I'm still improving pa po kaya sorry po agad sa mga wrong grammar and typo errors. Hindi rin po ito gaanong malinis kaya don't expect too much po. Thankies
____________________
SIMULA. . .
Ang buhay ko ay parang life, kagaya ng mga bagay na parang things. Hello world, ako nga pala si Zabria Lavender Espiritu. 18 yeard old. Isang babaeng hindi mabubuhay ng walang nagugustuhan. Maganda ako, mana sa Mama. 5'7 ang height, na namana sa Tatay kong mapagmahal. Madalas sumali sa pageant at palaging panalo.
"Mudra, alis na ako," paalam ko kay Mama.
"Sige, mag-iingat ka," tugon nito. "Bago ka pala pumasok, dumaan ka sa talyer para manghinging pang-lunch kay Papa mo. Hindi ako nakapagluto ng ulam ngayon kaya wala kang baon."
"Opo," tugon ko bago lumabas ng bahay.
Walking distance lang ang school namin kaya no need pamasahe na ako. Kagaya ng bilin ni Mama, dumaan muna ako sa talyer kung saan nagtatrabaho si Papa. Nakita ko naman agad si Papa, na inaayos ang isang kotse.
"Pa," pagtawag ko rito. Lumingon naman agad sa 'kin ito.
"Zab," nakangiting sabi ni Papa bago maglakad palapit sa 'kin. "Anong kailangan ng magandang Anak ko?"
Naglahad ako ng kamay. "Pang-lunch. Hindi nakapagluto si Mama kaya wala akong lunch."
Napakamot si Papa sa ulo bago dumukot ng pera sa kaniyang bulsa. "Kasya na ba ang isang daan? Nautakan na naman ako ni Mama mo, binigay ko na sa kaniya ang sahod ko, eh."
Natawa ako bago kuhanin ang one hundred. "Gantihan mo ng kiss si Mama mamaya o 'di kaya ay akitin mo."
"Heh, pumasok ka na ngang bata ka." Muli lamang akong natawa bago tumango.
Kiniss ko si Papa sa pisngi bago ako tuluyang maglakad paalis sa lugar na 'yon. Dumiretso ako sa school at buti na lamang ay mas nauna akong dumating kaysa sa Teacher namin. Ka-ta-transfer ko lang dito sa school namin noong isang linggo. Umalis ako sa dating school ko dahil sa isang Teacher na bastos at inaaya akong makipag-sex.
"Sino si Zabria Lavender Espiritu?" tanong ng first subject Teacher namin. Lalaki ito at Media Information Literacy ang subject.
"Sir," nagtaas ako ng kamay.
BINABASA MO ANG
Devil's Son
RomanceSlex is always mad when Zabria always follows him. The girl was inlove with him even he's a gay. Slex, can't stop his feelings too because of Zabria's clingy side. Their attraction to each other will turn into desire. Desire that will lead to thei...