Chapter 5: May engkanto

1 1 0
                                    

Dal's P. O. V

Nagsimula na mag lesson si Sir Iglesias at nakikinig lang ako ng maayos sa kanya upang maintindihan at maunawaan ko ang lessons na itinuturo samin. Kailangan ko kase talagang makinig ng buong husay nang hindi ako matanggal sa honor students ng school na to. Habang nag bibigay ng lesson si Sir Iglesias ay kita ko naman na nakikinig rin ng maayos si Joan kaya nakakatuwa naman sa epekto ni Sir sa kanya, napa-ngiti na lang ako ng bahagya ng tumikhim ang nasa tabi ko kaya napa-harap ako dito at tiningnan sya.

Titig na titig ah. Sambit nya kaya napa-kunot ako ng noo.

Anong sinasabi mo dyan? Tanong ko rito ng may pagtataka at habang nakakunot ang mga kilay na nakatingin sa kanya.

Sabi ko nakangiti ka pa talagang nakatitig sa teacher natin, crush mo ba sya? Sambit ng poging mokong na katabi ko.

Huh?! Crush? Takang tanong ko. "At bat naman ako magkaka-crush kay Sir?" di makapaniwalang tanong ko rito.

So di mo crush yang si Sir Iglesias. Sambit nya ulit. Ano bang problema ng isang to, e ano naman kong crush o hindi ko crush sya si Sir Iglesias, may kinalaman ba sya dun.

Hindi. Sagot ko sa kanya ng madiin sabay irap ko sa kanya at nakinig na lang ulit ng lesson ni Sir Iglesias.

Good. Sabi nya at ngumiti. " Hamak naman mas gwapo ako dyan" bulong pa nya.

Anong sabi mo? Tanong ko rito pero tiningnan nya lang ako at umiling. Bumalik ang tingin ko kay Sir Iglesias at nakinig na lang muli.

Natapos ang mga lessons at nag one hour break na kaya lumapit sa akin ang mga kaibigan ko si Joan at Jonel at sabay na nga kaming tatlo na nag tungo sa canteen. Mahaba ang pila kaya pandalas kaming pumila nang bigla kong mabangga ang isang lalaki na dahilan kung bakit muntik na akong matumba, napapikit na lang ako habang hinihintay ang pagbagsak ko sa sahig pero salamat na lang at nasalo nya ako. Kala ko talaga ay mapapahiya ako sa madla buti at matibay ang braso nya. Naka-hawak sya sa aking bewang nang saluhin nya ako at pagmulat ko ng aking mata "shit ang lapit ng mukha nya sa mukha ko, ramdam ko ang kanyang hininga at ang bango-bango pa" nagkatitingan kami at bigla naman syang ngumiti na nagdagdag pa ng kagwapuhan nya.

Nang may biglang tumikhim sa likuran ko kaya bigla akong napa-ayos ng tayo at napabitaw naman sya sakin. Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko ang panlilisik nang mata ng poging Hapon habang nakatingin sa lalaking nakasalu sakin.

Pwede wag kayo dito sa daan maglandian nakaka-estorbo kayo sa mga nabili. Sambit nang mokong na Hapon, kaya napanganga na lang ako sa sinabi nya, tumingin sya sakin at nilampasan ako nagsitabihan naman yung mga taong nakapila at sya ang pinauna kaya nakabili sya agad nang kanyang pagkain. Haysttt iba talaga pag ikaw ang anak ng may-ari ng School.

Are you ok? Tanong nung lalaki "Nasaktan ka ba?" dagdag na tanong pa nya.

Yes I'm ok. Sambit ko habang nahihiya. "sorry na bangga kita." dagdag ko pa.

Ok lang. Sambit nya sakin. "Umm.. Pero medyo bastos yung lalaki kanina, sino ba yun?" Tanong nya sakin.

Ah.. Yun ba, anak yun nang may-ari ng School na to kaya medyo asbagin. Sagot ko naman. "Sorry ulit ha." Paghingi ko ulit ng tawad sa kanya.

Ok nga lang. Sambit niyang muli habang naghahand gesture pa. " Um.. Pwede ko bang malaman ang name mo? " tanong nya sakin kaya na palaki naman ang mata.

Huh? My name? Tanong ko para makasigurado na pangalan ko nga ang hinihingi nya.

Yes. Sagot nya habang may pagtango pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HLS: Grade 10: Albert EinsteinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon