

Pinapili sa akin yung gown na almost the same lang din except the colors.

"Blue or white?" Tanong ni Margarette. Nilapitan ko yung kulay blue, hinawakan ko yung tela at tinantya kong comfortable ba ako dito.

Nilapitan ko naman yung white dress. Hinawakan ko rin yung tela. Napansin kong parang may matigas na part sa bandang ilalim nito, kinapa ko yun at nakita kong may dalawang paa, sobrang dumi at duguan din. Nang mabaling ang tingin ko sa white dress ay duguan na ito.

"I guess, white ang napili mo?" Bulong sa akin ni Margarette na gumising ng diwa ko, bumalik na sa dating maayos ang white dress at ang maging ang mga paa na naka suot dito ay wala na rin.

"B-blue. Mas gusto ko yung blue." Sabi ko at lumabas na para mag pahangin.

Pagkalabas ko ay para akong nabunutan ng tinik ng mailabas ko ang pinipigilan kong takot at kaba. Bumuga ako ng isang malalim na hininga at kinuha ang necklace ni Alvin.

"I don't know, but I'm scared babe." Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko na maintindihan ang lahat ng nangyayari ngayon.

Lumabas na si David sa bahay dala ang damit na pinili ko, inabot niya sa akin yun.

"Let's go, may pupuntahan pa tayo" excited na sabi niya saka sumakay sa motor, wala naman akong magawa kundi ang sumunod sa kaniya.

Gusto kong sabihin kay David yung tungkol sa mga nakikita ko, maniniwala kaya siya?.

I need someone to talk to, about all of this things.

"Andito na tayo" sabi niya. Tiningnan ko yung boung paligid at nakita kong parang wala naman masyadong kakaiba sa lugar.

Nasa ilog lang kami, sa gilid ng gubat at tapat naman ay makikita ang bundok asto.

"Bakit tayo andito?" Tanong ko sa kaniya.

"Relax, okay? Alam mo kasi dito lang sa lugar na to maganda tingnan ang sunset, at dahil malapit na mag sunset abangan mo nalang" sabi niya sabay turo sa may bundok asto at kumuha ng mga kahoy na pweding upuan.

Umupo na rin ako at naka fucos lang ang tingin sa bundok. Nilabas ko yung necklace ni Alvin at sinuot ito habang hinahawakan ang pendant nito.

"Nice necklace" sabi ni David.

"Ito ba? Kay Alvin to."

"Alvin. Hmm" sabi niya na parang may pinag iisipan.

"Parang narinig ko yang name na yan last year." Sabi niya, nagulat ako ng sabihin niya yun.

Kung narinig niya ang name ni Alvin, ibig sabihin pumunta nga dito sa Alvin?

"Pero hindi rin ako sure kong siya ba yun." Dugtong niya.

"Kilala mo siya? Nakita mo siya?"

"Isang beses lang yun. Pero hindi ko nga sure" sabi niya.

Kinuha ko yung phone ko at binuksan yun. Pinakita ko sa kaniya yung picture namin together.

"Siya nga to. Boyfriend mo ba siya?"

"Was. He was my boyfriend. By the way, pano mo siya nakilala?" Tanong ko at tumingin sa sunset na unti unti nang lumulubog, katulad ng sabi ni David kanina, maganda nga panoorin ang sunset mula dito.

"May sakit ako non, sobrang lala. Hindi ko nga alam kung mabubuhay pa ba ako ng mga panahon na iyon, maraming mga dumadalaw sa akin nun, kasama na dun si Alvin." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tahimik lang ang boung paligid.

"Ahmm, asan na pala siya ngayon?" Tanong niya.

Isang tanong na ayaw kong pakinggan, tanong na nagpapaalala sa akin na wala na siya.

"Hindi ko alam. Isang taon na siyang hindi nakikita" deritsong sagot ko.

Pero ngayon, nagkakaroon na ako ng kahit kaunting leads na pweding magturo sa akin kung nasan siya.

Buhay pa kaya siya? Kumusta na siya? Nakakakain kaya siya ng nasa tamang oras? Naaalala niya pa ba ako?

Hindi ko alam na ang simpling pag punta ko dito ay makakakuha ako ng information about him.

Kailangan ko nang umuwi, magsusulat pa ako at mag hahanda para sa darating na flores de mayo.


*****************
Thank you....

Echoes From The HillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon