Chapter 3:Poging Hapon.

0 1 0
                                    

Dal's P. O. V

Kinapakapa ko ang aking cellphone upang tingnan ang oras nang makapa ko ito ay mukat-mukat kong tiningnan ang oras. Nang makita ko ang oras ay muli akong pumikit, nang bigla kong maalala na pasukan na pala ulit at pangalawang araw palang ng pasok ko kaya kaagad akong napabalikwas ng bangon at pandalas na nagtungo sa banyo.

Ano ba naman yan? Bat naman na late ako ng bangon, tanga ko talaga eh. Sambit ko saking sarili habang naghuhubad ng saplot. Kaagad din akong nagbuhos ng tubig at napatalon-talon na lang ako dahil sa lamig ng tubig. Mabilis lang akong naligo at nang matapos ako ay dun ko lang napagtanto na nalimutan ko palang magdala ng tuwalya bago pumasok sa banyo. Dahil di ko alam ang gagawin ay bahagya kong binuksan ang pinto ng banyo at sumilip-silip kung may-tao dahil medyo malapit lang naman ang aking kwarto ay tatakbuhin ko na lang sana. Inilabas ko na ang isa kong hita upang tumakbo pero nang tatakbo na sana ako ay may biglang tumikhim na nag pahinto sa aking balak. Nang dumako ang tingin ko sa taong tumikhim ay nagulat ako na lang ako ng nakatitig sakin si Mama ng masama. Awkward na lang akong ngumiti at nag peace sign kay Mama.

Ay.. Naku ka talagang bata ka, iniwan mo na naman ang tuwalya mo. Sambit ni Mama habang patungo sa aking kwarto upang kuhanin ang aking tuwalya. Nang makabalik na si Mama dala ang aking tuwalya ay inabot naman nya agad sa akin ang tuwalya.

Late ka na sigurong nagising kaya nagmamadali ka? Turan ni Mama kaya nginitian ko sya at nag-pasalamat naman ako kaagad sin akong nagpatuyo bago ko itapis ang tumalya sa aking katawan.

Pinatay ko po kase alarm ko kaya di ko na po namalayan ang oras at medyo late na nga po akong nagising. Palusot ko kay Mama.

Oh sya bilisan mo na, ako na maghahanda ng pagkain mo, magbihis ka na at gigisingin ko pa ang Papa mo. Sambit ni Mama sakin. "Ikaw talagang bata ka maaga ka lang pag first day ng klase eh, pangalawang araw palang ng klase malelate ka na agad." Dugtong ni Mama, kaya bago pa humaba ang sermon nya sakin ay kaagad na akong patakbong nagtungo saking kwarto at nagbihis. Mabilis lang akong nagbihis, di na rin ako nakapag lagay ng pulbos sa mukha at di na rin muna ako naglagay ng liptint at yung suklay ay sinabit ko na lang sa buhok ko. Nagmadali rin akong kumain halos mabulunan na nga ako sa pagmamadali at pagpapandalas sa pagsubo.

Hoy.. Bata ka magdahan-dahan ka nga sa pagkain. Saway ni Papa sakin, tumingin ako sa kanya at nilunok ang kinakain ko bago nagsalita.

Pa, ayos ka na ba? Tara na!. Sambit ko habang nagpupunas ng bibig. Napailing na lang si Papa at tumayo na agad para kunin ang susi ng tricycle namin na aking sasakyan pa puntang School. Nagtungo na agad ako sa labas.

Nak! Magsuklay ka naman ng buhok mo, muka kang bruha. Pahabol na sigaw na sabi ni Mama ng makalabas na ako ng bahay.

Susuklayin ko po to Ma habang daan. Sagot ko kay Mama at kumaway na lang sa kanya. Kaagad na akong pumasok sa tricycle at kaagad din naman nagmaneho si Papa. Habang bumabyahe kami ay nagsusuklay ako ng buhok, naglagay din ako ng pulbos sa muka at bahagyang nag lagay ng liptint kahit walang salamin at pagiwang-giwang ang trycicle. Nang makarating kami ng School ay mabilis akong bumaba ng trycicle at patakbong nag tungo sa gate ng School habang kumakaway kay Papa.

Naku kang bata, ikalawang araw palang ng klase ay muntikan ka nang malate. Sambit nang Guard sakin, kaya ngumiti na lang ako at kaagad naman niyang binuksan ang gate at pinapasok ako, nagpasalamat ako at kaagad na pumasok at nagmadaling maglakad.

Oh.. Wait lang.. Pagtawag sakin nang Guard pero di ko na sya pinansin at patakbong nag tungo sa classroom namin ngunit bago pa ako makarating sa classroom ay napansin ko ang maraming estudyante na nag uumpukan at may pinapalibutan dahil na curious ako ay nakipagsiksikan ako sa kanila " late na pero may oras pa rin sa paglandi, diba? Pero baka gwapo kase to kaya pinapalibutan nila".
Nang makarating ako sa unahan ay may bumabang lalaki mula dun sa magarang sasakyan.

Di ko alam kong imagination ko lang bato pero para bang bumagal ang ikot ng mundo. Nang humakbang at ilabas ng lalaki ang kanyang isang paa ay biglang lumakas ang ingay at bulungan ng mga tao sa paligid at lalo pa silang umingay ng iniluwa na ng sasakyan ang kalhating katawan ng lalaki. Nakaside view sya mula sakin at kitang-kita ang kanyang matagos at pointed na ilong, makapal at mahaba rin ang kanyang pilik mata at medyo makapal din ang kanyang kilay. Nang makalabas na sya ng tuluyan ay nag si-eritan na ang lahat ng kababaihan at kabaklaan na para bang nakakita sila ng artista. Habang ako ay nakatulala lang na nakatingin sa kanya. Napakagwapo naman ng lalaking to. Matangkad, maputi at medyo malaki ang katawan, yung tipong naggy-gym. Pero mukha nya talaga ang nakakabighani lalo nang mapaharap sya sa gawi ko, thick eyebrows, thick and long eyelashes, pointed nose, rose heart shaped lips, perfect jawline, goodness he is really my ty.. Eh.. Wait.

Napansin ko yung sasakyan at para bang familiar ito sakin " san ko ba to nakita? ". Naalala ko yung kahapon at ito yung sasakyan kahapon nadahilan kung bakit nabasa ako kaya naman biglang nag-init ang pasensya ko " Aba, akala mo dahil gwapo ka ay palalampasin ko ang ginawa mo sakin" sabi ko sa sarili ko at kaagad na nagtungo sa harapan ng lalaking pogi este bastos na lalaki.

Hoy! Ikaw diba?! Sambit ko sabay duro ng kamay sa poging lalaki este bastos na mukang Hapon na lalaki sa harapan ko. " Akala mo palalampasin ko yung ginawa mo sa akin kahapon nung uwian" dagdag na sabi ko dun sa lalaking hapon at na me-wang pa ako sabay taas ng isang kilay. Nakatitig lang naman yung lalaking hapon sakin na para bang natulala kaya naman na pa kunot bigla ang kilay ko.

Anong tinitingin-tingin mo dyan?? Mag sorry ka sakin dahil binasa mo lang naman ako kahapon ng hapon, na ikaw na hapon ka ay kabilis mo lang naman pong mag maneho kaya na basa mo ako nangdinaan mong tubig. Mahabang lathala ko sa mabilis na boses at habang nakapamiwang. Sa halip ng matakot sakin yung poging hapon este bastos na hapon at mang hingi ng pasensya sakin ay gumisi lang ito at tumawa ng bahagya na nagdagdag pa lalo sa kanyang kagwapuhan at nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Shit ang gwapo nya talaga, nanghihina tuhod ko, pero mainit pa rin ang ulo ko sa kanya at walang magbabago dun- sambit ko saking isipan.

At..bakit ka,, tumatawa? Pautal kong tanong sa kanya.

Kawaii. Wika nya na nagpataka sakin dahil di ko sya na intindihan.

Kawaii? Ano? Tanong ko sa lalaki to, aba pinakakaway pa ata ako nitong lalaking to, parang sinasabi nya na pandak ako ah at kailangan ko pang kumaway ng makita nya ako, aba bastos talaga to.

Anong sinasabi mo. Tanong ko dito. Minimura mo ba ako? Dagdag na tanong ko sa kanya. Umiling lang ito at ngumisi pa lalo na nag paultaw sa kanyang taglay na kagwapuhan pero di ako madadala sa itsura nya no.

Ikaw..!! Hahampasin ko na sana ng lunch bag na dala ko itong poging asungot na nasa harapan ko ng may biglang pumigil sakin kaya naman ay napalingon ako at nakita si Joan na hawak ang kamay ko.

Oh.. Bakit? Tanong ko kay Joan. Magtatanong pa sana ako sa kanya at sasabihin na bitawan ako ng matamaan sakin tong Hapon na nasa harap ko nang bigla nya akong hilahin at ganon din ang ginawa ni Jonel na para bang nagtatag of war kami, wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako sa kanila at na pansin ko naman nakatingin ng masama sakin ang lahat ng mga estudyante at nagbubulungan ng kung ano-ano.

Anong problema ng mga to? Tanong ko saking sarili.

Nang makalayo na kaming tatlo ay binitawan na ako nang dalawa. Hinimas-himas  ko naman ang wrist ko dahil medyo masakit ang paghatak nila sakin.

Medyo masakit yun guys ha, ano bang problema nyo at hinatak nyo ako dito malapit ko na sanang mabigwasan yung lalaking yun. Sambit ko sa dalawa. Bakit nyo ba kase ako pinigilan? Tanong ko sa dalawa at tumingin lang naman sila ng masama sakin na para bang galit.

Bakit?! Tanong kong muli.

Kilala mo ba yung taong yun? Tanong ni Joan sakin.

Hindi. Sagot ko kay Joan habang umiiling ang ulo. Napakunot na lang ang noo nang dalawa at tumingin sakin na para may nagawa akong  pagkakamali.

Yun lang naman ang anak ng may-ari ng school na to. Sambit ni Joan na nagpamilog ng mata ko.

Sya lang naman si Takashi Jay Yoshinori. Sambit ni Jonel, na mas lalong nagpalaki ng mata ko. O. M. G. Katapusan na ata ng mga pangarap ko.

To be continued. 🥰

......................................................................

Thank you guys for reading. Please, like support and follow me. Love you guys. 🥰

HLS: Grade 10: Albert EinsteinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon