Dal's P. O. V
Nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi ni Joan at Jonel sa akin, di ako makapaniwala na yung poging lalaki na yun na dahilan kung bakit umuwi ako ng basa kahapon ay anak ng may-ari ng School na to.
Seryoso ba kayo? Tanong ko kay Joan at tumango lang sya sakin bilang sagot sa tanong ko, napapikit na lang ako ng aking mata at na pahampas sa aking noo.
Sa tingin nyo ba tatanggalin nila ako sa School na to pag nalaman ng may-ari ng School na binastos ko ang anak nya? Tanong kong muli sa dalawa.
Ewan ko. Sambit ni Jonel habang naka-mustra ang mga kamay.
Di ko rin alam. Turan naman ni Joan habang naka-kunot ang noo.
Pero sya naman talaga may kasalanan eh, ang bilis bilis nya nya naman kaseng mag- drive kaya yun na basa nya ako. Reklamo ko sa dalawa kong kaibigan. " at isa pa kahit pa anak sya ng may-ari ng School na to, eh?! Ano naman?! Wala na akong paki-alam kase dapat humingi sya ng patawad sakin kase sya naman may kasalanan sa akin" Mahabang paliwanag ko sa dalawa at pinag- cross ang aking mga kamay.
Ay naku ka!
Yun na lamang ang nasabi ng dalawa. Nagbigla akong tinitigan ni Jonel, na para bang may mali sa mukha ko.
Hoy, ang lakas ng loob mong mang-away e labit labit naman yang liptint mo sa labi at buo-buo pa yang pulbos mo sa mukha. Sabi ni Jonel sakin, kaya na pakapit na lang ako sa mukha ko " hayst nakakahiya" sambit ko na lang sa isipan ko.
Tara na sa Classroom natin at baka malate pa tayo, Miss ko na si Sir. Sambit ni Joan kaya napatingin ako sa kanya.
Ah.. I mean gusto ko nang malaman ang mga lessons natin today, hehe. Sambit nya at biglang tinuro ako ng kamay " At kailangan mo rin na ayusin yang pagmumuka mo, kaya let's go na guys" Dagdag pa nya.
Nagtungo na kaming tatlo kaagad sa aming Classroom at kaagad ko rin namang binaba ang bag at lunch bag ko sa aking upuan at nang-hiram ng salamin kay Joan. Inayos ko ang liptint at pulbo ko sa mukha kase mukha talaga akong labas sa mental sa itsura ngayon.
Sana lang talaga ay hindi namin maging kaklase yung poging este bastos na hapon na yun. Sambit ko na lang saking isipan habang patuloy na inaayos ang itsura ko. Nang maayos ko na ang mukha ko ay binalik ko na kay Joan ang salamin at sakto namang pumasok si Sir. Iglesias. Nang makalapit na si Sir Iglesias sa kanyang mesa ay may sininyasan sya na pumasok sa loob ng classroom, nang makapasok na sa loob ng room ang mga kasama nya ay nanlaki na lamang ang mata ko nang makita ko ang poging este bastos na hapon kanina, at may kasama pa silang isa pang lalaki na medyo gwapo din. Tumayo yung dalawang lalaki na kasama ni Sir sa unahan at malakas na bulungan ang nangyari na para bang may artista sa unahan.
Good morning Class! Bati ni Sir Iglesias, kaagad naman kaming nagsitayuan.
Good morning Sir. Iglesias welcome and mabuhay. Balik na pagbati namin kay Sir at kaagad din naman kaming pinaupo ni Sir.
Kitang kita ko naman ang mga babae at bakla na kinikilig sa mga nasa unahan namin, para bang nasilihan ang mga pwet nila at di sila mapakali.
Alam kong nakikita nyo ang mga kasama ko sa mga ngiti nyo pa lang ay para na kayong nakarating sa Japan. Sambit ni Sir. " nakikita nyo naman na sila ang inyong bagong magiging kaklase" Dagdag ni Sir, na mas lalong nagpalakas ng iritan at bulungan nt mga kaklase ko.
Napaka pogi naman nilang dalawa. Sambit ni Janice na kaklase ko.
Sana maging jowa ko ang isa sa kanila. Sabi naman ni Rey, bakla kong kaklase.
BINABASA MO ANG
HLS: Grade 10: Albert Einstein
Teen FictionBook 1: Part 1. These are different stories of high school love life. Si Dal ay isang mag-aaral na pumapasok sa Yoshinori Private School, bilang grade 10 student section Albert Einstein, kasama nya rito ang kanyang mga kaibigan na sina Joan at Jone...