Dal's P. O. V
Kaagad naman kaming pumasok sa classroom at naghanap ng mauupuan na magkakatabi kaming tatlo o di naman kaya ay magkakalapit. Sa bandang unahan kami na upo syempre upang mas-maintindahan at marinig namin ng maayos ang lessons.
Si Joan Bautista at Jonel Bautista nga pala ang mga bestfriend ko, kambal silang dalawa pero di sila magkahawig kaya wala masyadong naniniwala na kambal sila pero parehas naman silang payat. Habang inaayos ko ang bag ko ay kinulbit ako ni Joan kaya humarap ako sakanya kaagad na may mukha na nagtatanong kung bakit nya ako kinulbit.
Alam mo na ba? Tanong ni Joan sakin na nagpakunot ng noo ko.
Ang alin? Balik kong tanong sa kanya.
Ano ka ba kala ko pa naman alam mo na kase mahilig ka sa gwapo. Pabirong sabi ni Joan.
Eh.. Ano nga yun? Tanong ko muli sa kanya.
Sabi nila yung anak daw ng may-ari ng school na to ay mag-tatransfer dito, which means dito sya papasok. Lathala ni Joan na may kilig at ngiti sa labi. "At balita ko pa isa rin syang Grade 10 student which only means na maaari natin syang maging classmate." Dagdag pa nya at kitang-kita ang excitement sa kanyang mukha. Napatawa na lang at na pailing ako sa kanyang ginagawa.
Eh.. Gwapo ba talaga? Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
Oo, one hundred one percent, POGI!
Ok, sabi mo eh. Pagsang-ayon ko na lang sa kanya. Eh.. Papasok ba sya ngayon? Muli kong tanong sa kanya.
Yun lang! Malumbay na sabi nya. Sabi kase nila baka bukas pa raw pumasok dito yung anak ng may-ari ng school. Dagdag pa ni Joan habang nakanguso.
So, hindi ko muna magiging crush yang sinasabi mo hanggat di ko yan nakikita sa personal, kailangan ay mai-rate ko muna yan at makasigurado talaga akong pogi yan. Sambit ko sabay tawa ng bahagya.
Ang landi nyong dalawa. Pagsingit ni Jonel na nakikinig sa usapan namin ni Joan. Tumingin naman ng masama si Joan sa kanya.
Kausap ka ba? Tanong ni Joan sa kanyang kakambal na si Jonel, nagtitigan lang naman ang dalawa at nagtaasan ng kilay. Bumalik na lang si Jonel sa kanyang pagbabasa ng kanyang librong dala-dala.
Bakla!. Sambit ni Joan at umayos na ng pagkakaupo.
Oh by the way guys, gay nga pala tong si Jonel di mulang mahahalata kase gupit lalaki pa rin sya at bihis lalaki, di rin sya mahilig mag-ayos, basta damit panlalaki pa rin soot at galaw nya pero bottom raw sya, mahilig din kase akong magbasa ng BL at mga stories about LGBT kaya may alam ako dyan.
Sinamaan lang sya ng tingin ni Jonel at nang-irap naman si Joan kaya bumalik na lang ulit sa pagbabasa si Jonel. Dumating na ang aming magiging guro kaya nagsi-ayos na ang lahat sa pagkakaupo. Sabay-sabay rin naman kaming namangha sa kagwapuhang taglay ng guro namin. Di sya ganon katangkad at medyo moreno pero gwapo rin talaga sya, makapal kilay at pilik mata, medyo mapula ang mga labi. Ibinaba nito ang daladalang gamit at nag sulat sa board ng kanyang pangalan.
Good morning everyone, this year I will be your homeroom teacher, your adviser until the end of school year. Pagbati ni Sir. "My name is Julius Rodel Iglesias, ine-expect ko na magiging best ang classroom natin sa lahat at sana ay maging magkakasundo tayong lahat, maliwanag?" Dagdag na sabi ni Sir.
Sumang-ayon naman ang lahat, napansin ko namang na katulala si Joan habang nakatitig sa adviser namin kaya tinapik sya na nagpagulat sa kanya at napatingin sya sa akin.
Baka naman matunaw si Sir. Pabiro kong sabi na nagpapula sa mukha nya at na tawa na lang ako ng bahagya sa reaction nya.
Bago nyo ako tanungin ng kung ano-ano ay nais ko muna kayong makilalang lahat. Sambit ni Sir. "At simulan natin sayo." Dagdag ni Sir Iglesias habang nakaturo ang kamay sa gawi ko kaya agad naman akong napatayo at nagtungo sa unahan.
Ako nga pala si Diana Allisha Lizet Villanueva, 16 years old but you can call me Dal for short. Sambit ko. "Um.. Mahilig akong magbasa ng mga stories at bumili ng mga books like novels, love stories and more. Favorite color ko ay pink and I have a lot of habits that I can't remember anymore pero sana ay maging magkakasundo at magkakaibigan tayong lahat. Thank you." Pagpapakilala ko at bumalik na agad sa aking upuan. Sumunod naman sa akin si Joan na nagpakilala medyo na pansin ko na para bang kinakabahan sya pero bakit naman, sya kaya yung laging energitic na nagpapakilala tuwing first day of school.
Marahan din syang naglakad patungong unahan na para bang Binibining Filipina. Nais ko nga sanang matawa sa inaasal nya kase di naman sya ganon. Naghawi pa sya ng buhok at huminga ng malalim at nag salita ng mayumi, napahawak na lang ako saking bibig dahil nagpipigil ako ng tawa kase may kakaiba talaga sa kanya ngayon "maysapi ata".
Ako nga po pala si Joan Bautista, 17 years old mahilig po akong magbasa ng books na may mapupulutan ng aral, hindi rin po ako mahilig gumala mas gusto talagang nasa bahay lang, marunong po akong magluto, maglaba at maglinis ng bahay at iba pa. Sana po ay maging tayo Sir. Sambit nya na nagpatawa sa lahat. "Ah.. I mean maging magkakasundo tayong lahat na magkaklase at Sir hehehe." Dagdag nya pang sabi na may awkward na tawa sa dulo, kaagad naman syang bumalik sa upuan at nag cover ng mukha dahil sa kahihiyan.
Tumayo naman si Jonel at nagtungo sa unahan upang magpakilala.
Ako si Jonel Bautista, 17 years old kakambal ni Joan, I like color blue and my habit is reading books and collecting books, I love writing also. Thanks. Pagpapakilala ni Jonel.
Medyo halata nga kase hawak mo pa rin ang libro mong binabasa mula pa kaninang pagdating ko. Sambit ni Sir Iglesias. Kaagad namang napatingin ni Jonel sa hawak nya at itinago ang libro sa kanyang likuran.
Bumalik ka na sa upuan mo at itago yang libro mo bago ko pa yan kuhanin at kompiskahin. Sabi ni Sir, kaagad namang bumalik si Jonel sa kanyang upuan at itinago sa kanyang bag ang libro.
Nagpatuloy ang pagpapakilala ng lahat at nang matapos ang pagpapakilala ng aking mga kaklase ay bumalik ang mga tanong kay Sir Iglesias. May nagtanong pa nga kung may girlfriend na ito na bayagyang nagpawala ng ngiti ni Sir ngunit ngumiti ulit ito at sumagot ng "secret". Medyo nawala rin ang excitement ni Joan pero ngumiti lang syang muli siguro ay iniisip nya na single pa rin si Sir.
Natapos ang unang araw ng pasukan sa pagpapakilala ng lahat ng magiging guro namin medyo pa ulit-ulit lang sa pagpapakilala kami sa bawat gurong darating, sa mga guro na magtuturo samin hanggang katapusan ng pasukan.
Masaya naman ang boong maghapon ko, lalo na't nakita ko mga crushes ko. Masaya rin akong nagpaalam sa mga kaibigan ko, kina Joan at Jonel. Nagkahiwalay kami ng dumating na ang driver na susundo sa kanilang dalawa, mamahalin talaga ang kotse na gamit nila. Gusto pa nga sana nila akong ihatid ngunit tumanggi ako kase alam ko na susunduin ako ni Papa.
Habang nagaabang ako sa labas ng School namin sa pagdating ni Papa, at nag papasayaw-sayaw ng kunti ay may biglang mabilis na sasakyan ang dumaan sa harapan ko na dahilan para tumalsik at mabasa ako ng tubig sa may tabi ng daan. Napasigaw na lang ako sa gulat, gusto ko sanang habulin yung nakabasa sakin kaso mabilis itong nakapasok sa loob ng school at kaagad rin namang sinarado ng Guard ang gate ng School.
Magara pa naman yung kotse at mukang mamahalin kaso bastos ang nagda-drive. Lagot ka sakin pag nakita-kita kita bukas. Sambit ko na lang, bigla namang dumating si Papa at tinanong kong bakit basa ang damit ko. Sinabi ko sa kanya ng nangyari at gusto pa sana ni Papa na sugurin yung nakabasa sakin pero pinigilan ko na lang sya at sinabing ok lang ako kaya umuwi na lang kami sa bahay.
To be continued. 🥰
......................................................................
Thank you guys for reading. Please, like support and follow me. Love you guys. 🥰
![](https://img.wattpad.com/cover/372414964-288-k156615.jpg)
BINABASA MO ANG
HLS: Grade 10: Albert Einstein
Teen FictionBook 1: Part 1. These are different stories of high school love life. Si Dal ay isang mag-aaral na pumapasok sa Yoshinori Private School, bilang grade 10 student section Albert Einstein, kasama nya rito ang kanyang mga kaibigan na sina Joan at Jone...