Prologue

202 101 59
                                    

I was in the middle of my sleep when I heard loud noises coming out of my room. Sa inis ay padabog akong bumangon at lumabas ng kwarto ko.

I think, ten steps away from my room, I saw a little girl in front of someone’s door crying and shouting. Nakatingala s’ya at parang nakatingin lang sa kisame pero hagulgol nang hagulgol.

“This is why I hate kids.” Inis kong bulong sa sarili ko saka nilapitan ang batang babae.

Sa likod n’ya ay tinignan ko rin kung ano mang tinititigan n’ya. Parang nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig nang dahil sa nakita.

There's a middle aged man hanging himself inside the room. Ngayon ko lang napansin na hindi kwarto ito kundi isa lang maliit na bathroom.

Ilang minuto ko pang tinitigan ang lalaking ito, sobrang putla n’ya na at parang naubusan na ng dugo.

Humarap sa’kin ang batang babae, nakasimangot ito at umiiyak. May binubulong s’ya at palakas ito nang palakas.

“Kasalanan mo ’to.” Paulit-ulit at palakas nang palakas. Hinahabol ko ang paghinga ko dahil sa kabang nararamdaman na hindi ko malaman kung bakit.

Sanay na akong makakita ng ganito pero bakit ako nagkakaganito ngayon?

“KASALANAN MO ’TO!”

Mischievous Girl On A MissionWhere stories live. Discover now