Chapters 2

11 2 0
                                    

"Who?"

Tinitigan ko ang aking mga magulang.

"Si Conrad Rieux, the one I told you about? Iyong kaibigan ng papa mo na inaya s'yang maglaro ng billiards no'ng pumunta sila ng Cavite?" Paliwanag ng aking ina habang malawak ang ngiti nito.

"Right... I want you to meet him, hija," sabat naman ng aking ama.

"Then... Where is he?" Tanong ko pa.

Sabay silang dalawang lumingon sa kanilang likuran kaya sinundan ko naman ang tingin ng mga ito. Napakunot pa ang aking noo nang wala akong makita maliban na lamang sa mga taong nag-uusap.

"Oh, he's here!" Usal ng aking ama saka ito may tinawag. Humakbang ako patungo sa tabi ng aking ina upang makita ang tinutukoy nila.

A man emerged from the crowd, moving with elegance and poise. His slicked-back hair gleamed under the light, with a few strands falling onto his forehead just above his thick brows.

Nakasuot ito ng mamahaling business suit at mamahaling sapatos na tila ba sa sobrang kinis at kintab, pati ata ang mga insektong dadapo kayang padulasin. He was holding a glass of champagne na malapit nang maubos ang laman.

Nakasunod naman sa kanya ang magandang babae na nakasuot ng kulay asul na dress habang nakapusod naman ang itim na buhok nito. The make up she's wearing emphasizes her face. Ang ganda n'ya.

Nakakapit ang braso nito sa lalaki habang may matamis na ngiti ang mga labi habang ang lalaki nama'y seryoso ang mukha ngunit naroon pa rin ang paggalang.

They both look too expensive.

Sinuyod ng aking mga mata ang dalawa, mula ulo hanggang paa bago pa man ako lumingon sa aking mga magulang.

Ngumiti sina mama sa kanila at binati sila, gayon na rin ang aking ama bago pa man nila ibinaling ang kanilang paningin sa akin.

"Hija, meet my friend and business partner," pakilala ng aking ama roon sa lalaki.

Tumingala naman ako upang salubungin ang mga mata ng lalaki. He is way taller than me kung kaya kailangan ko pang tumingala, mas matangkad pa nga ito sa aking ama kung tutuosin.

Ngumiti ako nang masalubong ko ang mga mata nito. Ngumiti rin siya pabalik sa akin, his smile is formal yet friendly. Nakatingin ito sa akin as animo'y nakatuon sa kausap n'ya.

"He is Saint Conrad Rieux," rinig kong usal ni Daddy.

Bahagyang tumaas ang aking kilay nang marinig ko ang pangalan nito

"Saint Conrad Rieux?" Sinulyapan ko ang aking mga magulang para kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng lalaki na ikinabaling ko rito.

"I'm no Saint. Call me Conrad or Con, anything you're comfortable with will do.." A small smile flashed on his lips. Bahagya akong napatitig sa kabuoan ng mukha nito bago napatango. He looks handsome and young. Naamoy ko rin ang mamahaling pabango nito.

Tumikhim naman ako. "Aivee Tanisha Recalde, call me Aivee." Inabot ko ang aking kamay upang makipagkamayan rito. Agad n'ya rin itong tinaggap.

I shake his hand before pulling back.

"Aivee, right..." Tumango-tango ito nang banggitin n'ya ang aking pangalan as if he let my name roll in his tongue. Bumaling naman ang aking paningin sa babaeng katabi nito.

"This is Margarette Luis Fernandez," pakilala ng aking ama. "Conrad's fiancée"

Saglit akong natigilan roon. He has a fiancée?

Agad rin akong ngumiti sa babae. "Nice to meet you, Ms. Fernandez," nakangiti kong bati sa kanya.

"Call me Margarette," anito gamit ang malambot na boses nito. Ngumiti naman ako kahit medyo awkward para sa parte ko na tawagin s'yang Margarette.

Indecent GetawayWhere stories live. Discover now