"Mama, baka gabihin ako mamaya, ah? Gagawin kasi akong Performance Task sa bahay ng kaklase ko," paalam ko habang kumakain kami ng almusal. "Ipapasa na rin kasi agad 'yon kaya kailangang gawin agad."
"Sinong kaklase mo? Lalaki o babae?" tanong ni Papa.
"Lalaki po," sagot ko. Akmang magrereklamo ito kaya agad ko na siyang inunahan. "Pa, lalaki 'yon na mahilig din sa lalaki. Mas malandi pa sa 'kin 'yon kaya 'wag kang mag-isip nang kung ano."
Napatango naman si Papa. "Naninigurado lang dahil ayaw kitang mapahamak."
"Wag ka pong mag-alala dahil sila pa ang mapapahamak sa 'kin," nakangising sabi ko.
"Wag na kayong magyabangan na mag-ama at bilisan niyo na lang dahil pareho kayong ma-le-late," sabi ni Mama.
Dinalawang subo ko naman ang natitira kong pagkain bago uminom ng tubig at tumayo. Kinuha ko yung bag ko at binigyan nang tig-isang halik sa pisngi ang mga magulang ko.
"Bye bye," paalam ko sa kanila at lumabas ng bahay.
Bago dumiretso sa school ay dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng favorite kong gummies. Dalawa ang binili ko dahil ibibigay ko ang isa kay Slex, ayon kasi sa source ko ay mahilig si Slex sa gummies.
"Slex!" Mabilis kong nilapitan si Slex nang makapasok ako sa loob ng classroom namin.
"What?" Umirap ito sa 'kin. "Ang aga aga, sinisira ng isang bilat ang aking day."
"Para sa 'yo." Inilapag ko sa desk niya ang gummy na binili ko. "Binili ko 'yan para sa 'yo."
"Nililigawan mo ba ako?" kunot noong tanong nito. "Yuck! Girl, stop mo 'yan dahil baka hindi kita matansiya."
"Nililigawan agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang makipag-kaibigan?" Naupo ako sa upuang nasa tabi niya.
"Gusto mo akong maging kaibigan? Tapos ano, bigla mo akong liligawan? No way!" Malanding pumilantik ang mga daliri nito. "Girl, kung puri ko lang ang habol mo, you better stop. At saka, ayoko rin magkaroon ng kaibigang babae."
"Ayaw raw pero parang mag-jowa na sila nung babae sa GAS Strand," bulong ko na siguradong narinig niya naman.
"Gurl, kababata ko si Parsia kaya sanggang dikit na kaming dalawa, okay? Nagpa-plastic-an lang din kaming dalawa," saad nito. "Bumalik ka na sa upuan mo, rain rain go away."
Inis naman akong tumayo. Kinuha ko ulit yung gummy na nasa desk niya bago bumalik sa upuan ko. Nakakasama siya ng loob, gusto ko lang namang makipag-friends, eh. As if naman kasing liligawan ko siya. Hindi ako nanliligaw, siya nga dapat ang manligaw sa 'kin, eh.
Dumating ang Teacher namin at nagsimulang magturo pero masama pa rin talaga ang loob ko. Sa sobrang sama ng loob ko, baka akitin ko mamaya si Slex habang gumagawa kami ng photoshoot.
BINABASA MO ANG
Devil's Son
RomanceSlex is always mad when Zabria always follows him. The girl was inlove with him even he's a gay. Slex, can't stop his feelings too because of Zabria's clingy side. Their attraction to each other will turn into desire. Desire that will lead to thei...