CHAPTER 3

1K 40 6
                                    

      Hindi ako nakapasok pa sa klase namin dahil sa natamo kong katangahan. Kaninang lunch ay dinalhan lang ako ng pagkain ni Nlex, na para bang totoong pasyente ako sa hospital.

Hindi ko sana tatanggapin dahil masama ang loob ko sa ginawa niyang pag-straight forward sa 'kin, kaso gutom na gutom na ako.

Naging isa akong clinic princess dahil sa katangahan ko. Kasalanan talaga 'yon ng tatlong gwapong ginulat ako.

"Ano? Keri mo pa ba?" Mabilis akong napabangon nang biglang sumulpot si Slex.

"Slex," nakangiting sabi ko.

"Don't smile nga, ang chaka mo!" Umirap ito sa 'kin bago mag-cross arms. "Anyways, I'm here para i-ask kung kaya mo ba today? Kung hindi, pwede namang bukas. 'Wag mong pilitin ang sarili mo at baka kasalanan ko pa kapag na-deads ka."

Oa naman sa ma-deads agad.

"Kaya ko naman ngayon," nakangiting sabi ko. "Wag kang mag-alala sa 'kin."

"Sino namang may sabing nag-aalala ako sa 'yong bilat ka?" nakataas ang isang kilay na tanong nito. "Nag-aalala ako sa magiging grades namin, okay? At nag-aalala ako sa beauty ko, ayokong mahirapan ako at baka ma-haggard ako."

Napasimangot na lamang ako dahil sa sinabi nito.

"Kaya ko, ituloy natin mamaya," nakasimangot kong sabi. "Dumaan ka na lang mamaya rito kapag natapos na ang klase."

"Girl, are you dreaming ba?" takang tanong nito. "It's already uwian na kaya."

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko. Totoo nga, uwian na namin. Masyado akong focus sa kakanood ng mga kumakaldag sa tiktok kaya hindi ko napansin ang oras.

"Pasensiya na, galit agad, eh." Napairap ako bago kuhanin ang bago ko at iika-ikang tumayo. "Tara na, gora na agad para matapos na tayo."

Iika-ika akong naglakad. Hindi man lang ako nag-alok ng tulong si Slex, reklamo lang ito nang reklamo na ang bagal kong maglakad.

"Sana ikaw ang mapilay para maramdaman mo ang nararamdaman ko!" inis kong singhal sa kaniya.

Crush ko siya pero hindi ko kinaya ang pagkainis sa kaniya. Ang sarap niyang bunutan ng pubic hair, letse siya!

Sampung minuto yata bago kami makarating sa gate. Nandoon yung mga kaibigan niya at hinihintay kami. Nakaramdam ako ng inis nang makita ang babaeng taga-GAS.

"Pasensiya if matagal kami, mabagal kasing maglakad si pilantod," sabi ni Slex bago kumapit sa babaeng taga-GAS. "Let's go na nga."

Hinila ni Slex ang babaeng taga-GAS. Mas lalo naman akong nakaramdam ng inis. Ang sweet niya sa ibang babae tapos pagdating sa 'kin, salbahe siya.

"Tulungan ka na nga namin." Lumapit  sa 'kin si Rycher at Nlex.

"Gusto mo bang mag-tricycle na lang para hindi ka mahirapan?" tanong ni Nlex.

"Kaya ko ang sarili ko!" pagsusungit ko sa kanilang dalawa.

Nagkatingan naman si Rycher at Nlex bago ako lumayo sa 'kin. Naglakad silang magbabarkada at ako naman ay nakasunod lamang sa kanila. Pasimple ko ring nililingon ang babaeng taga-GAS at si Slex, na nauunang naglalakad. Nagtatawanan ang dalawa at naghahampasan pa.

"Sinasabi ko na sa 'yo, hindi ka magugustuhan ni Slex." Nagsalita si Nlex, na sinasabayan na ako sa paglalakad. "At 'wag mo ring tingnan ng ganiyan si Parsia, ibang klase magmaldita 'yan, baka ikamatay mo."

Hindi ako sumagot at hindi ko rin siya pinansin. Basta, wala akong naririnig. Hindi ko kailangan ng opinyon niya.

Maya maya lamang ay pumasok kami sa isang private village. Tatlong minutong lakaran bago kami huminto sa pangatlong bahay.

Nagpaalam si Nlex at Slex sa kanilang mga kaibigan bago pumasok sa loob ng malaking gate. Sumunod naman ako sa dalawa. Hindi ko maiwasang mamangha sa magandang garden nila, halatang alagang alaga sa dilig ang mga halaman. Sana, ako rin.

Dumiretso kami sa malaking bahay. Nasa labas pa lang ako ay tanaw ko na agad  ang malawak na sala. May natanaw rin akong tatlong taong nakaupo.

"Hubarin mo yung sapatos mo tapos isuot mo itong tsinelas," sabi ni Slex bago ibaba ang isang puting tsinelas sa harapan ko.

Hinubad ko naman ang sapatos ko at sinuot ang tsinelas. Pumasok ang dalawa sa loob kaya sumunod ako. Lumapit sila sa parents nila at parehong niyakap ang mga ito.

"Mamu, nandito na ang disney princess mo," malantod na sabi ni Slex.

"Lantod lantod," sabi ng batang babae bago dumiretso kay Nlex. "Kuya kong pogi!"

Natawa si Nlex bago buhatin ang batang babae at halikan sa pisngi. "How's my baby?"

"Good po," nakangiting sagot ng batang babae.

Wow, ang ganda ng batang babae. Siguradong habulin ng lalaki 'yan kapag nagdalaga. Ang ganda rin ng mga mata ng kapatid nila Slex, kulay berde rin ito na medyo brown.

Dumako ang tingin sa 'kin ng batang babae kaya mabilis ko siyang nginitian. Kung hindi makuha agad ang loob ng taong gusto mo, doon ka muna sa kapamilya.

"Sino po siya?" tanong ng batang babae.

"May bitbit pala kaming pilay," sabi ni Slex. "Mamu, Papu, Sky, siya si. . . Ano nga pala ang pangalan mo?"

Kainis!

"Hello po, Zabria Lavender Espiritu po. Call me, Zab, na lang po." Magalang kong pagpapakilala.

"Kayong dalawa kayo, bakit iniwan niyo ang bisita?" Tumayo ang Mama nila Nlex at nilapitan ako. "Masaya akong makilala ka, Iha, halika at maupo ka."

Pinilit kong hindi maging iika-ika, kaso hindi talaga kaya. Inalalayan naman ako agad ng Mama nila Nlex. Mas gentleman pa ang mama ni Slex, kaysa sa kaniya.

"Hindi niyo man lang tinulungan ang bisita," sermon ng Mama nila Nlex sa kanila. "Ganiyan ko ba kayo pinalaki, huh?"

"Mamu, ayaw niyang magpatulong," sabi ni Nlex. "Besides, she's not my visitor. She's Slex's visitor."

"Slex?" Madramang napasapo sa bibig ang Mama nila Nlex. "Lalaki ka na!?"

"Yuckie!" maarteng sabi ni Slex. "Mamu, may gagawin lang kaming Performance Task, okay? Napaka-OA mo."

Mukhang alam ko na kung saan nagmana nang pagiging OA si Slex.

Natawa ang Mama nila Nlex. "Anong performance task 'yan? Pakisiguradong hindi bata ang gagawin niyo, ah? Pukpukin talaga kita sa ulo, Slex, sinasabi ko sa 'yo."

Pwede rin po, Tita, charing.

"Boss madam, don't think like that," sabi ng Papa nila Nlex.

Ang gwapo ng Papa nila Nlex, berde rin ang mga mata nito. Ang gaganda ng lahi nila. Ang sarap gawing crush ng papa ni Slex, kaso 'wag na lang, loyal kasi ako sa kaniya.

"Wag mong kuhanin ang loob masyado nila Mamu ko, at baka maisipan nilang paligawan ka sa 'kin," masungit na sabi ni Slex.

"Okay lang nama sa 'kin kung ligawan mo ako, walang kaso sa 'kin 'yon," lakas loob kong sabi.

Napatili ang Mama nila Nlex at nahampas ako sa braso. Masuka-suka naman si Slex at hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin.

"Kadiri kang bilat ka!" singhal nito sa 'kin bago mag-walk out.

Mahina naman akong napatawa dahil sa inasta nito. Ang cute niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon